002 - The Winner

2.1K 98 23
                                    

002

The Winner

Nasorpresa ako ng makita si Eliazar. “B-buhay ka? ” Hindi ko pa naiwasang maitanong iyon.

Imbes na maiinis o ma-offend sa tanong ko ay ngumiti pa ito. Ngayon ko lang napagtanto na may itsura din pala ang isang 'to. Hindi ko lang siguro napapansin dahil sa mga nakalipas na linggo ay puro dumi at galos iyon. Oh,  baka naman iba lang talaga ang lagi kong tinititigan? Ayan ka naman. Huwag kang magsimula. “Parang ayaw mo naman akong mabuhay.” Umakto pa itong parang sinaksak sa dibdib.

Nginitian ko siya. “Hindi 'yun ang ibig kong sabihin.”

Niyaya na niya akong pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa akin ang napakagandang sala set. Una kong napansin ang isang entertainment cabinet. Napakalaki niyon. Sa gitna ay nakapatong ang isang flat screen tv. Sa bawat gilid ay may mga naka display na figurine. Sa pinaka-ibaba ay nakasalansan ang iba't-ibang uri ng libro.  Nalalatagan ng red carpet ang buong sahig. May center table din na nasa gitna. Alangan namang nasa gilid,  eh center nga? May dalawang mahabang sofa din dito. Sa isang gilid ay may nakatayong book case. Ang dingding na kapantay naman ng pinto ay gawa sa salamin.  Mula doon ay kitang-kita ko ang kabuuan ng aking sarili. Wala na kahit isa sa mga natamong kong galos at sugat. Sa tabi ng mahabang sofa ay nandoon ang dresser at isa pang vanity mirror. Marami pang mararangyang bagay na nandito. Parang mahihilo ang aking mga mata kung iisa-isahin ko ang mga 'yan. Ang masasabi ko lang ay napakaganda dito. Kumpleto sa gamit.

“Let me show you your room.” Maya-maya sa banggit ni Eliazar habang nakatayo pa din ako.

“My room?” Bahay niya 'to,  hindi ba? Ano,  magkasama kami sa iisang bahay? Hindi sa choosy ako ha pero ang pangit tignan 'non. Hindi naman kami mag-asawa.

“Yes.” Tumango ito. “Kwarto nating apat.”

Doon ako nakahinga ng maluwag. Ang ibig sabihin ay sama-sama kaming lahat sa iisang bahay? Okay na din naman para kahit papaano may makausap ako. Kaysa naman mag-isa ka sa ganito kalaking lugar. Baka mabaliw ka. Pagkalagpas sa sala ay apat na pinto ang nadaanan namin. Sa may pinaka-una niya ako dinala. Sa pinto ay nakalagay ang isang plakard. Nakasulat doon ang aking pangalana. Ang katabi ng sa akin ay kay Eliazar.

Ang ibig sabihin dalawa na kaming nakaligtas. Sino pa ang dalawa? Si Tres? Si Nathan? Kung nagkataon, ako lang ang nag-iisang babae dito sa bahay. Parang mas pangit 'atang tignan 'yon. Pwede ding si Lily. Huwag lang si Athena.

“What is the meaning of this?”

Sabay kaming dalawa ni Eliazar na napatingin sa nagsalita. Nagulat ako sa nakita. “Lily?” Wala na din siyang mga sugat. Parang okay na okay na siya mula sa ilang beses na pagkaka-untog ng ulo. Maikling maong short lang ang suot nito at isang off-shoulder. Wala itong sapin sa paa. Sa kaliwang kamay ay isang platito ang dala niya na may laman na cake 'ata yung kung hindi ako nagkakamali. Sa kanan naman ay isang tinidor.

“Yes, ako nga. The one and only Lily Cruz. Sa tingin mo ba ay ganon-ganon na lang ako mapapaslang? Gaga. Bida ako sa Wildflower, no? Galing na din ako sa Probinsyano at madami na akong natutunan kay Cardo. Lagi mong tatandaan na ang mga bida ay hindi namamatay. Buti nagising ka ng vakla ka. ” Nagtungo siya sa sala.

Nagkatinginan lang kami ni Eliazar.

