049 - Qatara Dessert

189 27 16
                                    

Qatara Dessert

💓💓💓💓💓

“Ano ang lugar na ito?” Tanong ko sa mga kasama nang mapagtanto kung saan kami dinala ng lagusang walang pang ilang minuto ay pinasukan namin.

Kung kanina ay puro puno, halaman at rebulto ang makikita ngyaon naman ay wala na ang lahat ng iyon at napalitan na ng napakalawak na buhanginan. Oo. Nandito kami sa isang diseyertong tingin ko ay libo-libong ektarya ang laki. Napakatindi ng sikat ng araw. Nakakapaso sa balat hanggang sa kaibuturan. Maalikabok din kaya hindi maiiwasang maka-ilang ulit kami ng pagbahing. Napakalakas ng hangin na animo'y magkakaroon ng isang buhawi.

“Where the hell are we?” Tanong naman ni Nate.

“Isang disyerto.” Sabi naman ni Eli.

“Ay, hindi.” Pangbabara agad dito ni Lily. “Dagat 'to. Kaya nga maraming buhangin at mainit dahil isa nga itong dagat. Galing, 'di ba?”

“Walang kwenta yang joke mo.”

“Mas walang kwenta ang mukha ni King.”

“Bakit naman ako nadamay diyan?”

Inilabas ko ang mapa. Mula sa itaas ng Eternal Garden ay gumuhit ang isang lugar na may nakasulat sa itaas na... “Qatara Dessert.” Banggit ko. Anong klaseng lugar ito?

“Qatara Dessert?” Ulit ni Marina. “Totoo ba ang sinabi mo?”

Tumango ako. May alam ba ito tungkol dito?

“Nabasa ko na ito sa isa sa mga libro. Kilala ang lugar na ito sa pagiging Killer Monster.”

“Halimawa na pumapatay.”  Sabi ni King.

“Oo. Ang sabi ng ilan wala pang nagpunta dito ang nakakaligtas o nakakabalik pa.”

“Tayo pa lang kung sakali.” Kumpiyansang sabi ni Nate.

Ganoon din naman ako. Hindi ako makapapayag na hindi makaaalis sa lugar na ito. Tinignan ko ang mga kasama. “Nararamdaman ko na sa katawan ko ang sobrang init at alam kong ganoon din kayo.” Parang pakiramdam ko ay niluluto ako kahit kaunting oras pa lang ang nailalagi namin dito. Fire keeper na ako sa lagay na 'yan, ha? “Kailangan na nating mahanap ang daan sa kung saan man iyon makikita sa lalong madaling panahon bago pa tayo malutong buhay dito. Ayokong matosta.”

“Tama si Lavinia.” Sang-ayon ni Eli. “Tara na.”

Nag-umpisa kaming lakbayin ang malawak na disyerto na walang tiyak na patutunguhan habang pinapakinggan ang mga reklamo ni Lily. Sana daw ay nagpa-iwan na lang ito sa Head Quarters. Well, sana nga talaga. Parang sirang plaka ang bunganga nito. Ang sakit na sa tainga. Hindi na nakakatulong sa sitwasyon. Kailan kaya ito magtatanda at mapupunta sa matinong pag-iisip? Mukhang matatagalan pa ang panahon na iyon.

“Marina.” Si Lily naman.

“Yes?”

“Alam mo bang kulang ka sa ganda? May solusyon na diyan ngayon. Alam mo kung ano? Filter.”

“Waley, Lily.” -Nate.

“Lavinia.”

“Ayokong makinig dahil alam ko namang walang kwenta 'yang sasabihin mo.” Kunwaring tinakpan ko ang aking mga tainga.

“Kinulang ka man sa ganda huwag kang mag-alala may cleavage ka pa.”

Tiingnan ko siya ng masama. Napakabastos talaga ng isang 'to.

“Marina.”

“Bakit ako na naman?”

“Sa likod ng maganda mong mukha, wasak ka na palang punyeta ka.”

“Look who's talking.” Pagpaparinig ni Nate kay Lily.

“Excuse me, virgin pa ako, no? Subukan mo ng malaman mo.”

“Salamat na lang. Nakalaan na 'to para sa isang babae and definitely hindi ikaw 'yon.” Sabi niya sabay tingin sa akin.

Sandaling nagtama ang aming mga paningin bago ako nag-iwas. Ano bang trip ng lalaking ito?

“Kay Lavinia lang nakalaan ang katawan mo?”

