050 - The Six?

208 24 11
                                    

The Six?

💓💓💓💓💓

“Holy shit.” Naiusal ni Nate ng halos maabutan na kami ng mga buffalo.

Mas binilisan pa namin ang aming pagtakbo. Nakasunod pa din ang mga ito. Talagang plano nila kaming suwagin.

“Guys, tignan ninyo ang mga 'yun, oh!” Turo ni King ng sa hindi kalayuan ay may mga bagay na makikita.

Nang makarating kami sa bandang iyon ng disyerto ay may nakita kaming tatlong motor doon. Paano ito napunta dito? Kaysa mag-isip pa ng kung ano-ano ay sumakay na lamang kami doon. Si Lily at Eli ang magkasama. Si King at Marina naman ang nasa kabila. Nasa pangatlo kami ni Nate.

“Are you ready?” Tanong niya sa aking mula sa kanyang likod.

“Yes.” Sagot ko sa kanya. Medyo makipot at maliit ang motorsiklong ito kaya naman halos nakadikit na ako sa kanya. Naamoy ko na nga ito. Hindi naman maasim. Amoy chocolate pa nga. Hey, Lavinia. Ano na naman 'yan? Focus.

“Hindi ka ba yayakap? Mabilis ako magmaneho.” Sabi nito na parang nanunukso.

“I can manage. Kaya ko ang sarili.” Imbes ay sagot ko sa kanya.

-Kaya mo pala eh bakit ka umangkas? Tumakbo ka na lang sana. Sabi ng isang parte ng utak ko.

Mabilis na pinatakbo ng mga ito ang sasakyan pero parang walang silbi din ang mga iyon dahil hindi man lang kami nakakalayo sa mga ito kahit kaunti. Nagpaikot-ikot kami sa buong disyerto hanggang sa mapuno ng usok ang paligid. Peste. Ang sakit niyon sa mata. Patuloy lamang na tumatakbo ang mga motor na nasasakyan namin at patuloy lang din sa paghabol ang mga buffalo hanggang sa makarating kami sa isang bangin. Oh,  no. Dito na matatapos ang lahat. Hindi para sa amin kundi para sa mga hayop na 'yan.

Bumaba kaming lahat at humarap sa mga ito na ngayon ay nakaharang na sa daan na maari naming malusutan. Napakadami nga nila. Oras na para itigil ang pagtakbo at lumaban.

Sabay-sabay na sumugod ang mga ito. Inihanda ko ang aking sarili. Magbabayad sila sa pang-iistorbo sa amin. Bago pa lamang ako maglalabas ng enerhiya ng bigla akong napasigaw sa kinatatayuan dahil isang malakas na kapangyarihan ang humila sa amin paibaba sa buhanginang kinatatayuan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Katahimikan.

.

.

.

.

.

.

.

Kadiliman

.

.

.

.

.

.
Peste. Ang sakit ng likod ko. Mukhang tumama iyon sa isang matigas na bato.

“Ano 'to?” Boses iyon ni Eli.

“Nasaan tayo?” Si Marina.

“Nasa Sogo Hotel.” Hindi na kailangang itanong kung sino ang nagsalita na iyan.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now