046 - Eternal Garden

194 32 7
                                    

Eternal Garden

“Ano ang lugar na 'to?” Tanong ni Eli habang nakatingin sa bukana ng Eternal Garden.

“Malalaman na natin 'yan.” Nauna na akong pumasok.

Noong una akala ko libingan ito. Hindi pala. Puro magagandang bulaklak ang makikita dito. Iba't-ibang kulay. Iba't-ibang klase ng amoy. Nagkalat din sa kung saan-sang bahagi ang mga rebulto. Para saan ang mga bagay na ito?

“Ayon sa mapa dito natin makikita ang daan patungo sa second station.” Sabi ko sa mga ito. “Subukan nating maghiwa-hiwalay para mas mapabilis.”

Ganoon nga ang ginawa namin. Sa may bandang pa-kanluran ako naglakad at nagmasid-masid. Para din kasi itong isang maze. Madaming pasikot-sikot. Nakakaligaw. Gaano kaya kalaki ang lugar na ito? Napakasukal. Mukhang wala namang kakaiba dito. Kahit saan ka tumingin ay may rebulto kang makikita. Tulad na lang nitong nasa gilid ko. Isang babaeng may hawak na sanggol at sa isang kamay naman niya ay may isang batang paslit. Sa bawat noo ng obrang ito ay may nakasulat na.... June 21? Iyon ba ang araw kung kailan ito natapos? Kahapon lang? Parang totoong-totoo ang mga ito. Sino kaya ang gumagawa nito? Napakahusay. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa may naramdaman akong parang nakasunod at nakatingin sa akin.

Tumigil ako. “Guys?” Tawag ko sa mga ito. Walang sumagot. Mukhang napalayo na ako mula sa kanila. O baka sila naman ang kung saan napunta? Muli akong naglakad. May nadinig na naman akong yabag ng mga paa. “Kung sino ka man sinasabi ko na sayo huwag ako.” Banta ko sa kanya.

Mabilis akong humarap sa aking likudan pero wala akong nakita doon kundi mga dahong naglalaglagan mula sa malalagong punong nakapalibot sa lugar na ito. Medyo malakas ang hangin dito. Napatiim ang aking mga bagang. Mukhang may gustong makipaglaro sa akin. Tumalikod ako para ipagpatuloy ang paghahanap sa daan na paturunguhan namin. Siya namang pagdapo ng isang malakas na sipa sa aking pisngi na sinabayan pa ng malakas na suntok.

Natumba ako at napatungo sapo ang aking natamaang tiyan. Ang sakit 'non,  ah? Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi agad ako nakagawa ng aksiyon. Randam ko ang paglapit ng isang bulto sa akin. Isang ispada ang tumutok sa aking mukha.

“Huwag na huwag kang titingin sa akin kung ayaw mong ngayon pa lang ay tapusin na kita. Saan ko makikita ang daan patungo sa susunod na istasyon?”

Napakunot ang noo ko. Isang lalaki ang gumawa sa akin nito base na din sa kanyang tinig. Siya malamang ang naramdaman kong sumusunod sa akin. Sino ito para pagbantaan ako? Nagkamali siya ng kinalaban. Tatayo na sana ako pero mas dumikit pa ang kanyang sandata sa aking leeg.

“Sinasabi ko na sayo isang maling kilos mo lang ay pagsisihan mo.”

“Talaga lang, ha?” Sabi ko sa kanya.

Tinabig ko ng malakas ang ispadang nakatutok sa akin. Tumalsik iyon sa hindi kalayuan. Warm-up muna tayo. Pampainit lang. Mabilis akong tumayo at binato ito ng fire ball. Talsik siya sa mga ilang metro sa akin habang nakaupo. Tinignan ko ang reaction niya. Napakunot ang aking noo ng makitang nakayuko lamang ito. Hindi ko tuloy masilayan ang mukha ng lalaking papatumbahin ko. Tumayo siya na nasa ganoong ayos pa din at hindi man lang tinangkang magbaling na tingin sa akin. Anong trip ng isang 'to? Para siyang timang.

“Huwag ka ng lumaban kung gusto mo pang mabuhay.” Banta niya habang nakayuko pa din.

Aba, iba din , ha? Malakas ka ba? Sige. Tignan natin ang galing niya. Simulan na ang laban. Wala ba talaga siyang balak na tignan ako? Pirmi lang siyang nakatingin sa lupa. Pero bakit ko pa ba pinag-aaksayahang isipan ang bagay na 'yan? Wala naman akong pakielam sa kanya. “Gawin na natin.” Naghahamon na sabi ko sa kanya.

