003 - The Four

981 90 21
                                    

The Four

I've been in coma for almost two weeks? Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip kung paano nagyari 'yon kaya tinanong ko na ang mga ito. Hindi na ako makapaghintay na marinig ang kanilang sagot.

“Hindi ba natamaan ka ng baril? ” Panimula ni Eliazar.

Tumango ako.  'Yun ang huling natatandaan ko.

“Eksaktong pagtama ng baril sayo nakawala si Tres at si Lily mula sa pagkakatali. Binaril ni Athena ang kaibigan mo. Nagawa pa niyang makipag-agawan kay Athena ng baril bago siya muling natamaan.”

Iyon ba 'yung apat na narining kong sunod-sunod na putok bago mawalan ng ulirat?

“At ako ang tumapos sa buhay ng babaitang 'yon.” Singit ni Lily. “Nang mabaril niya si Tres mabilis kong kinuha yung kutsilyong nakita ko. Tinaga ko ng sampung beses sa boobs si Athena. Wawakwakin ko pa sana ang kanyang tiyan pero sabay-sabay na kaming tatlo nila Nathan at Eliazar na kinuha ng liwanag.”

“Natatandaan ko pa ang paglapit ng isang lalaki sa akin.”

“Ako 'yun. ” Sabi ni Nathan. “Bago ako kuhanin ng liwanag.”

“Tatlo kaming nakarating dito.” Pagpapatuloy ni Eliazar. “Samantala, sabay-sabay kayong tatlo nila Tres at Athena na nag-aagaw buhay naman doon.”

“Pinanood namin kung sino sa inyo ang unang malalagutan ng hininga. Si Athena 'yon. Then,  si Tres.” Sabi ni Lily. “Saka ka kinuha ng liwanag.”

Natigilan ako habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga ito. Tumayo ako at tinalikudan sila. Katahimikan. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang mga naganap. Unti-unting bumalik sa isipan ko ang mga alala naming dalawa ng kaibigan ko. Kung paano kami sabay na lumaki. Magkasama sa kalokohan,  sa hirap at sa ginhawa. Kung paano niya ako dinamayan noong mawala ang aking mga magulang. Kung paanong siya ang naging sandalan ko sa oras ng kalungkutan. Lahat ng iyon ay naglahong parang bula.

“Ano bang ginagawa mo dito?”

“Nag-alala kasi ako.”

Napangiti ako ng mapait ng maalala ang mga tagpong iyon. Kung paano siya nag-alala sa akin na baka masasamang tao ang kukuha sa amin. Wala ng mag-aalala sa akin ng ganoon. Wala ng mag-aalala sa akin ngayon.

“Lavinia. ”

“Tres.”

“Akala ko'y kung ano nang nangyari sayo.”

Mga oras na akala ko may nangyari ng masama sa kanya.

“Kung malakas-lakas lang ako uubusin ko sana silang lahat para wala nang matira sayo pero hindi ko kinaya, eh.”

'Yung ngiti niya habang sinasabi ang mga bagay na 'yon kahit napaka-imposible pero alam kong gagawin niya talaga iyon kung kaya niya. Wala ng ngingiti sa akin ng ganoon. Nawala na ang lahat. Pakiramdam ko may bahagi ng pagkatao ko ang nawala na din. Tuloy-tuloy sa pagtulo ang aking mga luha. Lumayo ako sa kanila upang hindi nila makita iyon. Ayokong isipin ng mga ito na mahina ako. Ang pag-iyak ay simbolo ng kahinaan. Pinahid ko ang luha pero peste. Mas lalong bumubuhos iyon.

Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
Pag-ibig ko ay totoo
Ako ang iyong bangka, kung magalit man ang alon
Ng panahon, sabay tayong aahon

Napatingin ako kay Lily na patugtugin niya ang malaking speaker at tumunog ang kantang iyon. Gustuhin ko mang mabwiset sa mga pinaggagagawa nito ay hindi ko magawa. Masyadong okupado ang isip ko sa mga nangyari.

