073 - Finale pt. 3

265 21 1
                                    

Muli kong itinago ang isapada. Napasapo na lang ako sa noo ng madinig ang mga sinabi ni Lily. Jusko po. Napatingin ako sa itaas. Bwiset. Marami pang paparating. Pugad ito marahil ng mga anaconda. Hinding-hindi na talaga ako ulit magtatangkang pumunta sa mundo ng mga tao kung magkaroon man ng pangalawang pagkakataon. Ayoko na.

Ilang ahas ang papalapit na sa amin. Nagulat ako ng bigla na lamang maging abo ang mga iyon. Napatingin ako kay Lily. Nagamit nito ng maayos ang aking kapangyarihan! Nakapagpakawala siya ng apoy!

“Believe ka na ba sa akin?”

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Napakahusay ko talagang -------”

Isang malakas na sigaw ang pumuno sa buong lugar ng isa na namang anaconda ang pumulupot kay Lily bago ito binitiwan sa bangin. Mukhang gusto talaga siya ng mga ahas. Baka nami-miss lang nila ang kanilang pinuno. Buti na lamang at bumagsak ito sa kinaroroonan ni Nate. Muli kasi siyang naka-akyat gamit ang baging na nakapitan niya kanina.

“Muntik-muntikan ka na.” Sabi nito kay Lily.

“Hindi ko pa kasi oras.” Sagot ng baliw bago ito tumayo. May malaking bukol na siya sa kanyang noo dahil sa ilang ulit na pagbagsak sa semento. Pasalamat na lamang siya at iyon lang ang natamo niya.

Ang dalawa naman ang pinuntirya ng mga ahas. Talon at takbo ang ginawa ng mga ito. Nagpatuloy din ako para makarating na sa pintuan. Ganoon din sila King at Eli.

Nakita kong isang baging ang muling kinapitan ni Nate. Doon siya nagduyan ng malakas at ng makuha ang tamang sukat ay saka siya bumitaw. Bumugsak siya sa harapan ng pinto. Siya ang unang nakararing doon sa aming lima. Sumunod sa kanya ang babaeng baliw. Salamat naman at hindi na ito muling nahulog pa. Kung nagkataon ay wala ng sasagip sa kanya. Siya na marahil ang susunod na paglalamayan.

Tinignan ko ang kinatatayuan ko. Medyo malayo ang dakong ito sa pinto. Bwiset na babae kasa 'yan. Humablot ako ng isang baging at doon naglambitin. Tumingin ako sa ibaba. Nakakalula. Hinahangin din ako. Pinilit kong tumaas. Malapit kila king at Eli. Tinulungan nila akong makaakyat ng makita ako ng mga ito. Papalapit na naman ang malalaking ahas.

Si King na ang nuuna sa pagtakbo. Pangalawa ako at panghuli si Eli. Isang sementong parisukat na lang at makakarating na din kami sa lagusan. Tumalon na si King patungo doon. Sumunod ako....At si Eli. Pero kinapos 'ata ito sa pagtalon. Nahulog siya. Hulog siya sa ibaba kung hindi niya naihawak ng kanyang kaliwang kamay. Kamalasan nga naman, oo. Tagumpay na nakatawid na si King. Hindi ko pwedeng pabayaan si Eli. Dinaluhan ko siya at tinulungang makasampa.

Habol ang paghinga nito. “Salamat, Lavinia.”

Tinanguan ko lamang ito. “Tara na.” Sabi ko sa kanya ng makitang ilang pulgada na lamang ang layo sa amin ng mga anaconda.

Tumakbo kaming dalawa hanggang sa nakarating na din kami sa kabila. Doon lamang nagsi-alisan ang mga mapanganib na nilalang.

“What a fight.” React ni Eli.

Ngayon ay nakatayo kaming lima sa mahiwagang pintuan. Unti-unting nagbukas 'yun at tumambad sa amin ang nakalasilaw na liwanag.

“Para tayong papunta sa langit.” Sabi ni King.

“Vakla ka ng henerasyon. Hindi ka tatanggapin 'don. Nasa listahan ka na ni Satanas.” Sabi dito ni Lily.

“Sino si Satanas?” Tanong ni Nate.

“Siya ang presidente ng PhilHealth.”

“This is it.” Sabi naman ni Eli. “Makakarating din tayo sa destinasyon natin. Ano kaya ang itsura ng mortal world?”

“Tumingin ka lang sa salamin at malalaman mo. Sobrang pangit. ” -Lily

“Tayo na.” Sabi ko sa mga ito. Naghawak-hawak kaming lima ng kamay. Sa kaliwa ko ay si Eli na katabi naman si King at sa kanan ko naman ay si Nate na katabi naman ang babaeng baliw. Naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa aking kamay. Napatingin tuloy ako dito. Kinindatan niya ako. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako dapat maging marupok.

“Montal World, I'm coming for you. Humanda ka sa mga pasabog ko.” Sabi ni Lily bago kami sabay-sabay na naglakad papasok sa mahiwagang pinto.

Bigla akong napaisip habang patuloy kaming lima na sabay-sabay sa paghakbang. Wala na si Marina. Sayang at hindi siya nakaabot sa puntong ito. Ang katamayan ba ang katapusan? Hindi marahil. Death is just another path. One that we all must take. Naniniwala akong may buhay pa sa likod niyon.

Nakaramdam ako ng antok at hindi ko na napigilang ipikit ang aking mga mata pero bago iyon ay nakangiting pinagmasdan ko muna ko ang aking mga kasama. Sobrang proud ako sa kanila. This isn't easy. Pinaghirapan namin ang lahat. We're trying hard, fighting hard. Dito na ba natatapos ang lahat? Maari. But the journey doesn't end here. Isa ulit itong bagong simula. Tapos na kami sa puntong ito ng buhay namin. Every end is a new beginning.

********



Up Next : The Final Revelation

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now