017 - Who Is The Enemy?

304 47 14
                                    

Who Is The Enemy?




Lavinia's POV

Isang envelope ang ipinakita sa amin ni Lily. Naglalaman iyon ng walong litrato. Inilatag namin ang lahat ng iyon sa center table. Medyo nagulat at nabigla ako sa mga nasilayan.

“Oh,  wait. Parang pamilyar ang mga 'to, ah. ” Sabi ni Eli habang tinitignan ang mga picture.

“Nandito 'yung apat na babaeng nawala.” Sabi ni Nathan.

“At nandito din ang apat pang mawawala.” Sabi ko. Iyon ang malakas kong kutob. Malakas ang pakiramdam ko doon. Madalang lang akong magkamali sa mga ganitong pagkakataon. Tama kaya itong mga nakuha ni Lily? Baka naman kung saan lang ito nanggaling? O baka naman inililigaw lang kami nito?

“Good job,  Lily.” Sabi ni Charlie sa babaeng baliw. “Paano mo nga nakuha ang mga 'yan? ”
Tumayo ang babaeng baliw at humarap sa malaking dingding sa salamin. Doon siya nag suklay-suklay ng kanyang buhok. “May nakabangga ako isang lalaki kanina. Nahulog niya malamanang 'yan.”

“Wait, baka naman panaglandakan mo pa sa kanya na isa ka sa The Four? Kilala ka namin,  ha.” -Eliazar.

Nag pameywang pa ito. “Oo. Ipinagsigawan ko sa mukha niya na ako ang leader ng The Four para malaman niyang hindi dapat ako basta-basta tinatakbuhan.”

“Dapat kinilala mo na para malaman agad natin ang kung sinong may pakana nito. Dapat diyan mo na ginamit ang mga kagagahan mo. Mahina ka din, eh. Kahit pangalan man lang at kung saan siya nakatira. ” Sabi dito ni Eli.

“Gaga. Malay ko ba? Kung alam ko lang baka kinulong ko na 'yun sa pokeball.”

“Kung ganoon maaring nakilala ka niya. ” Sabi ko dito. “Sayo o sa atin niya hahanapin 'yang envelope na 'yan. May posibilidad malaman nila na kumikilos na din tayo para mapigilan sila. Maari ding isipin nila na isa tayong malaking hadlang sa mga plano ng mga ito. Ang mahirap lang dito, kilala na nila ang The Four samanatalamg tayo wala man lang way para malaman kung sino sila. Sigurado akong hindi siya nag-iisa. Hindi ito magagawa ng mag-isa ng isang nilalang. May mga kasama siya.”

“Ang nakakapagtaka lang ay bakit nila ginagawa ito?” Signit ni Nathan.

“Iyan ng dapat nating alamin. ” -Charlie

Pinagmasdan ko ang mga litrato isa-isa. Inihawalay ko ang apat na nawala na. “Isa lang pagkakaprehas nila.... Magaganda silang lahat.”

“Exactly.” Sang-ayon ni Eli.

“Ang ibig sabihin ay mga magaganda lang ang nawawala at kailangan nila? ” -Lily.

“Yes. Kaya ligtas ka.” Pang-aasar dito ni Eliazar.

“May punto kayo. Ang kailangan nating alamin ay kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng mga ito. ” Sabi ni Head Master.

“Kailangan nating mabilisin ang kilos natin ngayon. ” Inilagay ko sa isang banda ang apat pang litrato. “Dahil kung hindi isa sa mga ito ang mawawala ngayong gabi.”

“Ang apat namang ito ay galing sa Abnegation, Amity,  Candor at Insurgent.” Tukoy ni Nate sa mga nawala na. “Maaring ang apat pang natitira ay mula naman sa Divergent, Dauntless,  Erudite at Allegiant.”

“Pwedeng mangyari 'yun.” Sang-ayon ko dito. “Mahigipit ang seguridad sa tatlong unang nation na sinabi mo. Hindi agad-agad sila makakagawa doon ng maling action kaya marahil ipanghuhuli nila ang tatlong nasyon.”

“At may posibilidad na Allegiant ang isunod nila?” Sabi naman ni Lily.

“Tumpak. ” -Eli. “Nakikinig ka din naman pala kahit kanino. Magkakaibang lahi sila. Hindi maganda ang kutob ko diyan. ”

Ganoon din ako. Parang mas malaki pa ito sa inaasahan namin. Napakunot ang noo ko ng may makitang maliit na itim na papel sa likod ng nasa dulong litrato. Kinuha ko iyon.

“Calling card? ” Sabi ni Nathan ng makuha at mapagmasdan naming lahat iyon.

Kinuha iyon ni Eliazar mula sa aking kamay. “Calixto Saavedra.” Basa nito sa pangalang nakasulat doon.

Napatayo ako sa pagkakaupo. Calixto Saavedra? “Parang narinig ko na ang pangalan na 'yan. ” Pinilit ko ang sarili na alalahanin ang pangalang iyon hanggang sa kadulo-dulohan ng utak.

“Arc of Power.” Dagdag nito.

Binggo. Pumasok ako sa loob ng kwarto at paglabas ay dala ko na ang isang laptop.

“What are you doing?” Takang tanong ni Eliazar.

“Manonood lang 'yan ng porn. Share tayo, Lavinia,  ha. Gusto mo maglabas ako ng speaker para mas exciting ang panonood natin?”

Tinignan ko si Lily. “Shut up. Huwag mo akong itulad sayo.” Binuksan ko ang device at nagsimulang mag type doon. “Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na 'yan. Calixto Saavedra. Isa siya sa mataas na opisyal sa Ministry of Magic. ” Paliwanag ko sa mga ito. Arc Of Power ang tawag sa matataas na pinuno ng sangay. Sa pamumuno ko doon ay may mangilan-ngilan naman na akong nakilala at tumatak sa isipan ko, mga nilalang na kailangang bantayang maigi. Nadinig ko na ilang beses ang pangalan niya sa isa sa mga conference meeting na ginawa namin.

“Really? ” - Head Master

Naki-usyoso silang apat sa ginagawa ko. Yes. Nahanap ko na ang files ni Saavedra. “May dalawang anak at asawa. Sa Dauntless siya nakatira.” Tinandaan ko din ng maigi ang tabas ng kanyang mukha. Isinara ko ang laptop. Muli akong tumayo. “Maaring si Saavedra ang makapagturo sa atin kung sino ang pasimuno ng lahat ng ito. Kailangan na nating kumilos bago pa may mawala na naman mamayang gabi. ” Tumingin ako sa bintana. Nagdidilim na. Ilang oras na lang. Hindi pwedeng may mawala na naman.

“May naisip na ako. ” Sabi n Charlie. “Maghahati kayo sa dalawang grupo para hanapin ang kung sino mang Saavedra na 'yan at magbantay sa Allegiant dahil maaring tama kayo. Iyon ang isusunod nila ngayong gabi.”

“Kami na ni Eliazar ang magkasama.” Prisinta ko. Sa pagtataka ko ay biglang napalingon sa akin si Natham na parang may gustong sabihin. Na ano,  Lavinia? Na dapat kayong dalawa ang magkasama? Enough. Mag focus ang dapat kong unahin. Salamat naman at kahit papaano ay may daan na kami kahit maikli lamang iyon patungo sa kung ano o sino ba ang gumagawa ng mga ito.

“Okay. ” -Charlie. “Lily and Nathan, kayo ang pumunta sa Allegiant.”

Bago lumabas ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Head Master.

“Mag-iingat kayo.”

Hindi ko alam. Pakiramdam ko malaki at malakas na nilalang ang nasa likod ng lahat ng ito. Pero sinisigurado kong mahahanap namin siya. Pangako.

First Stand *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon