034 - The Mastermind

212 33 17
                                    

The Mastermind



LILY'S POV

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Hell.

“Para 'yan sa pagbunggo mo sa isang magandang katulad ko.”

“Hindi ka maganda!” Sagot.

Sinampal ko ulit siya. “Hindi talaga! Dahil magandang-maganda ako! Vaklang 'to. I-barter kita diyan ng isang kilong bigas, eh.” Ipinakita ko sa kanya ang nail cutter. “Hindi ka talaga aamin? Sino ang amo mo, ha?! Magsalita ka! Sino ang nag-utos sayo?!”

Ngumiti ang kumag. Bwiset. Akala mo gwapo mukhang tikbalang naman. “Wala kang mahihita sa akin.

“Ah,  ganoon? Sige. Let see.” Gamit ang nail cutter ay tinanggal ko ang lahat ng kilay niya. Nang mapudpod ang magkabila ay kinuha ko naman ang itim na marker. Ginawan ko siya ng isang hindi papakabog na makapal na kilay. Abot hanggang noo. “Oh,  pak. Kilay is life.”

“Ano bang laro 'to, Lily?” Tanong ni Lavinia na chaka.

Tinignan ko siya. “Laro Ni Satanas.” Sagot ko sa kanya. “Pabayaan ninyo ako. Pasasaan ba at aamin din ito. Ako ang bahala sa kanya.”

“Siguraduhin mo lang.” -Nate

“Yes, baby.”

Kumuha ako ng buhok ng walis. Pinakita ko iyon kay Lavinia. “Remember this,  vakla?”

Hindi ito sumagot. Tumawa na lang ako ng malakas. Unang pagkikita kasi namin ay pinag-trip-an  ko na siya. Sinundot-sundot ko ang ilong niya ng makating bagay na ito hanggang magising siya. Naaalala ninyo pa ba, mga vakla? Kung hindi magpakamatay na kayo.

Ipinasok ko ang hawak sa ilong ni Hell. Napa-hatsing ito ng ilang beses. Tulo ang sipon. My gaaaaaddd. Baluga. Isang ehemplo ng napabayaang anak.

“Ano, hindi ka pa din aamin?”

“Baliw ka na!”

Baliw pala,  ha? Kinuha ko ang latigo at hindi ako nagdalawang isip na ihampas iyon sa kanya. Maraming beses ko pang pinahiralan ito pero wala talaga. Aba,  matibay.

“Gusto mo hulaan kita?” Tanong ko sa kanya. Maglalaro kami.

“Wala akong pakielam sa hula mo, sa'yo at sa inyong lahat!”

Sinampal ko ulit siya ng malakas. Peste. Talsik ang laway. Kadiri.

“Ako na lang hulaan mo, Lily.” Sabi ni Negrong Eliazar. “May magmamahal pa kaya sa akin?”

“Mayroon. Syempre naman.” Sagot ko sa kanya.

“Talaga?”

“Yes. Basta may 2,500 ka.”

“Bwiset ka.”

“Yes. I never worry na maghahalo ang perfume ko sa ibang amoy.”

“Kwento mo sa pagong.”

“Nanay mo pagong.”



*********

Lavinia's POV

Jusko. Nag-umpisa na naman mga ito. Dito pa talaga.

“Manahimik na nga kayo.” Saway ko sa mga ito.

Natigilan kaming lahat ng isang tunog ng cellphone ang nadinig namin. Nagkatinginan kaming apat. Wala sa amin ang may dalang telepono. Nilapitan ko si Hell at kinapkapan ito. Tama nga ang naiisip ko. Sa kanya nanggagaling iyon. May cellphone pa lang nakatago sa likod ng bulsa nito. May wallet din. Hindi ko nakita 'yun,  ah. Number lang ang nakalagay doon. Hindi naka-rehistro kaya walang pangalan.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now