012 - She Is Bella

410 53 11
                                    

She Is Bella

Mortal World
Bella's POV

“Para na diyan sa tabi, Kuya.” Sabi ko sa driver ng tricycle na nasakyan ko.

Tuwing Huwebes lang ako nagastos ng pamasahe para sa sasakyan pagpasok at pag-uwi sa trabaho. Lagi kasing wala sa araw na 'to si Third. Hindi ko alam kung saan nagpupupunta 'yung isang 'yon pero tuwing Thursday talaga ay nawawala siya. Walang mintis yun, ha? Pero ano bang pake ko? Baka may raket lang 'yung unggoy na 'yun. Matanong nga minsan. Baka sakaling makasama pa. Malaking tulong din 'yun, ha?

Pumasok na ako sa loob ng building kung saan ako nagta-trabaho bilang waitress. Sa isang fast food chain na hindi masyadong sikat. Sakto lang ng sahod ko dito. Luging-lugi pa sa pagod dahil sa dami ng nakain dito. Mura kasi ang mga bilihin. Pero wala,  eh. Mahirap maghanap ng trabaho lalo na 'yung mataas ng sweldo kung wala ka namang natapos sa kolehiyo. Ang o-ogag nga ng mga kumpanya ngayon. Hahapan ka ng experience? Paano ka magkakaroong ng experience kung hindi ka nila iha-hired at bibigyan ng chance? Minsan ang dami pang hinihinging mga requirements, akala mo naman napakaki ng sahod eh minimun rate lang naman.

“Hey, girl. Pwede makahingi ng tissue?” Utos sa akin ng isang babaeng mukhang panda dahil sa kapal ng eyeliner nito habang nagma-map ako ng sahig.

Medyo madami na ang costumer. Alas-dies na kasi ng umaga. Pumunta ako sa counter at ibinigay ang hinihingi nito.

“Water,  please.” Utos naman ng babaeng kasama nung mukhang panda. Lima kasi sila. Tapos naman na ang mga ito sa pagkain pero mukhang wala pang balak umalis ang mga ito. Hindi na nila nakikita na maraming costumer?

Nagpunta ako sa counter at kumuha ng limang baso ng tubig. Ibinaba ko iyon sa tabel ng mga ito.

“Paki-order pa nga ako ng rice.” Mala-donyang utos naman 'nung kasamang mataba ng mga ito.

Doon na ako huminto sa ginagawa para harapin ang mga abusadong ito. “Para sabibin ko lang po sa inyo, ha? Hindi po ako maid dito. Ipapaalala ko lang din po sa inyo.” Itinuro ko sa kanila ang mga karatula na may nakasulat.  “Self-service po tayo dito.” Kahit naiinis ay magalang pa din ang pagkakasabi ko sa kanila niyon.

“Eh,  gago pala 'to, eh! ” Medyo mataas ang pagkakasabi nung isang babaeng mukhang adik na kasama ng mga ito. Ibinagsak pa niya ng padabog ang mga kubyertos na hawak May mga ilang costumers tuloy ang napatingin sa amin. “Gusto kong makausap ang manejer ninyo!” Tumayo pa ito.

Akala mo naman kung sino ang isang 'to eh para namang nanghihingi lang siya ng ulam sa mga kasama niya. Nginitian ko siya. Sanay na sanay na ako sa mga ganitong costumer kahit na tatlong buwan pa lang ako dito. Habaan ang pasensiya ang pinaka-unang rule na dapat gawin. Pero parang ang hirap-hirap 'nun gawin lalo na kung makakaharap mo ang mga bastos na tao tulad ng mga ito. “Pasensiya na po pero wala dito ang Manager namin at kung nandito man malamang sa malamang baka hindi ka rin po niya harapin dahil napaka-busy niyang tao. Mas marami pa siyang dapat unahing mahahalagang bagay.”

“Sumasagot ka pa!” Sigaw 'nung isang babaeng katabi ng mataba. Nasa amin na tuloy ang lahat ng atensiyon.

Nagulat ako ng buhusan niya ako ng isang baso ng tubig. Napapikit ako. Jusko. Bigyan po Ninyo ako ng mahabang pasensiya sa mga bakulaw na ito. Hindi ko na lang sila papansinin dahil ayoko ng gulo at mas lalong ayokong mawalan ng trabaho. Lalo na sa sitwasyon naming ito.

Aalis na sana ako para magpalit ng uniform ay hindi pa man ako nakaka-isang hakbang bigla na lang hinila noong mukhang panda 'yung buhok ko. Ah,  iba na to.