“May bisita ba tayo? Narinig ko na naman kasi 'yung boses ng babaeng baliw.”

Napatingin ako sa isang pinto malapit sa kitchen na banyo 'ata. Isang lalaki ang lumabas mula doon na nakatapis lang ng tuwalya. Si Nathan!

Parehas kaming nagulat ng makita ang isa't-isa. Lalo na ako. Kahit ilang beses ng bumalandra sa akin ang kanyang katawan ay hindi ko pa ding mapigilang mamangha doon. Ang lalaki kasi ng mga muscles niya. Lalo na sa bandang braso at dibdib. Parang ang sarap pisil-pisilin. Gaano din kaya katigas ang kanyang mga abs? Ang kanyang tiyan? Tumutulo pa doon ang tubig. Halatang katatapos lang nitong maligo. Paano kaya kung matanggal ang nakatapis na iyon sa kanyang ibabang bahagi?

“Vakla, oh.” Lumapit sa akin si Lily at inabutan ako ng isang makapal na tuwalyang kulay pink.

Tingnan ko siya. “Para saan 'to?”

“Sa laway mo, tumutulo na eh. Vaklang to. Nabaril na't lahat-lahat ang libog pa din. Pinagnasaan mo na naman ang katawan ni fafa Nate. Oh,  ikaw,  Eliazar, inggit ka, no? Wala ka kasing katawan na ganyan. Century tuna lang, yan. Hindi ba, Nathan? ”

Tumango na lang ang lalaki habang nakatingin pa din sa akin.

“Pero sa kaso mo,  Eliazar,  hindi uubra ang century tuna body fit. Mega sardines ang sayo.”

“Finally,  gising ka na. ” Sa wakas ay nasabi ni Nathan. Biglang siyang nagpunta sa harap ko at walang ano-ano'y niyakap ako. Jusko. Hindi ko maiwasang may hindi maramdan sa ibabang bahagi nito. Jusko talaga. Parang ang init ng pakiramdam ko kahit sobrang lamig naman dito sa loob. Hinawakan niya ang balikat ko at tinignan ako mata sa mata. “Magbibihis lang ako.” Mabilis na pumasok ito sa pinakadulong pinto. 'Yung pang-apat. Sa kanya pala 'yon. Napapagitnaan nilang dalawa ni Eliazar si Lily.

Ilang minuto lang ay lumabas na ito. Nakasuot siya ng puting sando at itim na boxer short. Sa balikat ay may nakasampay na tuwalya habang nagpapahid ng basang buhok. Kita ang binti nitong makinis kahit mabuhok iyon. Ang hot niya pa ring tignan. Lalo na sa ganyang get-up. Jusko,  Lavinia, sa tiyan ka nabaril hindi sa utak kaya ayusin mo 'yang pag-iisip mo. Para kang mayak. Kadiri. Manyak agad? Hindi ba pwedeng marunong lang mag appriciate ng view? Ito na naman. Nagtatalo na naman ang dalawang bahagi ng aking utak.

Sabay-sabay kaming apat na nagtungo sa sala. 'Yung dalawang lalaki ang naupo sa mahabang sofa. Kami naman ni Lily ay sa isang pang-isahan na upuan na magkaharap.

Katahimikan. Parang may dumaang anghel ng ilang minuto.

“Gaano na ba ako katagal na walang malay at parang gulat na gulat kayong lahat na sa wakas ay nagising na ako?” Ako na ang bumasag na nakakabinging katahimikan na ito.

Nagkatinginan sila. Si Nathan ang sumagot sa tanong ko. “You've been in a coma.”

“Coma?!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa pagkagulat. Coma? Coma? As in comatose???!!!

“Oo.” Sagot ni Lily. “Coma,  ha? Hindi kama. Baka kung ano na namang ma-imagine mo na ginagawa ninyo ni Nathan.”

Hindi ko pinansin ang pang-aalaska ng babaeng baliw. Mas kinain ang isip ko ng mga sinabi ni Nathan.

“Yes.” Singit ni Eliazar. “In almost two weeks. ” Dugtong niya sa sinabi ni Nathan.

Coma? Two weeks? Whhhhhhhhhaaaaaaat?????????!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now