032 - Hell

230 30 26
                                    

Hell

“Anong update diyan,  guys?” Tanong ni Eli sa kabilang linya.

Alas-onse ng umaga. Nandito ako sa isang mall sa Divergent. Ito ang planong naisip ni Nate. Pinakawalan namin ang tatlong babae ngayong araw at pinabayaan ang mga itong pumunta sa kung saan man nila gusto. Sinusundan namin sila ng hindi nila alam. Si Nathan ang nakasunod sa isa, si Eli at Lily naman ang nagbabantay kay Jilliana Jayce. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga ito.

Nagmasid ako sa paligid. Napakunot ang noo ko ng may namataan akong limang lalaking naka-itim na pumasok sa loob. Tinignan ko si Abir. Siya yung babaeng binabantayan ko. Nasa third floor siya habang nasa isang boutique at abala sa pamimili ng damit. Sa kanya nakatingin ang mga lalaki. Namumukhaaan ko ang nasa gitna. Siya yung lalaking pumunta sa palasyo noong nandon kami at sinasabi ni Lily na nakabunggo niya. Si Hell!

Nagtago ako sa hotdog stall na nasa tabi ko. “Nandito na ang hinihintay natin. Mapapalaban ako. Babalikan ko na lang kayo mamaya.” Pinutol ko na ang linya.

Kumagat na ang mga ito sa pain na ginawa namin. Paano kaya nakarating sa kanila na nandito ang isa sa mga babaeng kailangan ng mga ito? Baka sadyang maimpluwensiya lang ang kalaban namin. O maraming resources at connection? Baka nga may mata pa sa loob ng Head Quarters. Hindi namin alam. Malay naman,  hindi ba?

Inakyat ng mga ito ang kinaroroonan ng babae. Sumakay ako sa escalator at sinundan sila. Hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko. Pinalibutan nila si Abir. Agad namang napansin iyon nito.

“Sino kayo?” Nadinig kong tanong niya.

“Sumama ka na lang sa amin.” Sabi ng isang lalaki.

“No!” Sigaw niya.

Tatakbo pa sana siya pababa pero mabilis na nahawakan na siya ni Hell sa kaliwang braso. “Saan ka sa tingin mo pupunta?”

“Pakawalan mo ako!” Sinampal niya ang lalaking humawak sa kanya. Medyo umaagaw na sila ng pansin sa paligid.

Gaganti pa sana ito pero tinungo ko na ang kinalalagyan nila.

“And who the hell are you?” Sabi ng isang lalaki nasa tabi ng mga ito.

Nginisian ko siya ng nakakaloko. “A believer.”

“Lavinia.” Sabi ni Hell.

Oh, kilala niya ako? Mabuti naman kung ganoon.

Itinulak ko siya palayo. Doon na lalong dumami ang mga nakatingin sa amin. Binalingan ko si Abir. “Bumalik ka na sa Head Quarters. Ngayon na!”

Tumango ito.

“Pakielamerong babae!” Sigaw ng isang lalaki. Nilisob niya ako.

It's showtime.

Naglabas ako ng air ball. Sana gumana. Ngayon ko ito masusubukan at mapag-aaralan. Ibinato ko iyon sa unang lalaki. Natamaan ito pero hindi ganoon kalakas. Parang wala lang iyon sa kanya. Pasalamat siya at hindi pa ako bihasa sa paggamit ng kapangyarihan na iyon. Nararamdaman ko ang kanilang lakas. Mukhang may ibubuga din naman kahit papapaano ang mga ito. Ngayon ay tuluyan na naming naagaw ang atensiyon ng lahat. Imbes na magtakbuhan ay para silang nanonood ng live show. Bibigyan ko sila ng magandang palabas. Gumanti siya ng isang suntok pero nagawa ko ding maiwasan iyon. Sinipa ko siya. Sapul sa kanyang mukha. Ang apat na kasama nito kabilang si Hell ay nanood lamang sa amin. Maigi na yung isa-isa sila. Pero wala din namang problema kung magsabay-sabay sila. Hindi ako uurong sa mga ito. Mas mabuti nga iyon para hindi sayang sa oras. Pero mukhang gustong magpasikat at maglaro ng mga ito kaya pagbibigyan ko sila.

Nagpalabas naman ako ng isang bolang apoy ng sumugod ang pangalawa at ibinato iyon sa kanya. Nagawa nito iyong maiwasan. Mabilis, ha? Pero hindi sa susunod kong gagawin. Naglabas ako ng laser sa daliri at ipinatama iyon sa paa nito. Bumagsak ito sa matigas na sahig. Ngayon ko na lang din ito nagawa. Mukhang napuruhan ko siya sa kanyang kaliwang paa. Gusto pa ba nito? Sabihin niya lang. Handa din akong gawin iyon sa kanyang kanang paa o kahit sa buong katawan pa. Nakita kong naglabas ng baril ang pangatlo. Nagpaputok ito. Tumalon ako ng mataas para hindi matamaan ng bala na iyon. Imbes ay sa isang salamin iyon ng tindahan ng cellphone tumama. Aba. Naninira pa ng gamit ang mga ito. Hindi yata pwede 'yan.

Nakita ko ang pangatlo na kinuha ang isang ispada na naka display sa store na malapit sa amin. Pakielamero din ang mga 'to,  ha. Ganyang laban ang gusto mo? Sige. Ibibigay ko. Ako pa ba? Inilabas ko ang sariling sandata. Nagtunggali kami gamit ang mga sariling ispada. Nagawa ko agad siyang masugatan sa kanyang bandang tiyan. Napaluhod ito. Hindi pa doon natatapos ang lahat. Sinipa ko ang kanyang mukha. Talsik ito sa mga nanonood.

Binitawan ko ang hawak ng makitang pasugod na ang pang-apat. Bago pa siya makalapit sa akin ay isang malakas na suntok na ang ipinagkaloob ko sa kanyang tiyan. Napaupo siya at nawalan ng balanse. Tinadyakan ko siya sa kanyang pagmumukha ng dalawang beses.

Pagkatapos ay si Hell naman ang binalingan ko. Hindi ko alam ang kanyang pangalan kaya iyon na lang ang tawag ko sa kanya. Saka wala din naman akong balak alamin iyon. “Handa ka na ba?”

Kita ko ang galit sa kanyang mga mata. “Pagsisisihan mo na nakielam ka.

Tignan na lang natin. Sumugod na siya patungo sa direksiyon ko. Sinipa niya ako na mabilis ko ding nasalag. Isang suntok ang natamo niya mula sa akin. Gumanti siya sa pamamagitan ng pagsipa ulit. Hinawakan ko ang kanyang isang paa,  buong lakas na hinila at pinaikot-ikot iyon bago inihagis sa pinakadulo. Sapul ito sa isang stall ng milkshake. Doon na nagsipagtakbuhan ang ibang tagapanood. Akala ba nila ay biro ang ginagawa namin? Hinawakan ko ang kanyang dalawang paa at kinaladkad siya. Pagkatapos ay tinadyakan sa kanyang tiyan.

“Sumama ka na lang sa akin ng matiwasay para hindi ka na masaktan.” Sabi ko sa kanya. Ako pa ang nakikiusap sa lagay na 'yan.

“Magkamatayan muna tayo. Magbabayad ka.” Sabi nito. Tumayo siya at tinulak ako palayo.

Napaurong ako pero hindi naman nawalan ng balanse.

“Kung ganoon magsisisi ka.” Sabi ko sa kanya. “Wala akong pagpipiliin kundi gawin ito sayo.” Naglabas ako ng fireball at ibinato sa kanyang pwesto. Mabilis na nakaiwas siya. Not bad. Mabilis din naman siyang kumilos kahit papaano. Nasangga ko ang sunod-sunod na ginawa niyang pag-atake mula pagsipa at pagsuntok.

Siya naman ang sunod na kumilos. Tumalon siya ng napakataas patungo sa aking likudan. Doon ay nasipa niya ako. Napaluhod ako dahil sa lakas niyon. Mula doon nasabunutan niya ang aking buhok. Bakla lang? Itinayo niya ako. “Ano? Nasaan na ang lakas mong pakielamera kang babae ka,  ha? ”

Ngumisi ako. Wala pa ako sa intro. Hintayin nila akong matapos. Nakita kong pasugod ang apat sa akin. Naglabas akong ng fire ball at ibinato sa mga ito. Talsik sila papalayo. Bumwelo ako ng malakas at siniko ko ang kanyang tiyan. Napaatras ito at nabitiwan ako. Ako naman ang humawak sa kanyang ulo. Idinapa ko siya sa sahig at ilang beses na ginawang basahan ang kanyang mukha. Maraming ulit ko iyong iniumpog sa matigas na daanan.

“You only know me by my name pero hindi mo alam kung anong kaya kong gawin.” Isa pang malakas na umpog ang ginawa ko sa ulo nito. Doon na siya nawalan ng malay.

Tumayo ako at nagpagpag ng mga kamay. Nagpalakpakan ang ibang nanatiling nanonood dito sa mall. Ibang klase din,  no? Hinawakan ko ang paa ni Hell at kinaladkad ito pababa at palabas ng lugar na ito. Tapos na ang palabas.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now