021 - The Invitation

285 40 14
                                    

The Invitation

Lavinia's POV

Liwanag ng sikat ng araw ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing. Nagmulat ako ng mga mata. Nais ko pa sanang matulog dahil napagod kagabi pero mukhang hindi na kaya ng aking diwa. Bumangon ako at tumingin sa wall clock na nakasabit malapit sa pinto. Alas-diyes na pala ng umaga.

“Ano na naman bang katangahan 'yang pinaggagagawa mo, ha?!”

Napakunot ang ang aking noo. Si Eli ba 'yun? Agang-aga, ah. Bakit kaya sumisigaw na naman ito na parang baboy na kinakatay? Malapit ko ng pagdudahan ang kasarian niya,  ha?

“Pake mo ba?!”

Si Lily. Sabi na nga ba. Ang mga ito na naman ang nagbabangayan. Hindi kumoleto ang araw ng dalawang 'yan kung hindi nagkakasagutan.

“Hindi mo ba talaga kayang mag-isip ng matuwid?!”

“Tuwid na daan, gusto mo? O Lumang Daan? ” Namimilosopo na naman ang baliw na babae.

Ano na namang kayang pinagtatalunan ng dalawa? Sa mahigit dalawang buwan namin dito ay lagi na lang silang ganyan. Parang mga bata talaga.

“Ano na naman ba 'yan?”

Si Nathan. Minsan,  ito ang nagiging tag-awat ng dalawa. Pero madalas,  isa din sa mga nang-aasar kay Lily.

Lumabas na ako sa kwarto.

“Ano na namang pinagdedebatehan ninyo?” Tanong ko sa mga ito.

Tinignan ko ang ayos ng mga ito. Si Lily ay naka mahabang sando at naka-cycling lang na hanggang kalahati ng hita. Naka-messy bun naman ang buhok nito. Basa ang kanyang damit at may bula-bula ng kanyang kamay. Bakit parang may naamoy ako sa paligid na parang amoy candy? Si Eliazar naman ay naka suot ng kupas na maong habang walang damit pang-itaas. Nakasanayan na niya ang ganyang ayos tuwing pagkagising. Wala namang malisya sa amim. Pero,  infairness,  ha? Hindi din pala papatalo ang isang 'to sa ganda ng katawan. Pwede ng model kahit medyo maitim at hulmang-hulma ang mga braso at bisig nito. Dala marahil iyon ng sobrang batak sa trabaho. Nasa harap siya ng lababo. Mukhang maghuhugas ng mga pinagkainan namin kagabi. Hindi na kasi naasikaso 'yun dala na din ng pahod. Si Nathan naman ay naka boxer short at naka-sando habang naghahanda ng pagkain.

“Good Morning.” Bati niya ng mapansin ako.

Nginitian ko siya. Sa pagkakatanda ko wala naman kaming problema,  hindi ba? Dapat na sigurong kalimutan ang mga sinabi nito. Hindi naman na din nito inungkat ang tungkol doon. Baka nabigla din ito. Mabuti naman kung ganoon. Ayokong magkaroon kasi kami ng ilangan. Hindi maganda iyon lalo na kung may mga bagay kaming dapat tapusin na sama-sama.

“Good Morning.” Bati ko sa mga ito. Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom. “Bakit 'yang mga boses ninyo na naman ang inihahain ninyong almusal?”

Hindi na maipinta ang mukha ni Eli. “Tanungin mo 'yang babaeng 'yan. ” Itinuro pa nito si Lily. “Kagagahan na naman ang pinaggagagawa.”

“Ano ba 'yon?” Tanong ko dito.

“Ginawa ba namang panglaba sa mga panty niya 'yung dish washing liquid!”

Ahhhhhh. Kaya pala amoy candy na parang calamansi at melon. Tingnan ko ng ang salarin.

“Oh, bakit? ” Sabi pa nito na parang walang ginawang nakakaasar. “Mas mabango kasi 'yun kaysa sa mga powder,  no? Palibhasa wala kayong taste. My gaaaaaddddddd.”

Napapikit na lang ako. Agang-aga at kagigising ko lang. Ayokong masira ang araw ko dahil lang sa baliw na ito. Nagpunta ako sa telepono at tinawagan ang Home Service Department. Nagpadala na ako ng sampung galon ng dishwashing liquid. Tatlong minuto lang ay dumating na 'yon. Tignan ko lang kung maubos pa ang mga ito. Pati maliliit na bagay kailangang pagtalunan. Isip bata talaga ang dalang 'yan. Lalo na si Lily.

Nagwalis-walis ako sa loob ng unit namin. Nakakahiya naman,  hindi ba? Ako lang ang walang ginagawa. Nagpunas-punas na din ako at nag map ng sahig. Hindi din naman ako sanay na walang ginagawa at magbuhay senyorita. Hindi ako 'ganon.

Kagabi, nang makuha namin ang tatlong babaeng nasa listahan ay isinama din namin sila pabalik dito sa Head Quarters. Sinabi naman namin sa kanila ang tunay na kalagayan ng kaligtasan ng mga ito. Sa una ay parang ayaw pa nilang maniwala pero ng kinausap naman ang mga ito ni Head Master ay napapayag na din namin ang mga ito na dito na muna sa HQ pansamantalang mamalagi para na din sa sarili nilang kapakanan. Hindi naman sila bilanggo dito. Makakakilos pa din naman sila ng normal basta dito lang sa loob. Dito kasi ay kita namin ang bawat galaw nila at hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino lang.

“Guys,  wala na din pala kayong dapat ipag-alala.” Maya-maya sa sabi ni Eli ng kumalma na ang inis nito sa babaeng baliw. “Tinaasan ko na ang buong seguridad dito sa buong PAL.”

“Mabuti naman kung 'ganon.” Tugon ko sa kanya. “Pero huwag pa din tayong magpakampante. Maaring may mga kapangyarihan din ang mga nilalang na kumuha sa mga nawawalang babae. Nakita ninyo naman siguro amg nagyari sa huling pamilya ng babaeng kinuha nila? Mararahas sila at handang pumatay makuha lang ang gusto.”

“Ano na namang nais mo?” Singit na tanong ni Lily. Nasa banyo ito pero nakabukas amg pinto niyon. Naglalaba nga talaga ito gamit ang panghugas ng plato. Pambihirang babae.

“Ah,  kasali ka pala dito? ” Pang-aasar dito ni Eli. Nagsisimula na naman.

“Ah, ang galing ni Negro. ” Ganit nito. “Akala mo namam masarap magluto pero wala namang hotdog 'yung spaghetti,  my gaaaaadddd.  Ang poor.”

Ang tinutukoy ni Lily ang 'yung niluto ni Eli na spaghetti na imbes na hotdog ay sardinas ang nakalagay.

“Hoy, kahit maiitm ako masarap naman 'to, no? ”

“Weeeeeeeehhhhhh?”

“Oo naman,  yes. Daks pa.”

Daks? Ano 'yun?

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Lily sa huling sinabi ng lalaki na daks. Parang nagkaroon ng star ang kanyang mga mata. “Talaga ba? ” Bigla itong ngumiti. “Baka naman. Pwedeng patakim?”

Mukhang iba na ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Ewwww.” Sa halip ay sabi ni Eli.

“Sige na. Wampipti?”

“Higher!”

“1,500?”

“Ang baba naman.”

“15,000”

“Huwag na lang.”

“30,000”

“Hindi na.”

“500,000.”

“No, thanks.”

“5 Million.”

“Deal.”

“Nanay mo deal. Ano 'yan ginto? Mukha mo mukhang pwet. Gagang 'to. You're not my type,  no? ”

“Mas gaga ka. Mas lalong hindi kita gusto. Ang baho mo kaya.”

“Hey. ” Awat ko sa mga ito. “Baka kung saan na naman mapunta 'yan.”

Nakapaghain na si Nathan ng biglang tumunog ang doorbell.

“Ako na.” Sabi ko sa mga ito.

Isang staff ng building ang nasilayan ko. Inabutan niya ako ng isang mahaba ngunit hindi kalakahing puting envelope. Nagpasalamat ako at umalis na ito.

Binuklat ko iyon habang sa akin nakatutok ang mata ng tatlo.

“Ano 'yan? Bill? ” - Nate

“Anong sabi? Baka letter? ” -Eli

“Baka ayuda na 'yan? ” -Lily

Walang tumama sa hula ng mga ito. “An invitation.....
..

.

.
.
.

.

..

.

.

.
from the queen of Athens.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now