037 - The Surprise

195 31 1
                                    

The Surprise

Limang minuto pa ang mabilis na lumipas na pagtahak ko sa madilim na daan bago ako nakarating sa bahay namin. Nasa pinaka dulo na kasi ito ng Allegiant. Dito lang kasi may malawak na lupa na pwedeng pagtayuan ng bahay. Medyo malapit sa kakahuyan. Nang manalo ako sa competition ay nagpagawa agad ako ng isang mansion para na din mas maging komportable ang mga ito. Ano pa't nanalo ako kung hindi ko sila mabibigyan ng magandang buhay? Ito ang namumukod tanging malaking bahay dito sa lugar. Nais ko sana silang ilipat sa ibang nation pero naisip ko na mas ligtas sila dito. Atleast, kilala na nila ang mga naninirahan dito. Alam kong walang magtatangkang manakit sa kanila. Takot lang nila sa akin. Subukan lang nila dahil maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.

Bumaba ako ng sasakyan dala ang mga pasalubong sa kanila. Iiwan ko muna ang kotse dito sa labas para hindi nila maramdamn ang pagdating ko. Pero napakunot ang noo ko ng makitang patay ang ilaw sa buong bahay. Agad na nilamon ng kaba ang aking dibdib. No, Eli. Huwag kang mag-isip ng ganyan.

Pumasok na ako ng gate. Walang guard dito kahit isa. Kahit maid. Ayaw kasi ng mga magulang ko. Gusto pa din nila magkaroon ng privacy kahit papaano. Beside, hindi sanay ang mga ito na nakaupo lang at nag-uutos. Maaga daw silang tatanda kung wala silang gagawin. Pinagbigyan ko na lamang ito.

Bakit kaya patay ang mga ilaw? Tanging liwanang lamang sa isang poste dito ang nagbibigay tanglaw sa paligid. Hindi ko nagugustuhan ang nabubuo sa isip ko. Mabilis na binuksan ko ang maindoor. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Shit. Tuluyan ng nilamon ng kaba ang aking isipan. Dahan-dahan akong naglakad papasok. Mula sa labas ay tumatagos dito sa loob ang kaunting liwanag. Sapat na para makita ko ang isang kagimbal-gimbal na tagpo.

Napatda ako sa kinatatayuan. Nabitiwan ko ang mga dala. Bumagsak iyon sa sahig at natapon ang mga pagkain. Pero wala akong pakielam. Parang nanigas ang mukha ko pati na ang buong katawan. Ang aking ina at ang aking ama...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nakabigti ang mga ito sa taas ng hagdan!

Nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig. Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Matagal akong nanatili sa ganoong posisyon bago sunod-sunod na tumulo ang aking luha.

.
.
.

.

.

.

.

.

.
Nagmula ako ng mga mata

.

.

..


.

.

.

Sino? Sino ang gumawa sa inyo nito? Sumigaw ako ng malakas. Parang sasabog ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pvtangina.

***********



LAVINIA'S POV

“Ayos ka lang?” Tanong ko kay Eli.

Ano ba naman 'yan,  Lavinia? Anong klaseng tanong 'yan? Walang sino man ang magiging maayos sa oras na mamatayan sila.

Kanina, nakatanggap kami ng tawag mula dito. Umiiyak ito at hindi namin maintindihan ang mga sinsabi. Dahil sa pag-aalala ay mabilis na tinungo namin kung nasaan ito. Ang pagkakaalam ko ay umuwi ito para mabisita ang mga magulang. Ngunit ito ang sorpresang dinatnan niya.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now