“Ayieeeeeeehhhhhh.” Chorus nila Lily, Marina at King.

Tinignan ko ng masama ang mga ito. “Ibabaon ko kayong lahat sa buhangin kapag hindi ninyo ako tinigilan. Huwag ako, ha?”

“Pakipot pa si vakla. Gusto din naman.” -Lily.

Wala kong nadidinig. Lumipas pa ng ilang minuto naming paglalakad at kung ano-ano na ang napag-usapan ng mga ito. Para kaming pinarusahan sa lagay namin ngayon. Naglalakad sa disyerto. Saan ba kami dadalhin nito? Higit sa lahat saan ba ang dulo nito o ang mas magandang itanong may hangganan ba ito? So far, wala pa naman akong kahit anong nararamdamang kakaiba.

“Ganoon din ang nangyari sa akin. Pahirapan talaga.” Sabi ni King habang sinasalaysay nito ang nanyari sa kanya noong matanggal siya sa competition. Katulad na katulad din ng kay Marina. “Kumusta naman ang pagiging The Four?” Isa-isa niya kaming tinignan na apat. “Hanggang ngayong pinag-uusapan pa din kayo all over the world. Ang galing ninyo. Mula bata hanggang matanda hinahangaan kayo. Idolo na ang turing nila sa inyo.”

“Eto, napasabak na kami sa unang misyon namin kaya kami naririto.”  Sagot dito ni Nate.

“Magtagumpay sana kayo.”

Natigilan kaming lahat ng biglang nakaramdam ng pagyanig sa paligid. Huminto kami sa paglalakad.

“Lumilindol ba?” Tanong ni Eli.

“Mukhang hindi.” Sabi ko sa kanya ng makitang isang malaking usok ng alikbok ang nabubuo sa harapan namin. Papalakas din ng papalakas ang pagyanig sa paligid.

“Buhawi ba 'yan?” Tanong naman ni Nate.

“Sibuyas 'yan.” Walang kwentang sagot dito ni Lily.

Nanlaki ang mga mata ko ng sa likod ng makakapal na usok na iyon na nabuo mula sa buhangin ay lumabas ang sa tingin ko'y daang-daang mga hayop na iisa lamang ang uri. Parang silang mga kalabaw. O baka? Hindi ko matukoy kung ano. Mabibilis ang kanilang pagtakbo na siyang nagbibigay ng pagyanig sa paligid. Ganoon kalakas.

“Oh,  God.” Narining kong react ni Marina.

“Ano ang mga nilalang na 'yan?” Tanong ni King.

“Butete.” Sagot dito ni Lily.

Hindi na ako nakapagpigil at binatukan ko na siya ng isa. Mabilis na bumaling ang kanyang tingin sa akin. Pagtaas lamang ng kilay ang iginanti ko sa kanya. Sabi ko naman huwag ngayon.

“Kalabaw ba 'yan?” Tanong ulit ni Eli.

Parehas lamang ang tumatakbo sa isip namin.

“No.” Sagot ni Marina. Tinignan niya kami. “Buffalo ang mga 'yan. Cafe buffalo to be exact o mas kilala din sa tawag na Black Death.”

Buffalo? Ngayon lamang ako nakakita ng ganyang uri ng hayop. Sa tingin ko mga nasa anim na talampakan ang taas ng mga ito. Malalaki sila at sigurado akong sobrang bigat ng mga ito para makagawa ng isang malakas na pagyanig. May mahahaba din silang sungay. Parang ang bibilis din kumilos ng mga ito.

“Guys, we have to move.” Sabi ni Marina. “Sa kalkula ko sa atin sila papunta. Sa loob lamang ng dalawang minuto ay mararating nila ang kinatatayuan natin kung hindi pa tayo tatakbo ngayon. Isa ang hayop na 'yan sa itinuturing na pinakamapanganib na nilalang sa buong mundo. I don’t want to mess with those horns.”

Nagkatinginan kaming lahat. Tama siya. Mukhang gutom na gutom at handang-handang pumatay ang mga nilalang na papalapit sa amin at para bang ang tingin nila sa amin ay isang kaaway na basta na lamang pumasok sa kanilang teritoryo. Sabay-sabay kaming tumakbo habang hinahabol ng daang-daang buffalo. Tama si Head Master, hindi talaga magiging madali ang lahat para sa amin ngunit handa kaming lumaban hanggang kamatayan. I don't know how we going to win this whole fight. I just know we're not going to lose.

First Stand *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon