040 - He Is Prince Walker

190 28 1
                                    

He Is Prince Walker

“Ano bang nangyayari dito?” Tanong ko sa Inang Reyna. “Kung hindi ako marahil dumating ay napaslang ka na ng isang 'yan.” Tinignan ko si Eliazar na nawalan ng malay ng patamaan ko ng isang malakas na enerhiya. Anong kailangan niya dito sa palasyo? Bakit sinasaktan niya ang aking Ina? Saan siya kumuha ng lakas ng loob para gawin ang bagay na ito?

Tinignan ko ang mga kawal na ngayon lang nagising. “Mga walang kwenta! Paanong kayo ang naging taga-bantay dito kung hindi ninyo man lang kayang ipagtanggol ang inyong Reyna?!” Pasigaw na sabi ko sa kanila. “Mas una pa siyang mamatay kaysa sa inyo. Umalis kayong lahat sa harapan ko bago pa man ako ang pumaslang sa inyo isa-isa.”

Sumunod naman ang mga ito.

Tinignan ko muli ang aking Ina na hawak ang kanyang leeg. Namula iyon mula sa pagkakasakal ng lapastangang ito na nasa sahig.

“Ayos lang ho ba kayo?”

Tumango ito. “Ano na na naman kaya ang ginawa niya?”

“Ano?” Tanong ko sa kanya. Medyo mahina kasi ang boses niya ng bitiwan niya ang mga katagang iyon. “Anong sinabi ninyo?”

“Wala.”

Tumango na lamang ako. “Ipapadala ko na ang isang 'to sa bilangguan.” Tukoy ko sa bagong member ng The Four. Mukhang naging mali ang pagpili nila ngayon. “Dapat siyang managot sa mga ginawa niyang ito. Pinagtangkaan niya kayong patayin.”

“Hindi!” Tutol niya sa akin. “Papakawalan natin siya at aakto tayong parang walang nangyari.”

Napakunot ang noo ko sa sinabing iyong nang Inang Reyna. “Ano?” Ipagsasawalang-bahala lang nito ang kalapastanganan ng lalaking 'yan?

Mayamaya ay bigla itong natigilan at naglakad palayo. Saan siya pupunta? Mabilis din naman siyang bumalik at nakangiti na sa pagkakataong ito. Parang walang nangyari. Mula sa suot na puting gown ay naging itim na iyon. Nagpalit lang ito?

“Mga kawal!” Sigaw nito. Lima ang dumating. “Kuhanin ang isang 'yan at ikulong. Siguraduhin ninyong hindi siya makakawala.”

Akala ko ba hindi niya paparusahan si Eliazar sa ginawa nito? Baka nagkamali lang siya ng nasabi. Ako man ay sang-ayon sa desisyon nito ngayon. Binuhat ng mga kawal ang nilalang na walang malay sa sahig. Nang kami na lang dalawa ang natira dito ay muli kong tinanong ang Reyna. “Ano bang nangyari? Bakit ganoon na lamang ang galit niya sa inyo?”

Ngumiti siya bago sumagot. Hinaplos niya ang aking pisngi. “Huwag ka ng maraming tanong, aking mahal na prinsipe.” Pagkasabi niyon ay naglakad na ito palayo.

Matagal akong nanatili sa kinatatayuan. Matagal na panahon ko ng napapansin na parang may kakaiba sa Inang Reyna. Iyon ang aalamin ko.

“Mahal na Prinsipe.”

Napatingin ako sa isa sa mga taga-bantay ng tarangkahan na lumapit sa akin. Puro pasa ito. Bugbog sarado ni Eliazar. Isa pang inutil. Nagtataka ako kung bakit nandito sila. Maraming mas malalakas at mas mapapakinabangan kaysa sa mga ito. Mga lampa at mahihina. Mga walang silbi. Ano na ang nangyayari sa pamamalakad dito sa buong palasyo? Simula talaga ng mamatay ang Hari ay napabayaan na ito. Nawala na sa ayos ang lahat. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang inaatupag ng Mahal na Reyna.

“Anong kailangan mo?”

“Nandyan po ang The Four sa labas. Papapasukin ko po ba?”

“Hindi. Ako na ang haharap sa kanila.” Ano ang ginagawa ng mga ito dito? May pakiramdam akong may nangyayaring hindi maganda. Sa labas ng kaharian ay nabungaran ko sila Lavinia, Nathan at ang babaeng baliw. I wonder kung paano siya nanalo. Mukhang bumaba na ang standards nila sa pagpili. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo?”

“Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. ” Sagot ni Lavinia. Lumapit siya sa akin. “Hinahanap namin ang kasamahan namin. Si Eliazar.”

“Bakit dito ninyo siya hinahanap?” Balik na tanong ko sa mga ito. Hindi ko maaring sabibin na nandito si Eliazar hanggang hindi pa naiisip ng Inang Reyna ang karapat-dapat na igawad na parusa para dito. Kailangan niya munang managot para sa pagtatangka niya sa buhay ng Reyna bago siya pakawalan. “Hindi ako na-inform na hanapan na pala ang palasyo ng mga nawawalang nilalang. Sa ganito pa talagang oras? Hindi ninyo ba alam na malaking abala na itong ginagawa ninyo?”

“Pasensya na, Mahal na Prinsipe.” Singit ni Nathan na alam ko namang hindi bukal sa loob ang pinapakita niyang paggalang sa akin bilang anak ng pinuno ng mundong ito. “Dito kami itinuro ng traking device na nasa sasakyan ni Eliazar kaya nakakasigurado kaming nandito siya.”

Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila ng lalaking 'to. “Sasakyan?” Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa kabilang dako. “Wala akong nakikita maliban sa isang kotse na sa palagay ko'y gamit ninyo sa pagpunta dito.”

Nagpalinga-linga ang mga ito. Kahit anong gawin nila ay walang silang makikitang sasakyan ni Eliazar dahil itinapon ko na 'yun sa malawakan na karagatan. Halos magkasunudan lang kami kaninang dumating dito sa palasyo. Naramdaman ko agad na may masama siyang plano kaya nagmasid muna ako bago ko siya sinundan. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya nagawang talunin ang limang taga-bantay at malayang nakapasok sa loob. Nahulaan ko na mangyayari ito. Naisip ko agad na alisin ang kotse na gamit ng kasamahan ng mga ito. Hindi ako naging The Four para sa wala lang. Papunta pa lang ang mga ito pabalik na ako.

Natigilan ng mga ito.

“Bakit bugbog sarado kayo?” Banong ni Lavinia sa mga taga-bantay.

“Nag-eensayo kami.” Mabilis na sagot ko bago pa may masabing kung ano ang mga ito. Pinanlakihan ko sila ng mga mata para sang ayunan ang sinabi ko.

“Tama ang Mahal na Prinsipe.”

Magaling.

“Kung ako sa inyo ay lilisan na ako.” Payo ko sa kanila. “Uulitin kong muli. Wala dito ang hinahanap ninyo.” Tinalikudan ko na sila. Papasok na sana ako sa loob pero may nakalimutan pa pala akong sabihin. Muli akong humarap sa mga ito. “Kung ano mang problema ninyong apat ay huwag ninyo ng idamay ang palasyo. Binabalaan ko kayo. Kapag nagkataon ay hindi lang ako o kami ang makakalaban ninyo.........” Saglit akong huminto “......kung hindi ay pati na ang buong mamamayang ng Athens. Isarado na ang pinto!” Iniwan ko na ang mga ito.

Sa ngayon,  kami na muna ang bahala kay Eliazar. Kailangan kong malaman kung ano ang mga nagaganap. Kung ano ang tunay na nangyayari.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now