I Am Number Three

227 18 5
                                    

A Week After The Competition...

Nagising ako sa dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa kung saan. Idinilat ko ang aking mga mata. Galing pala iyon sa ilaw na nakatutok sa akin. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Para akong nanlalata. Iginalaw ko ang mga bahagi ng aking katawan. Mukhang wala namang paralisa doon kaya panigurado akong magagawa kong kumilos. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Nakagat ko ang aking mga labi ng maramdaman ko ang sakit na dumaloy mula sa aking likod. Fvck. Saan galing 'yon?  Isang salamin ang nasa harapan ko ngayon. A wall mirror. Nagmasid ako sa paligid. Puro mga aparatong hindi ko alam kung para saan ang nakapaligid sa akin. Pinagmasdan ko ang sarili. Mahigit sampu sigurong tubo ang nakakabit sa kung saang-saang bahagi ng aking katawan. Sandaling napahawak ako sa aking dibdib. Kinakapos ako ng hininga. Napapikit ako bago muling dumilat. Pinagmasdan kong maigi ang sariling reflection sa salamin.

.

.

.

..

.

.

.


.

.

.

Ano ang nangyari sayo, Tres?  Tumingin ako sa kawalan. Ano ang nangyari sa akin? Pinilit kong alalahanin ang lahat kung paano ako napunta dito at kung ano ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay....

Isang mainit-init na tubig ang gumising sa aming lahat mula sa pagkakahimbing. Nandito sila Eliazar, ang maingay na babae na si Lily, si Nathan na una pa lang ay parang may nararamdaman na akong kakaiba at si Lavinia. Ang kaibigan ko. Nakahinga ako ng maluwag. Isang maganda at masamang balita. Maganda dahil alam kong ligtas siya at masama dahil nandito siya at hawak kaming lahat ni Athena. Hindi na dapat ito nagtungo dito. Hindi na dapat.

Napatingin ako sa babaeng minahal at pinag-alayan ko ng puso. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa akin. Buong puso at matapat na inalay ko sa kanya ang aking sarili. Dobleng pagtataksil ang ginawa niya sa akin. Isang pagkakamali na hindi agad ako naniwala sa aking kaibigan. Isang malaking pagkakamali na siya pa ang babaeng minahal ko. Sana'y hindi ko na lamang siya nakilala. Naramdaman ko ang pananakit ng aking ulo. Gawa iyon sa pag-umpog sa akin ni Athena kahapon. Hindi ko pa pala talaga siya lubos na kilala. Patawarin sana ako ng kaibigan ko.

“Ohhhh myyyyyy gaaaaaaaad! ” Sigaw ni Lily. Nakakarindi ang kanyang tinig. “Mape-first degree burn ako dahil sa ginagawa mong malanding babae ka! Punyeta ka! Ilang balde ng gatas ng ina ang ginagamit ko sa aking malaporselanang kutis tapos ganito ang gagawin mo?!!!!! Hayoooooppp kaaaaaaaaa!”

“Tumahimik ka!” Sinampal siya ni Athena. “Matagal na akong rinding-rindi diyan sa boses mo. Paano kaya kung putulin ko na 'yang dila mo? ”

“Ikaw naman,  beshie. Hindi ka mabiro. Walang 'ganon,  Mars. ” Biglang bumait ito na parang anghel. “Nagpapatawa lang ako. Ayan si Eliazar,  oh. Pwede mo siyang patayin,  anytime. Sagot kita sa mga pulis. Malakas ako sa itaas kaya hindi ka mahuhuli, promise. Ako ang bahala sayo.”

Hindi niya pinansin ang babaeng baliw. Sa halip ay kay Lavinia siya lumapit. Sh!t. Magkakamatayan kapag ginalaw niya ang kaibigan ko. Ako na lang sana. Ako na lang. Lahat kami ay nakatali sa bawat puno. Pinipilit kong kumawala. Sana'y magtagumpay ako. Napansin kong ganoon din ang ginagawa ng babaeng baliw. Hindi ako makakapayag na may manakit sa kaibigan ko. Wala na siyang pamilya. Ako na lang ang maaring magtanggol at magprotekta sa kanya. Walang pwedeng manakit sa kanya lalo ka na Athena. Ang pagmamahal ko sa kanya ay agad natabunan ng sobrang galit.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now