019 - Her Twin

296 43 19
                                    

Her Twin

Mabilis kaming nakadating sa Allegiat. Pinuntahan namin ang susunod na bahay ng biktima. Nadatnan na namin doon sina Lily at Nathan. Parehas bagsak ang balikat ng mga ito.

“Anong nangyari, guys?” Tanong ni Eliazar sa dalawa.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang mga ito. Pumasok ako sa loob ng kahoy na bahay. Magulong gamit ang tumambad sa akin... at isang lalaki at babaeng mag-asawa marahil na naliligo sa sarili nilang dugo. Jusko.

Lumabas ako dahil hindi ko matagalan ang nakikita.

“Naunahan na nila tayo.” Sabi ni Nathan.

Nagngalit ang aking mga bagang. “Magbabayad ang kung sino mang mga gumawa nito. Kailangan na nating kumilos din ngayon agad-agad. Mahirap ang lagay natin sa mga oras na ito dahil hindi natin nakikita ang ating kalaban. ”

“Anong plano mo?” Lumapit sa akin si Nathan.

Pinakita ko sa kanila ang folder na hawak. “Nandito pa ang talong mawawala simula bukas at sa mga susunod pang araw. Hindi maaring may makuha pa sila. Kailangan nating makita ang tatlong natitirang 'to ngayong gabi din. Let's go.”

Sa gamit na sasakayan na lang nila Nathan kami sumakay. Van kasi ang dala ng mga ito. Si Nate ang nagmamaneho. Nasa backseat  ang dalawa. Kami ang magkatabi. Saglit kaming nagkatitigan. Ako na ang unang nagbawi ng tingin. Nagsimula siyang paandarin ang sasakyan. Sa pangatlong nation ang destinasyon namin.

Sa bukana pa lang ng Erudite ay grabe na ang segurudad. Pero ng mamukhaan nila kami ay hindi na kami tinanong o inusisa pa. Pinalampas na nila kami sa check point. Isa iyon sa mga privilege na mayroon kami. Tinignan ko ang address ng babaeng pupuntahan. Sa isang condominium kami dinala niyon.

“Room 904.” Sabi ko sa mga ito.

Pagdating sa 9th Floor ay hinanap namin ang pintuang may numerong kwatro. Mabilis naming nakita iyon. Ako na ang kumatok. Isang magandang babae ang nagbukas niyon.

“Yes?”

Sinenyasan ko lang si Eli na siya na ang bahala. Makalipas lang ang ilang sandali  ay kasama na namin ang  babae sa pagbaba  ng guasali.

Naging ganoon lang din kadali ang pagkuha namin sa babaeng taga Dauntless. Hindi na kami nakaagaw ng atensiyon. Mas mabuti na 'yon. Magkakatabi ang mga ito sa likod ng sasakyan habang dinadaldal ni Lily.

Ngayon ay nandito na kami sa Divergent, ang pinaka asensado at mayamang nasyon sa buong Athens. Nasa tapat na kami ng pintuan ng huling babae. Si Lily na ang kumatok sa pinto. Matagal iyon bagi nagbukas.

Makalipas ang mahigit isang minuto ay lumitaw mula sa likod ng pinto si Jilliana Jayce. Iyon ang pangalan niya ayon na rin sa data na nakasulat tungkol sa kanya.

“Anong kailangan ninyo?” May kaangasang tanong nito.

“Mag-aalok lang kami ng sabong pampakinis.” Sagot ni Lily dito. “Huwag kang mag-alala hindi kami networking.”

“Wala kong panahon sa inyo.” Isasara na niya sana muli ang pinto pero mabilis ma nahawakan iyon ni Nathan para mapigilan.

“What the hell?!”

“Kailangan mong sumama sa amin. ” Sabi ko sa kanya. “Nanganganib ang buhay mo dito.”

Hindi maipinta ang kanyang mukha. “At bakit naman ako sasama sa inyo? Hindi ko nga kayo kilala. Mga baliw ba kayo?!”

“Wala na akong time para mag-explain.” Sa halip ay sagot ko sa kanya. Sinenyasan ko si Eli. “Ngayon na.”

Bago pa nito mapasok ang isipin ng babae ay nagulat kaming ng may enerhiyang lumabas sa kanyang mga kamay. Ipinatama niya iyon kay Eli. Talsik ito sa pinaka-dulong pader. Ano 'yun? Isa siyang Elemental Keeper? Kung ang pagbabasehan ay ang kapangyarihang lumabas sa kanyang mga kamay ay parang ganoon na nga. Nagkatinginan kami ni Nathan. Isang ice keeper. Ito lang ay may kakayahan na ganoon sa lahat ng babaeng nasa listahan.

Dahil sa pagkagulat ay nakatakbo na ito palabas. Pero hindi sapat para tuluyan siyang mawala sa paningin namin. Naglabas si Nathan ng earth ball at ipinatama dito. Tumumba ito ng walang malay sa sahig. Papahirapan pa kami.



