035 - The Evil Plan

212 26 10
                                    

The Evil Plan

“Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? ” Tanong ko kay Hell. Sinasabi ko na nga ba.

Tumango ito. “Oo. Inutusan ako ng kanang-kamay niya na si Palestine na hanapin ang pinakamagagandang nilalang sa bawat nasyon.”

Nagkatinginan kaming apat. Kahit ang isang Reyna ay nararapat magbayad sa kanyang kasalanan at bigyan ng karampatang parusa sa kanyang mga pagkakamali.

“Anong kailangan ninyo sa mga babaeng iyon? Anong kailangan ng Reyna sa kanila?” Tanong ni Eli

“Gagamitin niya ang mga babae sa isang orasyon.”

“Orasyon?” -Nathan

“Oo. Plano niyang patayin ang mga ito at kuhanin ang kagandahan ng bawat isa upang siya na ang magtaglay ng pinakanakakaakit na mukha.”

“Papatay siya para sa ganoon na dahilan lamang?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango ito.

“Myyyy gaaaad. Ako, hindi ko na kailangang pumatay para maging maganda.” Sabi ni Lily.

Katahimikan ang namayani sa buong paligid. Hindi siya pwedeng makatakas sa batas. Mali ang kanyang ginagawa. Inaabuso niya ang kanyang kapangyarihan.

“Nasaan pa ang ibang mga babae?” Tanong ni Nate.

Umiling ito. “Hindi ko alam. Ang trabaho lang namin ay gawin ang mga pinag-uutos ni Palestine. Maaring ang Reyna at siya lamang ang nakakaalam kung saan nila itinatago ang mga babae.”

“Pero hindi matutuloy ang kanyang orasyon hanggang hindi kumpleto ang mga babae na kailangan niya, hindi ba?” Nasa pangangalaga pa namin ang tatlo.

“Oo. Kaya sigurado akong gagawa at gagawa siya ng paraan para kuhanin ang mga natitira sa inyo. Handa siyang pumatay para doon.”

“Wala kaming pakielam. ” -Eli.  “Handa kaming lumaban kung kinakailangan.”

“Ano pa ang mga plano niya?” Tanong ko dito.

“Hindi lang ang walong mga babae ang kailangan niya.”

“Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Lily dito na parang nakikinig pero hindi naman. Abala lamang siya sa pagkikilay.

“Isang babae pa ang kailangan niya na kukumpleto sa kanyang itim na orasyon. Siya ang pinakamahalagang sangkap”

“Pinakamahalagang sangkapa? Para saan 'yun?” Sabi ko.

“Para sa buhay na walang hanggan. Para sa buhay na walang kamatayan.”

“Immortality.” -Nate

Lalong hindi pwedeng mapasakamay niya ang sinasabing babae na 'yon. Kapag nagkataon mas lalo kaming mahihirapan na kalabanin siya kung wala na siyang kamatayan. “Hindi siya pwedeng magtagumpay. Saan namin siya mahahanap? Saang nasyon siya nabibilang dito sa Athens?”

“Wala siya dito sa Athens.”

“Wala dito? Anong pinagsasabi mo?” Sabi ni Eli.

“Hindi ninyo siya matatagpuan dito.”

“Kung hindi dito, saan?” -Nate. “Sabihin mo na bago pa maubos ang pasensya namin.”

“Sa mundo ng mga tao. Doon. Doon ninyo siya makikita.”

Nagulat ako sa narinig. “Isang mortal ang kailangan niya?”

“Hindi ko alam kung mortal siya o katulad din natin. Basta ang alam ko katapusan na ng lahat kapag napasa kamay niya ang babaeng 'yun. Katapusan ninyo na.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now