009 - She Is Lavinia Edwards

490 64 13
                                    

She Is Lavinia Edwards

Isang mala-butil na luha ang pumatak sa aking kaliwang pisngi habang pinagmamasdan ang puntod ng aking kaibigan na si Tres. Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ako iiyak pero hindi pala ganoon kadali. Nandito ako ngayon sa The Pal Cemetery. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong madalaw ito. Inilagay ko sa taas ng nitso nito ang dalang bulaklak pagkatapos magtirik ng kandila.  Dito din nakalagak 'yung mga ibang kasama namin sa pagsubok na namantay. Including Athena... Pesteng babae 'to. Ngali-ngali kong pasabugin ito ng ma-double dead. Makaganti man lang sa mga ginawa niya lalo na ang pagpatay niya sa kaibigan ko. Pero nangyari na ang nagyari. Pinunas ko ang luha sa aking pisngi.  Pangako,  Tres. Papahalagahan ko ang sarkipisyo mo. Hindi ko sasayangin 'to. Dito sa puso at utak ko mananatili kitang kasama at hinding-hindi mawawala. Laban natin 'to.

Ginambala ako sa aking pagmumuni-muni ng isang malakaa ng ring. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at sinagot ang kung sinong tumatawag mula doon.

“Yes? ”

“Oh,  ano,  Lavinia? Diyan ka na titira sa libingan?! Gusto mong isunuod ka na namin kay Tres?! Vakla ka. Masyado kang pa-importante! Kanina pa kami naghihintay dito sa office ni Charlie!! Nilamon ka na naman ba ng sistema?!!!”

Si Lily. Nakakabingi talaga ang boses nito. At paano niya nalaman na nandito ako? “Just a minute.” 'Yun lang at pinatay ko na ang telepono. May text pala si Head Master.    May importante daw siyang sasabihin. Ano kaya 'yun?

Lumabas na ako ng simenteryo. Haaaay. Sa isang iglap nabago ang buhay ko. Ngayon hindi na ako isang babae lang na nakatira sa isang gubat. Hindi ko na din kailangang manghuli ng mga hayop para may makain. Bilang isa sa member ng The Four, lahat na ng naiisin ko ay pwede ko ng makuha. Ang sarap pakinggan,  hindi ba? Pero mas masarap sa pakiramdam kung kasama ko din sana sa aking pagkapanalo si Tres. Haaaaaay. Nakakapanibago na wala na talaga ito.

Ako na ngayon ang namamahala sa Ministry of Magic. Isa na din ako sa mga guro sa The Four Academy. Tinuturuan ko ang mga estudyante doon kung paano makipaglaban gamit lamang ang kamao, bilis,  at lakas ng katawan.

Here's Some Facts About Myself

1. Age : 23
2. Place : Insurgent (The 7th Nation of Athens)
3. Birthday : December 23
4. Favorite Color : Black
5. Favorite Food : ?
6. One Word To Describe Myself : Competitive
7. Relationship Status : ?
8. What I hate : Bastard
9. Makes me laugh : ?
10. Crush : ????????????????????????

Malapit na ako sa Presidential Building ng isang lalaki ang nabangga ko.

“Oh, I'm so sorry.” Ito pa ang humingi ng paumanhin.

“I's okay.” Sagot ko na lang din.

Iyon lang at dire-diretso na itong lumakad palayo. Sandaling natigilan ako ng makita ang kanyang istura. Bagong mukha 'ata siya dito. Sino at anong katungkulan o papel niya sa Head Quarters? Pero bakit ba mag-aaksaya pa ako ng panahong tuklasin iyon? Hindi naman dapat na alamin ko pa ang kung sino-sinong pumapasok at lumalabas sa building na ito.

Pagpasok ko sa loob ng gusali ay binati ako ng mga guards at mga empleyado doon. Tango lang ang iginanti ko sa mga ito. Dumiretso na ako sa office ni Head Master.

***********

Third-Person POV

“How is she?”

Tanong niya sa akin pagpasok ko sa loob ng kanyang pribadong kwarto. Talagang sinisigurado nito na walang makakadinig sa mapag-uusapan namin.

“As usual. Immortality na lang ang bumubuhay sa kanya.”

Kahit nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko ang kanyang malawak na pagngiti.