Ako na ang naunang lumusob patungo sa direksiyon niya. Ibibigay ko ang hanap niya. Wala akong pakielam kahit may gamit siyang ispada. Nadampot niya na iyon. Hindi ko na kailangang ilabas ang sa akin dahil sa pamamagitan lamang ng kamay ay kayang-kaya ko siyang pabagsakin. Nararamdaman ko ang kanyang enerhiya. Hindi ganoon kalakas. Sadyang mayabang lamang ang isang 'to. Paglapit ko ay iwinasiwas niya iyon patungo sa akin na agad ko namang naiwasan. Inulit niya ang kilos na iyon pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya ako nasugatan. Hinawakan ko ang kanyang braso. Gusto kong matawa sa posisyon nito. Nakatungo siya habang nakikipaglaban. Mamamatay ba siya kapag tinignan ako? O sadyang wala lang siyang interes na masilayan ang isang tulad ko? Well, ano man ang dahilan niya ay wala din akong interes doon. Sinipa ko siya mula sa kanyang tiyan. Mabilis naman siyang nakabawi sa sakit na dulot niyon. Buong pwersang muli niyang iniamba sa akin ang kanyang ispada. Umiwas ako. Isang suntok ang ipinagkaloob ko sa kanyang sentido. Tumumba ito. Hinayaan ko muna siyang namnamin ang hagupit ng pag-atake ko.

Tumayo siya. Gagawa pa sana siya ng sunod na pag-atake pero nahawakan ko siya mula sa likod at walang babalang itinumba ang lalaki sa lupa. Ingimudngod ko ang kanyang pagmumukha. Tutal, ayaw niya namang ipakita sa akin iyon, sige, makapal na alikabok na lamang ang makikinabang. Binitawanan ko siya. Mabilis na dinampot ko ang kanyang ispada at sa pagtayo nito ay dinaplisan ko siya sa kanyang balikat. Pasalamat siya at hindi sa leeg. Sinipa ko siya palayo sa akin. Nilapitan ko siya at tinuhod. Napalubod ito. Sinipa ko pa siya dahilan para patihayang matumba siya. Mabilis na hinawakan ko ang kanyang leeg. “Any last words?” Sabi ko sa kanya

Nakapikit pa siya at parang ayaw akong tignan habang nagpupumilit na makawala mula sa pagkakahawak at pagkakadagan ko mula sa kanya. Sandaling natigilan ako ng masilayan ang mukha nito. Oh, my goodness. Hindi ako maaring magkamali. Kilala ko siya!

“King?” Sabi ko sa kanya. Pinakawalan ko siya.

Nakita ko ang pagkunot sa noo nito. Mabilis siyang tumayo ay tumukong muli habang nakatutok sa aking ang kanyang ispada. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”

Ano bang mangyayari dito? Hindi niya ba ako nakikilala?  “Paanong hindi ko malalaman ang pangalan mo eh naging ka-grupo kita. Team Believer? Ako 'to, si Lavinia.”

“Huh?” React lang nito. Dahan-daham niyang itinaas ang ulo at iminulat ang mga mata hanggang sa maging normal na iyon. “Lavinia?”

Nginitian ko siya. “Naalala mo na ako?”

Tumango ito. Mas napangiti siya ng mas malawak. “Oo naman. Sino ba namang hindi makakaalala sayo?”

Inayos ko ang sarili. “Kung sana ay nakilala kita agad hindi na sana tayo nagtunggali. I'm sorry.” Hinging-paumanhin ko dito dahil sa mga sugat na naibigay ko sa kanya. Malay ko bang kakilala ko pala ito?

Umiling ito. “It's okay. Hindi talaga ako tumingin sayo dahil akala ko ikaw si Sari.”

“Sari?” Tinignan ko si King. Pasalamat ito dahil nalilala ko siya dahil kung hindi ay baka natapos ko siya ng wala sa oras. Matagal-tagal na din simula ng makita ko siya. Doon pa sa competition.

Sino naman ang tinutukoy nitong Sari? Isa ba siyang kaaway o kakampi?


**********

Marina is IN
King is IN

Sino naman kaya ang sunod na makikita nila? Ayan. Gusto ko kasi kahit papaano ay mabigyan din ng buhay yung mga naipakilala nang character sa Book 1.


*********

Happy Birthday to me bukas or pwede ding mamaya. 🎈🎁🎉🎂

Time Check : June 22 / 11:32pm

Ilang minuto na lang 22 na ako! 😂😂😂

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now