071 - Finale

177 19 5
                                    

Malamig na tubig ang sumalubong sa akin. Nakakakilabot iyon sa kalamnan. Lumutang ako habang habol ang hininga dahil sa pagkakabagsak sa ilalim ng tubig na rumaragasa. Nakita ko ang aking mga kasama na kanya-kanyang langoy papunta sa may batuhan. Binilang ko sila. Lima. Pang-anim ako. Buti naman at ligtas ang lahat. Hanggang sa nagawa nga naming malampasan ang galit na galit na alon.

“See?” Sabi ni Eli habang nakangiti. “We made it.”

Para kaming mga basang sisiw. Si Lily ay naglabas ng mga isusuot niya. Tinanong ito ni King kung bakit hindi naglabas ng baril kanina para nagamit namin sa mga kalaban pero ang sagot lamang nito ay limitado daw ang maari niya lamang ilabas sa kanyang magic bulsa. Talaga lang, ha?

Tinignan ko ang mga robotic lion. Nag-aalisan na ang mga ito. Napangiti ako. Buti naman. Medyo naginhawaan ako pero ang lamig naman. Ayokong manghingi ng maisusuot sa babaeng baliw dahil baka kung ano na lamang ang ilabas nito.

Ilang sandali pa'y isang lagusan ang bumukas sa harap namin.

“Ito na marahil ang daan patungo sa huling istasyon. Malapit na tayo makarating sa mundo ng mga tao.” Sabi ni King.

“Let's go, mga vakla.” Sabi ni Lily at nagsimula ng maglakad patungo doon.

“Here we go.” Sabi ni Nathan.

Binalingan ko si Marina. “Nagawa natin. Tandaan mo lang lagi na hindi dapat tayo magpadala sa takot.”

Tumango ito at hinawakan ang kamay ko. “Tama kayo. Simula ngayon ay gagawin ko na -------”

Napasigaw si Lily hindi pa man natatapos ng kausap ko ang kanyang sinasabi dahil isang arrow ang tumama dito. Sa gitna ng kanyang leeg!

Napanganga ako sa sobrang gulat. Anong nangyayari?!!!!! Naging alerto agad ako at inilabas ang ispada. Luminga-linga ako sa palid. Mahigit dalawampung nakaitim na nilalang na may maskra sa mukha ang nakita ko sa taas na may hawak ng pana at lahat ng iyon ay nakatutok sa aming direksiyon.

“Holy sh!t.” Sabi ni Nate.

Para akong hindi makagalaw. Ilang segundo ako sa ganoong ayos bago ako bumalik sa sarili dahil naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ni Marina sa lupa at ang pagkakabitiw niya sa magkahawak naming kamay.

Dinaluhan agad namin siya. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin. Pinagmasdan ko ang aking kasamahan. Naliligo na ito sa sariling dugo. Dilat ang kanyang mga mata. May dugo ding tumtulo sa kanyang bibig.

“M-ma-sa-ya a-kong naki-lala-la ko ka-yo.” Hirap na hirap na sabi nito.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin habang nakatingin sa kanya. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Parang bumalik sa akin ang pagkamatay ng aking mga magulang.... ang pagkamatay ni Tres... Naramdaman ko na lamang ng ilang butil na pala ng luha ang pumatak sa aking mga mata. Hanggang sa pinakawalan na nito ang kanyang huling hininga.

Hindi pa man kami nakakabawi sa pagkagulat ay pinaulanan na nila kami ng sunod-sunod na bala ng pana. Kanya-kanya kaming tago sa malalaking bato.

“Sino ang mga nilalang na 'yan?!” Sigaw ni Lily.

“Kailangan na nating umalis.” Matigas na sabi ni Eli.

Napatingin sa kanya si King. “We can't leave her!” Tukoy nito kay Marina.

“Wala na siya at wala na tayong magagawa sa bagay na iyon.” Matigas pa ding paliwanag na ito. “Malapit ng magsara ang lagusan! Masasayang ang pinaghirapan nating lahat kung hindi pa tayo aalis ngayon!”

Tatayo sana ako ng maramdaman ko ang pagpigil ni Nate sa aking braso. “Anong gagawin mo?” Tanong nito.

“Papatayin ko silang lahat.” Pursigidong sabi ko.

“No.” Pagtutol nito na ikinagulat ko. “Look at me.” Hinawakan niya ang balikat ko. “Wala sa atin ang ating mga likas na kakayahan. Pagpapakamatay ang gagawin mo. Nakita ko ang simbulong naka-ukit sa kanilang mga maskra. Isang ibon na may pakpak at buntot. Nakita ko na ang simbolong iyon noon sa damit ni Hestia. Nakasisigurado akong siya ang nagpadala ng mga 'yan at nararamdaman kong hindi sila basta-basta. Stay... Please.”

Naikuyom ko ang aking mga kamao. Aminin ko man o hindi ay aminado akong may punto ang sinabi nito. Patuloy pa rin sa pag-ulan ng mga bala ng pana.

“Kailangan na nating kumilos!” Muling sigaw ni Eli. Una na itong lumusot sa lagusan. Sumunod si Lily.

Sinilip kong muli ang mga nilalang na iyon. Binigyan ko ng huling sulyap ang wala ng buhay na katawan ni Marina bago pumasok sa portal. Karagdagan siya sa malaking utang na sisingilin namin sa masamang reyna. Humanda siya sa aming pagbabalik dahil ipinapangako kong hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng itinuring ng kaibigan. Maniningil kami ng malaki, sa kahit anong paraan sa tamang lugar at sa tamang pagkakataon.

*********





May you rest in peace, Marina. Aalalahanin namin ang lahat ng naitulong  at naibahagi mo sa The Four. Isa kang maasahan na kaibigan. Paalam.

Nakikiramay,
Author and Readers

Last Chapters:
*71 - Finale pt. 2 or pwede ring umabot sa pt. 3. Or pt. 4.... Depende sa haba ng scene. Featuring THE FINAL STATION, someone's POV and THE BIG REVELATION.
*To the mortal world
*Book 3 : The Dark Side

My gaaaaaaadddd. Konting kembot na lang at tapos na ang PART 2. Mula sa Night of Abduction, sa competition, sa pagkapanalo at pagiging The Four, sa mga nakakalokang rebelasyon, sikreto at pangyayari, sa unang laban, sa unang misyon at patungo naman sa bagong mundo na nakatakda nilang tahakin, lakbayin at tuklasin.

Fasten Your Seatbelt, guys.
The Dark Side Is Coming

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now