018 - Who's Next?

287 43 6
                                    

Who's Next?

8pm. Nakadating na kami ni Eli dito sa Dauntless Nation.

“Kumusta ng lagay ninyo diyan? ” Tanong ko sa dalawang nasa kabila.

“We're good. So far,  wala pa namamg kakaiba.” Sagot ni Nathan.

“Eliazar.”

“Ano na naman 'yon,  Lily? ”

“Payag ka bang ikaw na ang pinaka gwapo sa buong Athens?”

“Oo naman. Ngayon mo lang ba 'yan nalaman?”

“Pero nasa Jupiter ka?”

Hindi ko pinansin ang kabaliwan ng dalawa. “Kung sakaling makita ninyo 'yung babaemg nasa litrato diyan. Kuhanin ninyo na lang. Itago or dalhin ninyo sa HQ. Sa ganoong paraan lang tayo makakasiguradong ligtas siya.”

“Ginawa mo pa kaming kidnaper.” Nadinig ko pang react ni Lily.

Hindi na ako sumagot. Hinanap namin ang address ni Saavedra at sa isang mansion kami dinala noon. Napakadaming security personnel sa labas at loob ng bahay nito.

Tinignan ko ang kasama. “Ikaw na ang bahala sa kanila.”

Tumango ito. “Sure.” Habang papalapit kami sa gate ng bahay ay inihawak niya ang kanyang dalawang daliri sa sentido. “Hindi ninyo kami makikita o madidinig.”

'Yun nga ang nangyari. Malaya kaming nakapasok sa loob ng bahay hanggang sa main door na para talagang walang nakikita o nadidinig ang mga ito. Napakagaling pala talaga ng kapangyarihan ng isang 'to. Kumatok ako sa pinto. Isang ginang ang nagbukas niyon.

“Sino kayo? Paano kayo nakapasok dito? Guard---”

“Kaibigan kami.” Si Eliazar na ang sumagot sa tanong nito. Hindi na nito natuloy ang gagawing pagsigaw sa mga guwardiya dahil mabilis na napasok agad ng kasama ko ang kanyang isipan. “We need to talk to your husband, please.” Utos nito.

Biglang nag-iba ang timpla ng babae na parang hindi makabasag pinggan. Ngiti pa ito. “Pasok kayo.”

Nagkatinginan kami ng Eli. Great. Iginiya niya kami sa magarang sofa. Bakas na bakas sa mansion na ito ang karangyaan.

“Tatawagin ko lang siya.”

Ikinumpas ko ang kamay sa hangin. “Go ahead.”

Ilang sandali lang ay dumating na ang lalaki. “Anong kailangangan ninyo?” Sabi nito habang pababa pa lang sa grand staircase ng bahay nito.

Tumayo ako para makita siya. “Malaki. ”

Nagulat ito ng makita ako. “L-Lavin-nia? ” Nautal-utal pa ito.

Nginitian ko siya. “Yes. Ako nga. Buti naman nakikilala mo ako.”

“Of course” Mahinang sagot nito.

“At alam mo din ang kayang kong gawin,  hindi ba? ”

Tumango ito.

“Good. Isang tanong, isang sagot. Anong kinalaman mo sa sunod-sunod na pagkawala ng mga babae?”

“What?” React nito na parang nagulat pa. Ang galing magpanggap, ha? “I dont know what you're talking about.”

Nilapitan ko siya at tinignan mata sa mata. “Talaga? Uulitin ko ang tanong ko sa pangalawang pagkakataon. Anong kinalaman mo sa pagkawala ng mga babae.” Madiing sabi ko dito.

“Wala nga.” Sabi pa nito. “Kung hindi pa kayo aalis sa pamamahay ko ay ipapadampot ko kayong dalawa. Wala akong oras para makinig sa mga walang kwentang bagay na sinasabi ninyo. Mali itong ginagawa ninyo. Abuse of power 'yan.”

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. “Akala ko ba kilala mo na ako? ” Naglabas ako ng apoy sa aking kanang kamay. “Gusto mo bang magpakilala ako sayo?”

Matagal bago ito sumagot ngunti kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Pinatay ko ang apoy. Muli akong umupo sa sofa katabi si Eli na nagawang pang inumin ang kapeng inalok 'mung ginang. Ang hilig talaga ng isang 'to sa kape.

“Now... speak” Tumingin ako sa relong nasa bisig. “Ilang minuto na ang sinasayang mo sa oras namin. Siguraduhin mo lang na tamang mga salita ang sasabihin mo dahil kung hindi ay hindi ako magdadalawang-isip na tanggalin ka sa pwesto. Hindi mo naman siguro nais mangyari 'yon,  hindi ba?”

“Wala talaga akong alam sa mga sinasabi ninyo!” Sumisigaw pa talaga ito?  “Maniwala kayo.”

Napapikit ako. Magkakaila pa din ba talaga ito? Inilabas ko ang calling card at pinakita dito. “May natatandaan ka bang binigyan mo nito, Calixto Saavedra?”

Natigilan ito. “Paano napunta sayo 'yan?!”

“Kapag hindi kapa talaga sumagot ng maayos...” Nilapitan ko siya at walang pasabing sinakal. “...papatayin na kita dito mismo sa sarili mong pamamahay!”

Katahimikan.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.

.
.


.

“Isang lalaki lang ang binigyan ko niyan.”

Nagpunta ako sa sa kanyang likudan at nagmasid-masid sa paligid. “And?”

“Binayaran niya ako ng malaki para ibigay sa kanya ang listahan ng may pinakamagagandang mukha sa bawat lugar dito sa Athens. Kung saan makikita ang mga ito.”

“Sino ang lalaking 'yun? Alam mo ba kung saan siya makikita o nakatira?” Tanong ni Eliazar.

“Hindi ko kilala. Hindi ko alam. Hindi na ako nagtangkang tanunin. Bigla na lang siya ditong dumating sa bahay ko. Basta binigay ko na lang ang gusto niyang makuha. Wala akong alam sa gagawin niya doon.”

Nagkatinginan kami ni Eliazar. Mukhang nakuha nito ang gusto kong ipahiwatig. Mabilis na pinasok nito ang isipan ng lalaki para malamn kung nagsasabi nga ba ito ng totoo.

“He's telling the truth.” Sabi ni Eli.

Tumayo na kaming dalawa. Tinignan ko ang lalaki. “Kailangan ko din naman ang mga listahan na 'yon.”

Mabilis itong pumasok sa kung saang pinto at paglabas ay may isang puting folder na. Ibinigay niya iyon sa akin.

Binuklat ko iyon at tinignan ang mga babaeng nakalista doon. Apat pa dito ang nakatakdang mawala kung saka-sakali at mangyayari ang isa ngayong gabi kung susundan ang format. Tinigan ko ang babaeng taga Allegiant at pinaka-address nito.

Ini-on ko ang earphone. “Guys, nandiyan pa ba kayo?”

Si Nathan ang sumagot. “Yes. Parang kakaiba ang katahimikan ngayon.”

Lumabas na kaming dalawa ng mansion. “Alam ko na kung saan makikita ang susunod ma biktima. Doon na lang tayo magkita-kita.” Sinabi ko dito ang eksaktong lugar.

Sumakay na kaming ni Eli sa sasakyan. Eto naman ang magmamaneho. Tumingin ako sa relo. “8:30 pm na. Sana umabot tayo.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now