Isang panyo ang tumapat sa aking mukha. Tinignan ko kung sino ang nag-abot niyon. Si Nathan. Kinuha ko iyon.

“I'm so sorry for your loss.”

Tumango lang ako sa sinabi nito.

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat. “Iiyak mo lang 'yan. Para kahit paaano mabawasan.”

“Salamat.”

“Basta lagi mo lang tatandaan nandito pa kami para damayan ka. Hindi man ganon kalalim ang mga pinagsamahan natin pero pwede mo din naman kaming ituring na kaibigan.”

Damang-dama ko ang kanyang sensiridad habang binibitawan ang mga katagang iyon. Pero hindi pa rin iyon sapat para mapawi ang lungkot na nadarama ko ngayon.

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Tumango lang ako. Pinahid ko ang aking luha. Ito na ang huling beses na iiyak ako. Kailangan kong maging malakas at matapang. Hindi ko sasayangin ang sakripisyong ginawa ni Tres para sa aming lahat. Papatunayan ko na karapat-dapat ako sa kung anong narating ko ngayon. Para sa amin 'tong dalawa ng kaibigan ko.

“Oh,  tama na 'yan. ” Singit ni Lily. Pinatay niya 'yung tugtog. “Masyado ka ng maraming airtime,  Lavinia. Pack-up na. ”

Bumalik kami sa pagkakaupo ng makalma ko na ang sarili. “May hindi pa nasasagot sa mga tanong ko. Paano ako na-coma ng dalawang linggo? ”

“Ah,  'yun ba? ” -Eliazar. “May lason pala 'yung balang tumama sayo. Bwiset na Athena 'yon. Talagang hindi tayo bubuhayin. Lason na sa isang minuto ay maari ng kumuha ng buhay. Pero sadyang may natural na kalakasan ang katawan mo at kahit wala ang kapangyarihan mo ay nakaya nitong labanan ang lason. Pero medyo natagalan ang recovery mo dahil may organ na natamaan sa tiyan mo hindi tulad ko. Sa paa lang naman kasi ako nabaril kaya pagdating dito agad na nagamot nila ako.”

Ahhh 'yun pala ang nangyari.

“Anong nangyari sa katawan ni Tres?”

“Sa pagakakaalam ko lahat ng namatay during competiton ay dinala dito. Nandoon 'ata 'yung mga abo nila sa likod ng museum.”

Ang likod ng museum na tinutukoy ni Nathan ay isang libingan na para lamang sa mga nilalang na namatay sa pagitan ng pakikipaglaban para sa titulo ng The Four.

“At dahil diyan sa nangyari sayo. ” Sabi ni Lily. “Naantala tuloy ang celebration ng ating pagkapanalo. Pati mga invitation at guesting ay na postpone dahil ang tagal mong gumising. Pati mga commercials and endorsement. Alam mo bang kinukuha ako ng Domex at Baygon? Andami kong pinalampas na opportunity ng dahil sayo. Sabi kasi ni Head Master kailangan ang una nating paglabas sa mundo ay 'yung makikita nilang magkakasama tayo. Alangan namang kaming tatlo lang ang pumunta. Ano to,  The Three? ”

“Salamat at talagang hinintay ninyo ako,  ha? Bigla naman akong nahiya. ” Sarcastic na sabi ko kay Lily.

“Pero ngayong gising ka na.” Sabi naman ni Nathan. He smiled.  “Magagawa na natin ang lahat ng 'yon.”

Naputol ang pag-uusap namin ng walang sabi-sabing pumasok si Head Master sa loob.

“Oh,  ano? Walang katok-katok? ” Puna dito ni Lily. “Bastusan?  Kami na ang The Four kaya mas mataas na kami sayo. Mas mataas na ang sahod namin kaysa sayo. Isa-suggest ko nga na gawin ka na lang Manila Rate. Vaklang,  to.”

Hindi siya pinansin ni Head Master. “Sa wakas, nabuo na din kayong apat. Ready to fulfill your duties and responsibilities, Warriors?”

Sa narinig na iyon ay nagkatinginan kaming lahat. Our journey begins now.

First Stand *CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora