064 - The Other Side

337 80 17
                                    

EVIL QUEEN'S POV

“Mga hangal.” Naiusal ko na lamang habang pinapanood ko sa aking mahiwagang salamin ang mga nagaganap sa apat na hinirang.

Akala ba ng mga ito ay mapaglalalangan nila ang isang tulad kong makapangyarihan? Malaking pagkakamali. Talagang harapan na ang pagkalaban nila sa akin. Pwes, matitikman nila ang bangis ko.

Ipinatawag ko ang aking kamay na si Palestine.

“Ano ang nais mong gawin kong hakbang, Kamahalan?”

“Sasamantalahin natin ang pagkakataong ito na wala ang mga sagabal. Kukuhanin natin sa pangangalaga nila ang mga natitirang babaeng kailangan ko sa aking sangkap.”

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. “Hindi po ba dapat na mas unahin natin ang pagkuha sa itinakda para hindi siya mapasakamay ng mga kalaban? Paumanhin Mahal na Reyna pero parang pinapabayaan ninyo lamang po sila. Paano kung magtagumpay ang The Four?”

Nginitian ko siya ng maluwanag at tumingin ng diretso sa kawalan. Hindi ang mga kagaya nila ang sisira sa aking mga plano. “Wala kang dapat alalahanin. Naka-plano na ang lahat. Kaunting panahon na lamang at makakalaya na ako sa sumpang ito. Malapit na. Malapit na malapit na.”

**********



THIRD'S POV
Mortal World

“Oh, paano? Mauna na ako.” Sabi ni Bella sabay baba sa aking dalang tricycle.

Tinanguan ko lamang ito. “Basta, ikaw. Alam mo naman malakas ka sa akin.”

Bumungisngis ito na parang walang malaking problema. “Bukas ulit, ha?”

Ngintian ko siya ng maluwang na halos lumabas na kaluluwa ko. “Walang problema. Alam mo namang lab kita, eh.”

“Naks naman. Oh, s'ya babush baby boy.”

Kinawayan ko lamang siya habang pinapanood na pumasok sa kanilang barong-barong na bahay.

Nang mawala ito sa aking paningin ay tumalikod ako at naglakad sa madilim na lugar na ito ng isang barangay dito sa Tondo at piniling sandaling lumayo sa maingay at magulong siyudad.

Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Matagal ako sa ganoong posisyon. Malapit ng magbago ang lahat. Malapit na silang dumating. Kinakabahan ako sa mga maaring mangyari. Saan ba dapat ako kumampi? Sa apat na 'yon? Sa Reyna? O sa kanya? Saan ako lulugar?  Nagbabadya ng magsalpukan ang mga ito. Malapit na, malapit na malapit na.

******




CHARLIE'S POV

Muli akong uminom ng alak habang pinagmamasdan ang dalawang bagay na nasa harapan ko ngayon dito sa aking sariliring laboratoryo. Sa kanan ay si Project X at sa kaliwa naman ay si Project Y. Matagal kong pinaghandaan ang oras na ito at hindi ako makakapayag na may sisira pa sa lahat ng pinapangarap ko. Kung kailangang paslangin ko siya ay gagawin ko. Handa akong pumatay ano mang oras. Unti-unti ng natutupad ang mga plano ko. Natitiyak kong kaunting panahon na lamang ay matutupad na ang mga dapat mangyari. Malalagay na sa ayos ang mga bagay na sana'y matagal ng nasa pwesto na iyon. Malapit na, malapit na malapit na.


********


The End Is Near. Sabi nga ng tatlo, malapit na malapit na. Nagsasabi naman sila ng totoo.

Yes. Tama ang nabasa ninyo. Nalalapit na ang pagtatapos ng FIRST STAND. Isang bagong kwento ang muling bubuksan ng The Four. Abangan.

Expect the unexpected sa mga nalalabing huling kabanata.

Part 1 : Battle For Stardom (Completed)
Part 2 : First Stand (On-Going)
Part 3 : The Dark Side (Up Next)

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now