013 - The World Of Athens

408 56 15
                                    

The Beginning Of Their Mission

Lavinia's POV

Friday Morning. Lahat kami ay gumising ng maaga para sa pag i-imbestigang gagawin namin. Sana lang ay may makuha kaming sagot ng hindi masayang ang mga oras namin.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Nathan habang nag-aayos na kami paalis. Naka-sumbrero ito ng kulay brown, with white shirt, black pants, and white sneaker. Naka suot din ito ng transpartent shade.

Hindi ako makatingin sa kanya. Ewan ko ba kung bakit parang ako pa 'tong nahihiya. Wala naman akong ginawa o sinabing masama, ah? Hindi pa din kasi mawala sa isip ko 'yung sinabi niya. Pwede bang mangligaw? Jusko. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok niyon noong sinabi niya ang mga katagang 'yun kagabi. Dahil sa pagkabigla ay mabilis na iniwan ko siya at pumasok ako sa loob ng silid ko. Huh? Bakit? Para saan? Bakit ako? Ilan lang 'yan sa mga tanong na gumugulo sa akin simula kagabi pa. Hindi nga ako pinatulog ng mga 'yan. Medyo nahihilo tuloy ako. Kasalanan mo 'yan, Lavinia. Bakit pa bang sobra akong apektado niyon? Hindi ako magpapaka-ipokrita. Oo. Naga-gwapuhan ako kay Nathan. Attracted siguro, ganon. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Kung itsura pa lang ang titignan ay tapos na ang laban. Idagdag pa na mabait ito. Nasa kanya ang ilang katanginang gustong-gusto ng mga babae. Abnormal na siguro ako kung hindi ako magkakagusto sa kanya kahit katiting man lang.

Pero parang hanggang doon na lang muna siguro iyon. Aminado akong humahanga ako sa kanya pero ayoko muna ng label. Saka kamamatay lang ni Tres. Ano na lang iisipin ng kaibigan ko? No. Hindi ko pa siya masyadong kilala. Mabait siya. Iyon lang ang alam ko. Pero bukod doon? Wala na. Paano mo siya makikilala kung hindi mo siya bibigyan ng chance? Sabi ng isang parte ng utak ko. Aahhh. Kainis. Gusto ko siya, oo. Pero hindi pumasok sa isipan ko na maging kasintahan nito. Saka hindi ba't kabilin-bilinan ko sa sarili na hindi magtitiwala ng basta-basta?

"I was born ready." Sabi ni Eliazar na naka-all blue ang outfit.

"I'm born to be wild." Singit naman ni Lily na may dalang isang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Cobra?

"Mamatay ako sa gulat sa mga pinaggagagawa mo." Sabi sa kanya ni Nathan.

"Astig ba? " Tanong pa nito. Inabot niya sa akin ang kanyang cellphone. "Lavinia, kuhanan mo ako ng picture. Post ko lang sa instagram."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Tara na."

Nauna na akong lumabas. Dumiretso kami sa under ground parking at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan. Yes. May tig-i-isa kaming kotse. Paano ko natutunang mag-drive? Madali lang. Inaral ko lang 'yon ng isang araw. Nakikipagkarerahan nga ako kay kamatayan eto pa kaya hindi ko matutunan agad?

"Goodluck, guys." Sabi ni Eliazar.

Kahit makayo ay dinig namin ang tinuran nito dahil sa ear phone device na nakalagay sa tainga ng bawat isa sa amin.

"Goodluck." Sabi ko din sa mga ito.

Ini-start ko na ang makina. Maya-maya lang ay nagkahiwa-hiwalay na kami ng landas. Nagmamasid lang ako sa paligid habang binabaybay ang malawak na daan. Puro building.

Ang lugar naming ito ay tinatawag na Athens. Isang pambihirang tahanan na sadyang kakaiba kumpara sa mundo ng mga tao. Dito'y masisilayan ang iba't-ibang uri ng nilalang na ni sa hinagap ay hindi mo aakalaing nabubuhay. Ang aming mundo ay puno ng mahika, kababalaghan at mga imposibleng bagay.

Ang Athens ay nahahati sa walong nasyon. Una na diyan ang Divergent Nation, ang pinakamayaman sa lahat. Dito makikita ang pinakamalalaking gusali at establisyemento. Lahat ng mga naninirahan dito ay nakakataas sa estado ng pamumuhay. Karamihan sa mga ito ay may taglay na kapangyarihan at pawang may matataas na posisyon sa gobyerno. Ang mga ito ay may ginagampang malaking papel din hindi lang sa kanilang lugar kundi sa buong Athens dahil sila ang itinuturing na sentro ng ekonomiya. Sa pagkakaalam ko dito nakatira si Lily. Pero bakit parang gipit na gipit siya kung umasta? Baka pinalayas o pinagtabuyan na ng kanyang mga kalugar dahil hindi na matagalan ang kanyang kabaliwan. Hindi na ako magtataka kung iyon nga talaga ang kanyang dahilan.

Pangalawa ay ang Dauntless, the brave nation. Lugar ng matatapang. Dito makikita ang mga malalakas at walang inuurungang nilalang. A home for soldiers, heroes, warriors, survivors, and who's showing fearlessness and determination. They believe in ordinary acts of bravery, in the courage that drives one person to stand up for another... They believe in shouting for those who can only whisper, in defending those who cannot defend themselves. Hindi din nalalayo ang karangyaan ng kanilang lugar sa Divergent. Ang lugar na ito ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamatibay sa lahat ng nasyon. Taga dito si Nathan. No wonder kung bakit siya malakas. Iyon lang 'ata ang alam ko sa kanya. Pati na ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Bukod doon wala ng iba. Kaya please, Lavinia, huwag kang basta-basta magtitiwala. Iyon ang sinasabi ng utak ko.

Pangatlo naman ay ang Erudite, the intelligent nation. Ang mga nakatira dito ay Doctors, Teachers, Lawyers and Scientist at iba pang pawang mga eksperto sa kung saan-saang laranagan. Ang lugar na ito ay itinuturing na sentro ng kaalaman. Matatalino ang mga nilalang na naririto. Hindi mo basta maloloko at maiisahan. They believe that lack of knowledge inevitably leads to lack of understanding. Lack of understanding leads to a disconnect among creatures with differences. Disconnection among creatures with differences leads to conflict. Knowledge is the only logical solution to the problem of conflict. Therefore, they propose that in order to eliminate conflict, they must eliminate the disconnect among those with differences by correcting the lack of understanding that arises from ignorance with knowledge. Himala. Nakabisado ko ang mahabang linya nilang iyan. Ang gulo hindi ba? But it make sense. Nabasa ko lang sa isang libo.

Pang-apat naman ay ang Nation of Abnegation kung saan napa-simple at payak lamang ang ang pamumuhay. Sila ang itinuturing na sentro ng kalakalan. It is the nation that values the needs of others above the needs of oneself. Their core belief being 'Them before I.' Members of Abnegation take over the public services in the city. The valued helping others before their own self. They helped the homeless by giving food and clothing, which the other nations didn't.

"Guys, libre ko kayo!"

Sigaw ni Lily sa kabilang linya. Bwiset. Muntik na akong mawala sa concentration sa pagmamaneho dahil sa pagkagulat. Bigla-bigla naman kasing sumisigaw.

"Sure!" Sagot ni Eliazar. "Yan ang gusto ko sayo, eh!"

"Eliazar?"

"Yes, Lily?"

"Kung ililibre kita, magkano at bakit ang kapal ng mukha mo?"

Nagsisimula na naman ang dalawa.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now