043 - Journey To The Mortal World

183 33 0
                                    

Journey To The Mortal World

"Nakita ko sa isipan ni Moana na ang Reyna ang nag-utos para paslangin ang mga magulang ko at palabasin na nagpakamatay ang mga ito. Nawala na ako sa sarili ko ng mga oras na 'yun. Nagdilim na ang buong mundo ko. Ang gusto ko na lamang ay makapaghiganti at mabigyan sila ng hustisya. Pakiramdam ko biglang nawala ang lahat ng takot sa katawan ko kaya hindi na ako nag-isip pa at sumugod na lamang sa palasyo."

Kinabukasan ng umaga. Nandito kaming lahat sa condo namin. Pagka-uwi ay ginamot agad si Eliazar. Maayos na ulit ang itsura nito. Wala na ang mga sugat niya sa katawan. Nakikinig lang kaming lahat sa mga sinasabi niya. Nandito din si Head Master Charlie at Marina.

"Ikaw ba ang nangbugbog doon sa mga taga-bantay?" Tanong sa kanya ni Lily.

Tumango siya. "Oo. Ginawa ko iyon sa kagustuhang makaganti agad sa reyna. Nakita ko siya. Natagpuan ko siya. Nagawa ko siyang sakalin hanggang sa halos maaubusan na siya ng hininga. Hanggang sa isang air ball ang tumama sa akin. Sigurado akong galing iyon kay Walker."

"Nakita nga namin siya noong dumating kami sa palasyo." Sabi dito ni Nate.

Medyo nawala ang pansin ko sa pakikinig sa sinasabi ni Eli ng makitang lumapit si Lily kay Marina at itinapat sa bibig nito ang isang mic. Ano na namang trip niya?

"Sabihin mo SALAMAT SHOPPPEEEEEEE." Nadinig kong utos niya pa dito.

Shoppee? Ano 'yun? Umandar na naman ang kalokohan niya.

"Pinatay niya ang mga magulang ko." Madiing sabi ni Eli. Bakas pa din ang galit sa kanyang boses at sa kanyang mukha. "Gusto ko silang gantihan."

"Hindi ka pwedeng magpa-dalos-dalos." Singit ni Charlie. "Hindi siya basta lamang na makakaya mong kantiin. Tignan mo ang nangyari sayo. Halos patayin ka na nila sa latigo."

"Wala akong pakielam. Handa akong mamatay basta makita ko lang din siyang mawalan ng hininga. Anong naging kasalanan namin sa kanya? Dahil ba sa ginawa nating pag-sira sa mga plano niya? Isa lang ang alam ko hindi ako papayag na magtagumpay siya sa mga plano niya. Papatayin ko siya."

Ramdam na ramdam ko sa boses niya ang eagerness na makapaghiganti. Mahabang katahimikan ang sumunod.

"So, anong plano mo?" Tanong ko sa kanya maya-maya.

Umiling ito. "Hindi ko alam."

"Kailangan nating pagplanuhan ng mabuti ang lahat." Sabi ni Charlie "Alam na natin ang ilan sa mga plano ni Hestia. Doon tayo magsisimula. Kapag naisiwalat natin sa buong mundo at naipaalam sa lahat ang kasamaan niya magagawa natin siyang mapatalsik sa trono. Sa ganoong paraan ay mababawasan siya ng kapangyarihan. Doon natin siya maaring puntiryahin para sa pagkamatay ng mga magulang mo, Eli. Now, I hate to say this but we can't do anything. Hawak niya pa ang lahat. Hawak pa niya ang batas, ang lakas ng buong sambayanan, everything. Tulad ng sinabi ko na sa inyo, hindi natin siya basta-basta magagalaw. Hindi tayo maaring humingi na lang ng tulong sa kahit kanino dahil mahirap ng magtiwala. Baka mamaya hawak niya pa sa leeg ang mahingan natin ng tulo-----." Saglit itong natigil sa pagsasalita ng biglang tumunog amg kanyang cellphone. Sinagot nito ang kung sino mang tumatawag. "Hello?" Saglit nitong pinakinggan ang sinabi nang nasa kabilang linya bago ibinaba iyon. Napatingin siya sa amin. "Kailangan ninyo ng kumilos."

