060 - The Key

144 18 4
                                    

Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng bigla na lamang nabasag ang salamin sa harap ko. Ganoon na ba ako kapangit? Pagkakaalam ko isa akong makisig at masarap na binata. What the hell is happening? Ay, english ang puta. Isang taon kong pinag-aralan 'yan.

Isang babaeng nakakatakot ang itsura ang biglang nakita ko. May hawak siyang mahabang ispada. Siya marahil ang may kagagawan niyon. Ipinatama niya sa akin ang kanyang sandata. Kung sandata ko kaya ang ipatama ko sa kanya? Malaki 'to. Baka hindi niya kayanin. Magiging dalawa pa siya. Puro kalibugan na naman nasa isipan ko. Saka na 'yan kapag pinansin na niya ako. Mabuti na lamang at mabilis akong nakakilos kaya naka-liyad agad ako dahilan para maiwasan ko iyon. Shit. Hindi ako na-inform na pati pala dito ay mapapalaban kami. Wala pa ako sa mood, eh. Pero dahil andiyan na 'yan, sige, haharapin ko na 'yang halimaw na iyan. Nakasuot ito ng itim na damit na hanggang tuhod. Trip niya? Multo lang? Ikaw ba 'yan, Lily. Wish ko lang.

Muli itong sumugod gamit ang sandata. Sa pangalawang pagkakataon ay naiwasan ko iyon. Nakagawa pa ito ng dalawang magkasunod na pag-atake na mabilis ko din namang naiwasan. Mabilis siyang gumalaw. Ramdam ko ang kanyang lakas. Pero wala akong pakielam 'don. Makikita n'yo. Saglit lang sa akin ang isang 'yan. Just wait and see. Umatake ulit siya at sumugod na naman patungo sa akin. Napaikot ako sa malaking stand lampshade na nandito. Imbes na sa akin tumama iyon ay sa bagay na ito dumiretso ang kanyang ispada. Talsik sa ibat-ibang direksyon ang mga bubog niyon. Hindi ko agad-agad mapasok ang kanyang isipan dahil hindi din ako makapag-concentrate halos dahil sa bilis ng kilos nito at sunod-sunod na pag-atake. Ginamit kong pangsangga sa ispada nito ang bakal kung saan nakapatong kanina ang nabasag na ilaw. Isa, dalawa, tatlo. Lahat ng iyon ay nagawa kong masalag. Ako pa ba? Iba 'to.

Nagulat ako ng mahati ng ispada niya ang bakal na hawak ko. Diyos ko po. Ganoon pala iyon katalas. Matamaan lang ako niyon sa mukha ay mawawala na ang kagwapuhan ko. Huwag naman. Marami pang makikinabang nito. Itinutok niya sa akin ang kanyang ispada. Samurai ata 'yun.

“Baka naman pwedeng mahiram 'yan kapag natalo na kita?” Hirit ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Edi hindi. Pake ko? Ang pangit niya. Ang baho pa. Itinutok ko din sa pagmumukha niya ang bakal na hawak. Kasama ang bilog na stand niyon. Yung parang nasa paanan ng stand fan? Ganon ang itsura. Para tuloy timang. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Baka lalo itong magalit. Hindi pa ako masyadong ready. Bakit kasi hindi na lang sila Lavinia ang pinuntirya ng isang 'to? Abala naman.

Sa pagkagulat ko ay mabilis niyang nasipa ang aking kamay. Tumilapon tuloy ang hawak ko. Tinignan ko ito ng masama. Binuhat ko ang nakitang bangkong kahoy na puno ng sapot ng gagamba at ibinato dito. Nabitiwan niya ang hawak. Sumugod siya patungo sa akin. Sumubok itong magpakawala ng suntok patungo sa akin pero bago pa iyon dumapo sa aking katawan ay isang malakas na sipa sa pagmumukha ang iginawad ko dito. Naka-isa din.

Pinaangat nito ang lahat ng gamit na nandito. May telekinesis siyang kapangyarihan? Ibinato niyang lahat sa akin iyon. Hindi ko ininda 'yun bagkus ay nagtungo ako sa direksiyon niya at malakas na sinuntok ito sa sikmura. Sa sobrang lakas niyon ay nasaktan din pati ang kamao ko. Humagis siya sa pinakadulo ng pasilyo. Gago 'to, ah. Dinampot ko ang ispada niya. Nilapitan ko siya. Bago pa siya muling makatayo at itinusok ko na ang hawak sa kanyang pagmumukha. Walang dugong lumabas mula dito. Naging abo na lamang ito basta. Nagpagpag ako ng damit. Akala mo ba ay makakaisa ka? Ulol. Hindi sa akin. Ang pangit mo.

Lilisanin ko na sana ang lugar at pupunta sa ibang bahagi ng mansion para maghanap ng kung anong pa man ay bigla na lamang mula sa abo ng kalaban lamang kanina ay lumitaw doon ang malaking isang bahagi ng puzzle. Kinuha ko iyon. Gawa ito sa bakal. Napaisip ako. Baka ito na ang susi sa susunod na istasyon. Magaling, Eliazar




***

LAVINIA'S POV

Nagpunta na ang halimaw na mukhang multo sa gitna. Ginaya ko siya. Nagtatapatan ang aming mga mata na animo'y doon pa lang ay nagtatagisan na.

“Pagsisihan mo ang araw na isinilang ka pa mundong ito. ” Sabi pa nito.

Nginisian ko siya. “Ako ang gagawa ng sarili kong tadhana kaya hindi ako papayag na mapatay mo. Tigilan na ang usapan na ito.”

Siya na ang naunang sumipa. Umalis ako sa aking kinatatayuan upang maiwasan iyon. Ako naman ang gumawa ng aksyon. Tinadyakan ko siya sa kanyang tagiliran dahilan para mapaurong ito. Gagawa pa sana ako ng sunod na pag-atake ng bigla na lamang naging dalawa ito. Duplication?

Tumawa ito ng makita ang pagkagulat sa aking mukha. Akala ba niya ay natakot ako porke't naging dalawa siya? Pwes, isang malaking akala lang talaga niya iyon dahil wala akong pakielam kahit isama pa niya ang buong angkan niya.

Mabilis na kumilos ang isa patungo sa aking likudan. Sabay na sumugod ang mga ito patungo sa akin. Nang masukat na ang distansiya nila bago makarating sa aking kinalalagyan ay tumalon ako ng mataas at pinatid ang malaking chandelier na nakasabit sa kisame. Sa mga ito iyon bumagsak. Kumalat ang piraso ng mga bubog sa paligid. Hindi ininda ng dalawa ang ginawa kong iyon. Sa pagtungtong kong muli sa sahig ay nilapitan ko ang isa at pinaulanan ito ng suntok bago pa siya makatayo. Titiyakin kong mababasag ko muna ang mga mukha nila kung sakaling mapatay man nila ako. Nang maramdaman ang paglapit ng isa sa akin ay dinampot ko ang paa ng babaeng napagdiskitahan ko at buong pwersang inihampas sa bruhang paparating.

“Tapos na ang palabas na ito!” Sigaw ko sa dalawa.

Naglabas ako ng malaking fire ball at ibinato sa mga ito. Malakas na pagsabog na naganap. Nang mawala ang usok sa paligid na nilikha niyon ay abo na lamang ng mga ito ang nakita ko at isang puzzle na gawa sa bakal. Nagliliwanag iyon. Dinampot ko ang nakitang bagay. Ito na kaya ang susi patungo sa susunod na istasyon? Maari.

Balak ko ng lisanin ang bahaging ito ng mansion ng isang kaluskos mula sa aking likudan ang nadinig ko. Ano na naman ba ito? May isa pa? Dinampot ko ang kutsilyo nasa ibabaw ng mesa. Ngayon pa lang ay tatapusin ko na siya. Ayoko ng sagabal sa aming misyon. Humarap ako sabay hagis ng patalim sa kung sino mang poncio pilatong iyon.

******



Note:

Yes. Nagbabalik. 😅 Tatamadin pero hindi susuko. Six chapters agad. Isang bagsak ko na lang. Na-miss kong magsulat ulit, eh. Comment naman diyan sa mga silent readers ko. Baka naman. Pampagana lang. Huwag na kayong mahiya. 'Di naman ako nangangagat.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now