048 - KING is In!

176 27 4
                                    

KING is In!

💓💓💓💓💓

Lavinia's POV

“Sari?” Tanong ko kay King.

“Yes. Siya ang babaeng nagbabantay dito. May kakaiba siyang kapangyarihan na kapag natitigan mo ang kanyang mga mata ay magiging bato ka.” Itinuro nito ang mga rebulto sa paligid. “Tulad nila. Akala ko ikaw siya kaya ganoon na lamang ang reaction ko noong makita kita. ”

Nagulat ako sa sinabi nito. “Ang ibig sabihin ay totoong mga nilalang sila?”

“Oo.”

“My God. Kailangang masabihan ko agad ang mga kasama ko. Baka may mangyari pang masama sa kanila.” Bago pa lang ako kikilos ng makadinig ng malakas na sigaw.

“Pamilyar ang boses na 'yun.” Sabi ni King. “Nandito din si Lily?”

“Yes. Mukhang hindi maganda ang lagay niya.”

Sabay naming sinundan ang pinanggalingan ng boses ng babaeng baliw. Ano na naman kayang nangyayari dito? Natagpuan namin siya sa pinaka-sentro ng hardin. May kasama siyang isang babae at magkahawak-kamay ang mga ito habang nakapikit. Maraming tipak ng bato ang nagkalat sa paligid na nakakatiyak akong nabasag iyon mula sa kanyang pagkakasigaw. Sa likod namin ay makikita ang isang pang babaeng malapit sa kanila.

Pinigilan ako ni King sa pagtungo ko sa direksiyon ng mga ito.

“Don't. Siya malamang si Sari. Magiging rebulto ka kapag nakita mo siya.”

Napagdesisyunan naming magtago muna sa isang sulok habang hinihintay ang magiging kilos ng babaeng ito.

“Mga lapastangan.” Nadinig kong sabi niya sa dalawa. Sino kaya ang kasama ni Lily? “Wala kang karapatang sirain ang aking mga obra! Bakit ngayon ay nakapikit kayo? Ayaw ninyo bang masilayan ang aking magandang mukha?” Hindi umimik ang dalawa. Binalingan ni Siri ang katabi ni Lily. “Nais mo bang ibalik ko sa dating anyo ang iyong kapatid?”

“Magagawa mo ba iyon?” Ganting tanong nito.

No. Don't. Inuuto ka lang niyan.

“Oo naman.”

“Paano?”

“Imulat mo lamang ang iyong mga mata at tignan ang aking kaakit akit na mukha. Huwag ka ng magdalawang isip pa.” Lumapit pa ito ng husto sa babae at bumulong pa ng kung ano-ano sa kanyang tainga na para bang inaakit ito.

Dahan-dahang iminulat ng babae ang kanyang dalawang mata at tumingin kay Sari na alam kong isang malaking pagkakamali. Wala pang ilang segundo ng matitigan nito ang itsura ng babae at naging rebulto na siya. Umuusok-usok pa. Nilagyan nito iyon ng isang piraso ng bato kung saan may nakalagay na date. Haaaay. Ganyang talaga ang buhay. Maaga kang mamatay at mawawala sa mundong ito kung mahina ka at walang alam.

“Isang malaking tanga.” Sabi pa nito. Si Lily naman ang binalingan niya. “Ayaw mo din bang makita ang aking mukha?”

“Ayoko.” Sagot ni Lily.

“Maari kitang gawing pinakamagandang babae sa buong Athens.”

“Talaga?” Sabi ni Lily na parang nagka-interes sa sinabi nito.

Jusko,  Lily. Kahit minsam naman ay pairalin mo ang kukote mo. Huwag kang magpa-uto diyan.

“Oo. Imulat mo na ang iyong mga mata at kuhanin ang kagandang walang humpay.”

“Ay, bet ko 'yan.”

“Don't open your eyes, Lily!”

Isang lalaki ang sumigaw. Si Eli 'yun, ah! Nandito na din sila. Marahil ay nadinig din ng mga ito ang nakakabinging sigaw ni Lily.

Sinamantala ni King ang sandaling pagkawala ng konsentrasyon ni Sari. Gumawa ito ng thunder volt attack at pinakawalan iyon patungo sa babae. Electokinetic nga pala ang kakayahan nito. Kahawig din ng kay Tres. Biglang tuloy pumasok sa isipan ko ang kaibigan. Kung kasama ko lang sana siya ngayon. Hayyy. Nakakalungkot. Pero hindi ito ang oras para sa bagay na 'yan. Mas dapat kong alalahanin ang kaligtasan ng bawat isa. Humagis ito palayo. Mula sa pinagtataguan ay nakita kong lumabas na lamang kung saan sila Nate at Marina. Bakit magkasama ang mga ito? Eh,  ano pang pakielam ko? Pinagtulungan ng mga itong sugpuin si Sari hanggang sa mawalan ng malay ang babae.

Nagtipon-tipon kaming lahat sa gitna. Nagulat ang mga ito ng makita ang kasama ko.

“King?” Sabi ni Marina dito habang nilalagyan ng piring ang babaeng kanina lamang ay muntik ng gawing rebulto si Lily.

“Yes. Ako nga. Bakit nandito ka? The Four ka na din?”

“Naki-epal lang siya sa amin. Intrimitida yang bakla na 'yan, eh.” Sagot ni Lily sa tanong nito. “Eh, ikaw? Ano 'to,  reunion? Team Believer, ganern? Anong ginagawa mo dito? My gaaaaadd. Ang chaka mo pa din. Akala ko naubos na ni Duterte lahat ng adik tang ina may natira pa pala. Mga bata, huwag kayong magdo-droga kung hindi magiging kamukha kayo ni King.”

Napatingin kaming lahat kay King. Ano nga bang ginagawa niya dito?

Matagal bago ito sumagot.  “Hinahanap ko kasi ang daan patungo sa susunod na istasyon. Papunta ako sa lagusan para makarating sa mundo ng mga tao.”

“Doon din ang punta namin. Pwede kang sumabay kung gusto mo.” Sabi dito ni Nate.

“Sure. Pero anong pakay ninyo doon?”

“May misyon kaming dapat gawin.” Sabi ko na lamang. “Ikaw? Anong gagawin mo doon? ”

“May pupuntahan akong isang maestro na makakapagturo sa akin para mas mapalakas ko p ang aking taglay na kapangyarihan.”

“Hey! Anong ginagawa mo?” Sabi ko kay Nate ng makitang naglabas ito ng punyal at mukhang hihiwain ang isa sa mga daliri ni Sari. Cannibal na bang ang lalaking ito?

“Dugo galing sa kanyang daliri ang magdadala sa atin papunta sa second station.” Si Marina ang sumagot.

“Paano mo nasabi?” -Lily “Charotera ka din ng taon, eh.”

“May bugtong kaming nakitang nakaukit sa malalaking bato kanina. Nasagot namin iyon at sinabing dugo galing sa daliri sa kung sino mang tagapagbantay na naririto ang makakapagbukas sa tamang daan.” Paliwanag niya.

Ganoon?

Hinayaan ko na si Nate na hiwain ang daliri ni Sari. Malakas na sigaw nito ang pumuno sa buong paligid. Ilang segundo lang ay natapos na siya. Ikinulong ni Nate si Sari sa isang malaking bato upang wala na itong mapinsala o masaktan pa na kahit na sino man. Dapat lang naman 'yan sa kanya para sa lahat ng mga nilalang na ginawa niyang rebulto. Kahit pala dito na halos kadulo-dulohan na ng Athens ay may mga nangyayari pa din palang ganito.

Ipinaligo ni Nate ang nakuhang dugo sa mga bulaklak sa paligid. Maya-maya pa biglang may lumitaw na liwanag at mula doon ay nagkaroon ng isang portal.

Tinignan ko ang mga kasama. “Tayo na.” Limang istasyon ang kailangan naming daananan bago makarating sa pinaka lagusan. One down. Four to go. We're ready.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now