045 - LavAn?

215 36 20
                                    

LavAn?

“Pero hindi doon natapos ang lahat.” Pagpapatuloy ni Marina sa kanyang kwento. “Akala ko nooong nakatawid ako sa kabila makakauwi na ako. Hindi pa pala. Simula pa lang pala iyon. Nandiyan na nagkaroon ng maraming buhawi, sumisid sa ilalim ng karagatan at nahulog sa isang mapanganib ng bangin. Napakatindi ng parusa sa mga natalo.”

“Pero nagawa mo pa din namang makaalis doon.” Sabi ko sa kanya. “Naipakita mo pa din naman sa lahat na hindi ka basta-basta sumusuko. Panalo ka na din sa bagay na iyon.”

Ilang minuto pa ang ginugol namin sa paglalakad ng may nadinig kaming paparating na sasakyan. Isang bus!

“Salamat naman.” Sabi ni Lily na puro pawis na. Pinara nito ang sasakyan at tinignan ang driver. “Kami ang The Four. Pasakayin mo kami kung hindi ay papaslangin ko ang mag-ina mo. Hawak ko sila. Charot.” Kahit wala pang binibigay na hudyat ng pagpayag ang driver ng bus ay basta na lamang  siyang sumampa doon.

Sumunod na lamang kami sa kanya. Sakto. May lima pang bakanteng upuan. Tumabi si Eli sa isang ginang na nasa harap. Sa may pinaka-likod naman umupo sila Lily at Marina. Magkatabi naman kami ni Nate sa upuan. Umandar na ulit ang sasakyan. Ang sakit ng mga paa ko, ah? Ngayon na nga lang pala ulit kasi ako nakapaglakad ng malayo. Saan kaya pupunta ang ibang mga nakasakay dito? Baka dito sila nakatira?

“Lavinia.”

Napatingin ako kay Nate ng sa kahabaan ng byahe namin ay binanggit niya ang pangalan ko. “Ano 'yun?”

Nadinig ko ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga. “Tungkol doon sa tinanong ko sa'yo.”

“What do you mean?” Ganting tanong ko sa kanya. Relax ka lang, Lavinia, ha? Huwag mag assume. Marami na siyang itinanong sa akin. Maaring hindi iyon ang ibig niyang sabihin.

“Uulitin ko na lang... Pwede ba akong manligaw?”

Nabaling ang tingin ko sa labas bintana ng madinig ang mga sinabi nito. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ngayon,  wala na akong way para iwasan ang tanong na iyon. Alangan namang bumaba ako sa bus? Beside,  bakit kailangan kong iwasan? Hindi agad ako sumagot. Akala ko nakalimitan na nito iyon. Nag-ipon ako ng lakas ng loob. Sandali. Wait lang, ha? “Bakit ako?” Tanong ko sa kanya. Hindi sa ayaw ko. Ang ibig ko lang sabihin is mas marami naman diyang magaganda na tiyak kong hindi pa man siya nagsasalita ay handa na siyang pakasalan.

“Bakit naman hindi ikaw?” Ganting tanong nito.

Nagsalubong ang mga mata namin. Nag-iwas ito ng tingin. Sa sobrang lakas ng ugong ng bus na ito ay nakakatiyak naman akong kung ano man ang sasabihin nito ay ako lamang ang makakadinig. Open air ang sasakyan. Hindi ito tulad ng iba na may aircon at flatscreen tv, at may wifi pa. Mukhang isang ulan na lang at bibigay na ito ng tuluyan. Kahoy lang din ang upuan.

“Bakit ikaw?” Ulit nito sa tanong ko. “Hmmmmm. Paano ba 'to? Gusto kita sa kung sino o kung ano ka pa man, and I don't wish to change you into someone else. I like for what and who you are. I want to be with you and stand by you even through  the worst of times. Gusto ko kung paano ka magalit, kung paano ka magsalita, kung paano ka kumilos. I like everthing about you. I like you.”