"What do you mean?" Tanong sa kanya ni Nate.

"Isang balita ang natanggap ko." Sagot nito. "Nagpapunta ang reyna ng mga kawal patungo dito sa Head Quarters para hanapin si Eliazar."

"Seriously?" React ni Eli. "Ako pa talaga ang ipinapahanap niya? Pagkatapos ng ginawa niya? Bring it on. Hindi ko sila aatrasan. This time, hindi na nila ako mapapabagsak."

"No." Pagtutol ni Charlie. "Hindi mo kilala ang Reyna. Hindi mo siya kakayanin. Ako na ang nagsasabi sayo. Trust me, Eliazar. Maipaghihiganti mo din ang pagkamatay ng mga magulang mo pero hindi ngayon. Magtiwala ka lang. Gagawa tayo ng paraan para mapabagsak siya."

"Hindi lang pagbagsak niya ang nais ko. Gusto ko siyang mamatay sa sarili kong mga kamay."

"Dararing tayo diyan. For now, kailangan ninyo ng gawin ngayon din ang kung ano mang napag-usapan natin." May inilabas itong nakatiklop ng bond paper sa likod ng kanyang bulsa. Iniabot niya iyon sa akin.

Takang tinanggap ko naman at binuksan. Litrato iyon ng isang babae. "Sino 'to?"

"She is Bella." Sagot niya. "Siya ang susi para makita ninyo ang babaeng kailangan ni Hestia sa mundo ng mga tao. Kambal sila. Iyan din ang itsura ng hahanapin ninyo."

Paano kaya niya ito nakuha?

"What? Kambal sila? " Tanong ni Lily. "Paano namin malalaman kung sino ba sa kanila talaga ang kukuhanin namin?"

Nakikinig ito? Mabuti naman. Ganoon din si Marina na kita ang excitement sa mukha. Parang gusto nitong sabihin na nais din niyang sumama sa misyon namin.

"May malubhang sakit ang kakambal niya. Iyon ang palatandaan. Iyon ang kailangan ninyong kuhanin bago pa kayo maunahan ni Hestia."

Tumango-tango ako. Naiintindihan ko na.

"Kailangan ninyo ng kumilos ngayon din."

Napatingin ako kay Head Master. "Ngayon? As in, now?"

"Yes. Bago pa nila maabutan si Eliazar dito."

"What?" React ni Eli. "So, parang tumakas na ako niyan? Hindi ako aalis dito. Taas noo ko silang haharapin. Wala akong kasalanan at kaya kong patunayan 'yan sa kanila. Sila dapat ang magtago. Sila dapat ang matakot."

Napipikit si Charlie. "Listen to me, Eli. Hindi pa ito ang tamang panahon para maghinganti ka. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero kailangan mong kontrolin ang sarili mo. Kapag nakuha niya ang babae sa mundo ng mga tao at nagawa niya na ang lahat ng ritual na kailangan niya mas lalo tayong mahihirapan pabagsakin siya. Magkakaroon siya ng walang hanggang kapangyarihan at buhay na walang kamatayan. Wala tayong laban doon kaya ngayon pa lang, hanggang kaya pa natin dapat natin siyang mapigilan. Naiintindihan mo ba ako?"

Napipilitang tumango ang lalaki. "Paano ang labi ng mga magulang ko?"

"Pagkatiwalaan mo ako. Ako ng bahala sa kanila. Ako na munang bahala dito. Aayusin ko ang lahat." Tinignan niya kaming lahat. "Magtiwala lang kayo."

Tumango kaming lahat.

"Good." Sagot nito. Binalingan niya sa Marina. "Maari mo ba silang dalhin sa lagusan patungo sa kabilang mundo?"

Jusko. Napakabilis ng mga pangyayari. Para kaming naghahabol ng kung ano.

"Sige. Alam ko ang daan patungo doon."

"Warriors, mag-iingat kayo."

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now