“Kumusta ang kakambal niyang walang silbi?”

“She's okay.” Sagot ko. Bakit parang nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ba't planado na ang lahat?

“Siguraduhin mo lang na hindi siya makakahalata. Ayokong madungisan na naman ang aking mga kamay ng dugo pag nagkataon. Naiintindihan mo ba?”

Tumango ako dito. “Yes,  Majesty.”

“Mabuti kung 'ganon.” Humarap siya sa akin.

Dito ay muli kong nakita ang kanyang napakagandang mukha. “Malapit ng matapos ang kanyang paghihirap. Konting panahon na lang.”

Makatapos ang ilang minuto ay pinabalik na niya ako sa aking pinanggalingan.

********

Lavinia's POV

Pagpasok ko sa private room sa loob ng opisina ni Head Master ay bunganga agad ni Lily ang sumalubong sa akin.

“Filipino time, ha? Akala mo naman maganda.”

“Pwede bang manahimik ka na lang?” Sabi ko sa kanya kahit napaka-imposible niyon.

Nandito na kaming lahat sa loob. Mula sa glass wall ay tanaw namin ang kalangitan. Parang uti-unting nagdidilim ang paligid.

“Uulan kaya?” Tanong ni Nathan habang nilalaro sa daliri ang hawak na ballpen.

“Tanong mo kay Mang Tani.” Sagot dito ni Lily.

“Sino naman 'yun? ” Dugtong na tanong ni Eliazar na may hawak na baso. Kape 'ata ang laman niyon. Naupo siya malapit sa tabi ko.

“Asawa ni Tita Mel.” Sino na naman ang binanggit nitong mga pangalan? Tumayo ang babaeng baliw mula sa pagkakahiga sa sofa at nilapitan ang painting na nakasabit sa isang dingding. Tatlong hubad na lalaki ang makikita doon.

“Infarness si Charlie,  ha. Mahilig din pala sa lalaki. ” Sabi niya kay Head Master na nasa banyo 'ata. Charlie na ang tawag namin sa kanya na siya namang inutos din niya. “Baka ka-federacion mo din siya,  Eliazar.”

“Federacion mo mukha mo.”

“Nandito ka na pala,  Lavinia. ” Sabi ni Head Master paglabas sa isang pinto.

“Ah, hindi. Nasa Jupiter siya. Nagmo-mall. Nakikita mo na siya,  hindi ba? Malamang nandito na. ” Pangbabasag ni Lily dito. “Oh,  nagpagpag ka ba?” Puna niya pa. “Gusto mo ako na?”

“Pagpag ng? ” Mukhang clueless si Charlie sa gustong ipahiwatig ng babaeng manyak.

“Ng anes mo. Hindi ba ganon ang ginagawa ng mga lalaki pagkatapos umihi? Don't tell me hindi ka lalaki. Ano ka, itek? Baka naman nakaupo ka kapag naihi? Ako kasi, naka-tuwad. My gaaaaaaaaaad. I can't believe this. Gusto mo ako na magpagpag? Kaso baka naman tawag pala 'yan ng kalikasan. Kadiri. Nagsabon ka bang maiigi ng kamay mo?”

“Gusto mo bang mapalabas ng silid na ito? ” May pagbabanta sa tinig ni Head Master.

Tinawanan lang siya ng isa. “I dare you.  Hindi mo kaya. Kung magawa mo man bahala ka isusumbong kita sa management. 537 na nga lang ang rate mo baka maging provincial rate pa. 400 na lang. Kaya huwag ako,  ha.”

“Para saan ba 'to? ” Tanong ni Eliazar.

Iyon din ang gusto kong malaman.

“Para sa listahan ng mga mabibigyan ng ayuda sa second wave. Oh,  pak. Second wave.” Singit na naman ni Lily. Pumunta siya sa kinaroroonan ng ref at kumuha doon ng iba't-ibang klase ng chocolates. At home na at home ang isang 'to sa opisina ni Head Master. Walang hiya talaga.

“Oh,  anong tinitingin-tingin mo,  Lavinia? Gusto mo?” Inalok niya pa ako.

Imbes na ako ay si Natham ang kumuha sa mga dala nito. May plano ba ang mga ito na makinig sa sasabihin ni Charlie?

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now