Nakitingin lamang ako sa kanya habang binibitawan niya ang mga salitang iyon. Ramdam na ramdam ko ang sindseridad sa boses nito. Gusto niya ba talaga ako? Muli akong umiwas sa kanyang mga tingin dahil para akong tinutunaw niyon. Ilang gabi ko na din itong pinag-isipan.

“Okay.” Sabi ko kanya.

“Huh? Okay? Do you mean, pwede na kitang ligawan?” Kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay ramdam kong nakangiti siya.

Yes. Wala naman na sigurong masama kung pagbigyan ko na ito para mas makikila ko din siya ng lubusan. Ngayon ko lang ito ginawa kaya medyo kinakabahan ako. Oo. Aaminin ko na. Gusto ko din siya at parang hindi ko kayang pigilan ang bagay na iyon. Sana lang ay hindi naging mali ang desisyon ko

Humarap ako sa kanya. Tinanguan ko siya.

Nanlaki ang mga mata nito sa tuwa. “Yes!” React pa nito na parang nanalo sa kung saan. Umakma itong yayakap sa akin.

“Hep.” Mabilis na naiharang ko ang aking kamay sa pagitan namin. “Ang sabi ko lang, pwede na. Iyon lang.”

Kahit naman gusto ko din siya ay hindi naman agad-agad ako papayag na basta na lamang niya akong makuha. Kailangan niya munang maipakita sa akin na totoo ang lahat ng mga binitawan niyang salita. Tignan natin.

“I'm sorry. Nadala lang. Thank you, Love.”

Napatingin ulit ako dito. “Anong love? ”

“Love? Ahhhh. Short for Lavinia?”

“Ahhh. Okay.” Parang ang akward naman niyon.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa dulo. Kami ang pinaka-huling bumaba. Pagkatapos niyon ay nag u-turn na ang bus at bumalik na sa kung saan mismo ito marahil nanggaling.

“So, what's the plan?” Tanong ni Eli.

“Nandito na tayo sa pinankadulo ng Nintendo.” Sabi ko sa mga ito. Kinuha ko sa bag ang dalang mapa. “Ang sabi dito kailangan nating mahanap ang ----- ”

“Eternal Garden.” Putol ni Nate sa sasabihin ko.

Napatingin ako sa kanya. “ Yes. Oh,  wait. Paano mo nalaman?”

Nginitian niya ako. “Ayan na siya.” Sinundan naming lahat ang tingin niya.

Isang malawak na hardin sa hindi kalayuan. Sa isang malaking bato na nasa harap ay naka-ukit ang mga salitang Eternal Garden. Bukod doon,  wala ng ibang makikita dito kundi mga puno at damo.

“Lavinia.”

Napatingin ako kay Lily ng tawagin niya ako. “What?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Kay Nate naman ito tumingin. “Nathan.”

“Ano?”

“Umayos kayong dalawa, ha? Hindi ito ang oras para kumirengkeng kayo. Ay,  nako. Huwag ninyo akong susubukan.”

Nagkatinginan kami ni Nate. Nakikinig ba ito sa usapan namin kanina? Paano? Nasa pinakalikod kaya ang mga ito samantalang kami naman ay nasa gitna.

“Ano na naman 'yang pinagsasabi mo, Lily?” Tanong sa kanya ni Marina.

“Huwag kang magsasalita hanggang hindi pa kita kinakausap. Hello, 911? May sira-ulo po dito. Pakidampot ninyo na.”

“Wow, Lily.” Sabi naman sa kanya ni Eli. “Sobrang benta ng joke mo. Lagyan natin ng tax?” Natutuwa ako na kahit papaano ay pinipilit nitong maging normal ulit at kahit papaano ay ngumiti kahit mahirap.

“Iyang mukha mo gusto mo lagyan natin ng tax? Thumb tax?” Dinuro niya naman kaming dalawa ni Nate. “Tigil-tigilan ninyo 'yang relasyon ninyong mala-king and queen, ha? KINGina walang QUEENta.”

“Joke 'yun?” Imbes ay react dito ni Nate. “Condolence.”


******

RIP sa mga hindi naka-gets sa title ng chapter na ito. 😂😂😂

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now