“Ang kapal naman ng mukha mong talikudan kami! Pera namin ang nagpapa-sweldo sayo!”

Sasampalin sana ako nito pero nagawa kong mahawakan ang kanyang kamay ng sobrang higpit. “Talaga ba? Hindi ko na sana kayo papatulan,  eh. Pero parang naghahanap kayo ng gulo.”

Sinampiga ko ang babaeng panda gamit ang kabilang braso. Napa-urong ito marahil dahil sa sobrang sakit na idinulot niyon. Hahawakan sana ako 'nung dalawang kasama nito pero mabilis na pinag-untog ko ang mga ito. Napa-upo ang mga ito sa bangko. Isang malakas na sipa naman ang ibinagay ko doon sa matabang kamukha ni Majin Boo ng tangkain niyang batuhin ako ng mga baso. Tumilapon ito sa kabilang table na may kumakain pa. Inginud-ngod ko naman sa lamesa 'yung mukhang adik. Mga gagong babae na 'to.

Nakita kong nagsilabasan 'yung ibang costumer. Bwiset na mga 'to. Sinasagad talaga ang pagtitimpi ko. Kinuha ko 'yung mga tirang pagkain sa kabilang table at ibinato sa mga pagmumukha nila. Dahil sa kahibiyan ay mabilis ng umalis ang mga ito.

Bwiset. Inayos ko ang aking ang sarili at ang lahat ng kalat na nagawa. Ang daming nabasag na pinggan at baso. Paniguradong charge 'to sa akin. Bwiset talaga. Bawas na naman sa sweldo ko. Pero okay na din. Ang mahalaga nakaganti ako sa mga kupal na 'yon. Akala ba nila aatrasan ko sila? Neknek nila, no? Ako pa ba? Ito ang first time na pumatol ako sa costumer. Ito din naman kasi ang first time na naka-encounter ako ng mga walang modong babae.

May ilang costumer na nadito pa na tinitignan ako na may halong pagkamangha. Nakita siguro nila kung paano ko nilampaso ang mga bruhang 'yun. Hindi ako basagulera. Sadyang hindi lang ako nagpapa-api kung kani-kanino. Lalo na sa mga baluktot na mga tao. Marunong akong makipaglaban kaya huwag nila akong hahamunin. Ewan ko ba kung saan ko 'to natutunan pero tuwing nasa panganib o kailangang lumaban ay kusang lumalabas ang galing ko. Kaya walang sino man ang nakakasakit pa sa akin. Kung wala nga lang patalim na dala ang mga tambay sa kanto namin ay kayang-kaya ko silang pataubin.

Mayamaya ay nilapitan ako ni Mimi, yung kasama ko sa trabaho. Kakausapin daw ako ni Boss pagdating niya. Tinignan ko ang iba pang ka-trabaho ko. Paniguradong isa sa mga ito ang nagsumbong sa nangyari. Mga sipsip talaga. Isunod ko kaya ang mga ito? Bwiset kasi na mga babaeng 'yun!

*******

Nathan's POV

Pwede ba kitang ligawan?”

Habang nakahiga sa kama ay hindi ko pa din maalis sa aking isipan ang sinabi ko kay Lavinia. Mga bandang alas-dos na at wala na akong nadidinig kahit isang ingay. Tulog na marahil 'yung tatlo. Hah! Ligawan si Lavinia? Nasisiraan na ba ako ng ulo? Ano ba 'tong nagawa ko?

Ayaw akong dalawin ng antok kaya naisipan kong lumabas na lang muna at magpahangin sa malawak na sport complex. Mula dito ay tanaw ang kabuuang gusali ng Presedential Buliding. Tumingin ako sa napakaraming butuin sa kalangitan.

“Mom... Dad...  Para sa inyo 'to.”

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng parang may nakita akong bulto ng isang nilalang sa may veranda ng office ni Head Master. Tanaw kasi mula dito ang office niya. Napakunot ang aking noo. Baka siya 'yon. Nandon pa ba siya sa ganitong oras? Saglit lang itong tumingin sa labas bago muling pumasok sa loob.

Hmmmmm. Ano bang plano ko kay Lavinia? Kanina,  pagkasabi ko niyon sa kanya ay imbes na sagutin ay mabilis itong pumasok sa kwarto nito. Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Pero wala,  eh. Napasubo na ako. Sasagad-sagadin ko na. Pakiramdam ko malaking tulong siya sa mga plano ko. Mukhang hindi naman ako mahihirapan sa kanya. Sana lang.


First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now