*********



Mortal World
Bella's POV

“You're fired, Bella. I'm so sorry. Kailangan kasi nating magbawas ng mga tao ngayon. Hindi masyadong maganda ang akyat ng benta natin. I hope you understand. ”

Habang naglalakad pauwi sa bahay ay hindi ko pa din maiwasang isipin ang mga sinabing iyon ng may-ari ng pinapasukan kong fast food. Bwiset. Oo. Tinanggal ako sa trabaho. Bwiset kasi ang mga kasama kong sumbungera. Mga sipsip. Pwe. Pero mas nakakapag-init ng ulo talaga 'yung mga naka-away ko tatlong araw na ang nakakalipas. Kung alam ko lang na masesesante ako ay baka binalian ko na ang mga 'yon. Sinagad-sagad ko na sana. I'm so sorry daw? Neknek niya. Lolo niya lokohin niya. Sorry, sorry ka pa diyan. Kung you feel sorry ka talagang gago ka edi sana hindi mo ako tingggal. Ulol.

Kailangang magbawas ng tao? Mukha mo. Mary hiring pa ngang nakapaskil sa labas tapos sasabihin niya magbabawas daw? Nakakapag-init talaga ng dugo. Oo. Naiintindihan ko. Wala kaya akong choice kundi intindihin. Wala naman kaming choice na mga empleyado kundi ang sumunod sa lahat ng sasabihin ng mga amo namin. Ganon 'yon, hindi ba? Buti na lang at talagang ipinagpapasalamat ko ay hindi niya na ikinaltas sa huling sahod ko ang mga nabasag. Haaay. Buhay talaga.

Kaya eto ako ngayon. Kagagaling ko lang kung saang-saang lupalop ng kamaynilaan. Naghahanap ako ng trabaho. Sa awa ng Diyos,  ayun,  puro “tatawagan ka na lang namin.” ang sagot ng lahat ng pinasahan ko ng biodata. Bwiset. Hindi ba tapatin na lang nila ako kung hindi ako qualified ng hindi ako umaasa. Saglit akong napatingin sa mga namamalimos sa kalsada. Baka ilang araw lang ay ganito na din ang ginagawa ko.

Binatukan ko ang sarili. No, Bella. Makakahanap ka din agad ng trabaho. Tiwala lang. Magaling ka at maganda. Ikaw pa ba? Easy lang 'yan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kaya ko 'to. Tiwala lang.

Pagdating sa bahay ay isang eksena ang gumulat sa akin. Si Aling Chocolate! Inilalabas na ang mga gamit namin! Oh,  my gulay! Mga pesteng 'to! Anong karapatan nila?!

Mabilis na nilapitan ko si Nanay na kanda-awat sa mga alalay ni Chocolate sa paglalabas ng mga gamit.  “Hoy! Ano 'tong ginagawa ninyo?! Trespassing 'yan, ha!” Binalingan ko ang aking ina. “Ano ho bang nangyari?”

“Bigla na lang silang dumating,  anak.” Paliwanag nito habang umiiyak. “Wala na akong nagawa. Malaki na daw ang atraso natin”

Nilapitan ko ang malaking baboy na parang donya kung mag-utos sa mga alagas nito.

“Aling Chocolate, parang mali naman na 'ho 'yang ginagawa ninyo.”

Nag pameywang pa ito. “Anong mali?! Mas mali ang ilang buwan ninyong hindi pagbabayad,  no!!! Ano, Bella? Da-dramahan mo na naman ako at papangakuan na magbabayad sa ganitong araw at ganitong buwan????!!! Ayyu nako! Wala ng panga-pangako. Maghanap na kayo ng malilipatan! ”

Napapikit ako habang nagtitimpi. Kung pwede lang talagang manapak. Kinuha ko sa bag ang huling sahod na natanggap ko. Ibinigay ko iyon dito. Nakataas ang kilay na binilang nito iyon.

“Kulang 'to ng 100 pesos. ” Sabi niya sabay silid niyon sa kanyang bag na mamahalin daw pero peke naman.

Walang patawad sa isandaan? “Baka ho pwedeng sa susunod na lang. Gagawin ko pong dalawandaan.” Sabi ko na lang para tumugil na ito.

Dinuro niya ako. “Siguraduhin mo lang,  ha? May pera naman pala pintagal pa ang pagbabayad. Boys, let's go! ” Umalis na nga ang mga ito.

Naiwan kami at ang gamit namin sa labas. Nilapitan ko ang aking ina na patuloy sa pag-iyak. Pinunasan ko ang mga luha nito. Isa iyon sa mga bagay na ayokong makita. “Tama na po. Huwag kang mag-alala hindi ako papayag na mawalan tayo ng tirahan, Nay.”

Tumango lang ito.

“Kumusta nga po pala si Camilla?”

.
.
.




.

.
.

.

.
.
Siya ang kakambal ko... na nakaratay sa ospital.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now