069 - Run

138 17 0
                                    

Lavinia's POV

“Handa na ba kayo?” Tanong ko sa mga kasama.

Umaga na naman. Isang araw na muli ang lumipas. Hindi pa din kami nakakarating sa mundo ng mga tao. Gaano ba iyon kalayo? Ano-ano pang kapahamakan ang naghihintay sa amin? Bahala na. Ang mahalaga ay magkakasama kami. Makakaya namin ang lahat.

“Yes, Madam.” Sagot ni Lily.

Tinignan ko ang mga ito. “Kung gayon ay tayo na. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon.”

Sabay-sabay na tinahak namin ang masukal na daan. Kaya pala ako nanghina kahapon dahil sa pagkawala ng isa sa mga kapangyarhan ko. Pero pasasaan ba't babalik din sa ayos ang lahat.

“Mga vakla, may joke ako.” Maya-maya ay sabi ni Lily.

“Ano na naman 'yan?” -Marina.

“Sige nga.” -Eli.

Pinagmasdan ko ang mga ito. Hindi ko na ulit mabasa ang mga isipan nila. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sa umpisa'y nahirapan si Eli. Hindi pala talaga ganoon kadali 'yun.

“Siguraduhin mo lang na matatawa kami diyan, ha.” -Nate.

“Wag na pala. Nakalimutan ko.”

May masabi lang? Hmmmmm. Sa lawak nitong gubat saan naman namin makikita ang daan sa final station?

“Para lang sa kaalaman ng lahat.” Si Lily na naman. “Meron pong 59 na butas ang skyflakes habang 9 naman po si fita. Isang patak, wala kang utak. Did you know? In order to maintain my beauty I need to be extra active. Because this exotic face change my life, my country, my neighbor, my planet, my universe, my toes, my knees, my shoulder, my head.”

“Parang kanta 'yun, ah.” Sabi ni King.

“Mga vakla. May taning na ang buhay ko.” Dagdag pa ni Lily.

“Sana totoo.” -Eli.

Nagkunwari pa itong umiiyak-iyak. “The doctor said I have two months to live so I killed the doctor, now the judge give me six years of life in prison. I'm an alpha kid.”

“Last mo na 'yan, Lily Cruz.” Sabi dito ni Nate.

Magsasalita sana ako ng biglang nagring ang earphone na nakakabit sa hikaw ko. Ganoon din sa mga kasama ko. Natigilan kami sa paglalakad. Iisa lang ang maaring tumawag sa amin.

“Si Head Master Charlie.” Sabi ko sa mga ito bago sinagot.

“Hello, Warriors.” Sabi nito sa kabilang linya.

“Hi, Charlie.” Bati dito ni Lily. “Para sa iyo ang kasabihan na ito. Sa bawat tagumpay, may insecure na nakasubaybay. Wapak. Nakakamiss yung bonding natin, yung kulitan, yung tawanan na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.”

“I don't have time with your never-ending nonsense, Lily.” Sagot agad nito. “Tumawag ako dahil gusto kong iparating sa inyo ang masamang balita.”

“Masamang balita?” Ulit ni Eli.

“Yes. May halimaw muli na sumugod dito. Mas marami, mas malalakas. Nagtagumpay silang makuha ang mga hawak nating babae. Marami din ang napatay nila dito. Palaga'y ko'y kagagawan ito ng reyna.”

Nanggigil ako dahil sa nadinig. “Sigurado akong pinlano talaga niyang wala kami diyan para mas madali niyang magawa ang mga gusto niya.”

“Kung ganoon man ay may dahilan na tayo para patalsikin ang reyna sa pwesto.” -Eli.

“Hindi ganoon katitibay ang ebidensiyang hawak natin.” Sabi ni Nate. “Paniguradong ibabasura lang ito ng konseho.”

“He's right.” Sang-ayon ni Charlie sa kabilang linya. “But don't worry, kung mauunahan ninyo siya sa propesiya ay hindi niya maikakasakatuparan ang kanyang mga plano. Kailangan ninyo ng magmadali. Iyon na lang ang natitira nating alas. Ang mortal sa mundo ng mga tao. Dapat ninyo siyang makuha.”

“Noted.” Sabay-sabay naming sagot.

“Na-track ko na ang location ninyo.” Sabi pa nito. “ And you're not in the good place.”

“What do you mean?” Tanong ko agad.

“May paparating. Maghanda kayo.” Iyon lamang at nawala na ito sa kabilang linya.

Nagkatinginin kaming anim. Wala pang isang salitang namumutawi sa aming mga bibig ng isang malakas na pagsabog sa aming harapan ang naganap. Natuon ang pansin namin doon at napaatras.

“Ano 'yun?” Tanong ni King.

“Isa lang ang sigurado ko.” Sabi ko sa mga ito. “Mapapalaban tayo.” Sinamo ko ang ispada para lumabas pero hindi ako sinusunod niyon. Peste. Ngayon pa talaga.  Napanganga ako ng makita ang mga nilalang na basta na lamang lumitaw doon.

“A robotic lion.” Sabi ni Nate.

Iyon nga. May leong gawa sa bakal na may sariling buhay at lahat sila ay basta na lamang lumitaw dito sa harap namin. Hindi maganda ang tingin nila. Parang gusto kaming kainin. Dinig ko ang malalakas nilang ungol na animo'y may totoo talaga silang buhay at bahagi ng kagubatang ito. Sa tingin ko'y nasa limampu ang bilang ng mga ito. Malalaki sila, mahahaba ang kuko't ngipin at iba-iba din ang kulay. Nagliliwanag ang kanilang mga mata.

“Gusto ko mang mamangha sa mga 'yan ay hindi ko magawa.” Sabi ni Marina. “Nakatitiyak akong tayo ang puntirya ng mga 'yan.”

Nagsimulang tumakbo ang mga ito patungo sa amin. Nagulat ako ng makitang  degulong din ang mga ito na lalong nagpabilis sa kanila.

“Guys, what are we going to do?” Tanong ni King. “Wala sa atin ang ating mga kapangyarihan. Hindi ako sigurado kung matatalo natin sila gamit ang nagpalit-palit nating kakayahan.”

“Sang-ayon ako.” Sabi ni Marina.

“Ako na ang bahala sa mga 'yan.” Sabi ni Lily.  Hindi ko na siya napigilan ng magpunta siya sa harapan namin. Nagpameywang pa ito. Anong gagawin ng babaitang 'yan? “Watch and learn, mga bebe.” Dagdag nito. “I am Lily Cruz na mag-iiwan ng mensahe para sa aking mga bashers. Sa lahat ng may galit sa akin i-prito n'yo yung sabaw tapos paki hanap ang pake ko. And I thank you!” Sigaw nito bago nagpakawala sa kanyang dalawang kamay ng malakas na pwersa ng apoy. Ibinato niya iyon sa mga paparating.

Napailing ako ng wala ni isa man lang sa mga ito ang natamaan. Imbes ay sa mga puno na gumawa pa ng malaking sunog. Nakangiwing bumalik ito sa pwesto. Masyado kasing nagmamarunong, eh. Babatukan ko na talaga 'yan.

Papalapit na sila ng papalapit sa amin. “May isa akong solusyong alam.” Sabi ko sa mga kasama.

.

.

.

.

.

.

.

“Ruuuuuuunnnnnn!” Sigaw ko sa mga ito pero pagtingin ko sa likod ay tumatakbo na pala ang mga ito. Bwiset. Mabilis ma sumunod at naabutan ko sila. “Ang gagaling ninyo, ha.” Sabi ko sa mga ito habang hinahabol kami ng mga mababangis na robot.

Napasigaw ang lahat ng ilang bala ang tumama sa daraanan namin. Shit. May baril effect pa ang mga ito.

“Lavinia!” Sigaw ni Eli. “Hindi mo ba mapasok ang isipilan nila?”

“Hindi!” Sagot ko sa kanya ng malakas. Ang ingay kasi sa paligid gawa ng mga sumusunod sa amin. Kung kaya ko ay kanina ko pa ginawa. Pero paano ba sila makokontrol? Para namang wala silang pag-iisip. Ginawa lang sila.

Nagpakawala si King ng earth energy pero si Lily lang ang natamaan niyon.

“Punyeta, ang galing mong vakla ka!” Sabi nito. Nadapa kasi siya dahil doon pero mabilis din namang nakatayo. Konti na lang at maabutan na kami ng mga leon.

Ano ba ang dapat naming gawin?

First Stand *CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant