031 - Double Keeper

248 35 15
                                    

Double Keeper

LAVINIA'S POV

Ano 'tong nangyayari sa akin? Iyon ang nasa isip ko habang nakatingin sa kawalan. Nandito ako sa isang madilim na parke sa loob din naman ng Head Quarters. Makalipas ang isang oras ay nagawa naming puksain ang mga halimaw na pinadala ng mga hindi pa namin nakikilalang kalaban. Matapos mag usap-usap at magplano saglit ay nagpasya ang lahat na magpahinga na. Maaga pa kami bukas para isagawa ang plano namin. Pero nandito ako ngayon sa isang sulok. Naka-upo sa malaking bato habang nagmumuni-muni.

Malapit na sigurong mag-alas-kwatro. Tinignan ko ang aking palad. Huminga ako ng malalim.

“Maari mo bang ipakita sa akin ang iyong ginawa kanina?”

Isa.


..

.

Dalawa.

.

.

.

.
Tatlo

.

.

..
....

.

Nanlaki ang aking mga mata ng walang ano-ano'y may lumabas mula doon na isang enerhiyang binubuo ng hangin. Ano ang ibig sabihin nito? Sa isang kamay ay naglabas ako ng apoy.
.

.
.
.

.
..

.
..

.

.
.
.

.
.
Posible kaya ang nasa isip ko ngayon? A double keeper. Ang ibig sabihin niyon ay pagkakaroon ng dalawang elementong kayang kontrolin. Iyon na nga kaya ang kasagutan sa mga nangyayari sa akin? Medyo naguguluhan ako. Pero kung ganoon pa man ay malaking tulong na ito para sa akin. Sino ba ang hindi matutuwa para sa dagdag na kapangyarihan? Marahil ay ito ang nararamdaman kong kakaiba noong mga panahong nasa isla pa kami. Ito na nga kaya 'yon?

Pero bakit ako? Bakit bigla na lamang itong lumitaw sa akin? O baka naman ngayon ko lang natuklasan? Ah ewan. Hindi ko alam. Ibinaba ko ang mga palad. Nagpalinga-linga ako sa paligid. May nakita akong isang kahoy. Masubukan nga ito.

“Inuutusan kita. Lumabas ka.”

Para akong timang na kinakausap ang aking kamay. Pero mukhang effective naman. Naramdaman ko ang paglabas doon ng enerhiya. Susubukan ko ngayon na pagalawin ang bagay na 'yan. Kahit mahirap ay nagawa ko siyang maitaas haggang sa akin. Pero hanggang doon na lamang iyon. Hindi ko nakontrol ang pagbagsak ng kahoy. Tama sa aking ulo. Hindi naman ganoon 'yun kasakit. Muli kong pinagmasdan ang aking mga palad. Isa ka bang biyaya mula sa Maykapal? Sana naman. Maraming salamat po. Napangiti ako. Isang napakagandang regalo. Kung dati ay naguguluhan pa ako ngayon ay hindi na. Ilang beses na 'tong nangyari. Kumbinsido na ako na maaring taglay ko din ang elemento ng hangin. Makakatulong ito sa amin. Lalo na siguro kung magagawa ko na itong kontrolin at pag-aralan. Darating din siguro sa mga oras na iyon. Basta ang nararamdaman ko parang may nadagdag na lakas sa aking katawan. Ngayon ko lang din napagtatanto ang mga ilang bagay-bagay. Medyo bumilis nga ang aking paggalaw at pati na din ang paghihilom ng sugat. Hindi na din ako ganoon kabilis mapagod. Dahil kaya ito sa bagong kapangyarihang natuklasan ko?

Posible nga kayang mangyari ito? Dalawa lang 'yan, eh. Maaring nasa akin na talaga ang kakayahan na ito at ngayon lang lumabas o pwede ding basta na lamang napunta sa akin. Mas kapani-paniwala at convincing ang unang dahilan. Pero kahit ano pa man iyon nakaktiyak akong malaki ang pakinabang nito sa akin.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya na akong bumalik sa tirahan namin. Pagpasok ko doon ay nadatnan ko si Eli na nagkakape habang nanonood sa TV.

“Hi. Hindi ka natulog?” Tanong ko sa kanya. Dumiretso ako sa ref para kumuha ng tubig.

“Hindi na ako dinalaw ng antok,  eh. ” Sagot niya sa pagitan ng pagkain sa hawak niyang junk food 'ata 'yun.

Umupo ako saglit sa sofa kung saan din siya naka-pwesto. “Nakakapagod ang araw na 'to.”

“Sinabi mo pa. Pero okay na din atleast nakapag-work out tayo. Pwede ba akong magtanong?”

Napatingin ako sa kanya. “Ano 'yun?”

Matagal bago ito nakasagot. “Air keeper ka din ba?”

Medyo nagulat ako sa tanong niya. Huminga ako ng malalim. “Ang totoo hindi ko alam. Basta na lamang itong lumabas sa akin.”

“Talaga? Ang galing naman. Ako kaya? May chance din kaya akong maging Elemental Keeper?”

Napakunot ang noo ko. “Gusto mong maging isang keeper?”

Tumango ito. “Ang astig kasi. Para kahit papaano ay makasabay din ako sa inyo.”

Ngumiti ako. “Mas astig nga ang kakayahan mo. Imagine,  kaya mong basahin ang iniisip ng iba. Pwede mo din silang utusan.”

“Pero 'yung iba lang. Mayroon pa din hindi masakop ng kakayahan ko.”

Katulad ko? “May kahinaan din naman ang mga elemental keeper tulad ng iba. Huwag mo ding iisipin na hindi ka malakas. Pantay-pantay lang tayo. Sadyang magkakaiba lang tayo ng ating pamamaraan ng pagpapamalas ng kapangyarihan. Saka baka malay mo mayroon ka pa din hindi natutuklasan sa sarili mo.” Tinapik ko ang kanyang braso. “Magaling ko. Ako na ang nagsasabi sayo.”

Ngumiti ito. “Salamat, Lavinia.”

“No problem.” Tumayo na ako. “Oh,  paano? Magpapahinga na muna ako kahit saglit lang. May gagawin pa tayo bukas---oh, I mean mamaya pala.” Umaga na nga pala.

“Wait. May isa pa akong tanong.”

“Ano 'yun?”

Katahimikan.

.

.

.

.

.
..

.

.
...

.
“Nanliligaw ba sayo si Nate?”

Muntik na akong mapaubo sa tanong nito. “Saan mo naman nakuha ang nakakatawang ideya na 'yan?”

Nagkibit-balikat lang ito. “Wala lang. Medyo nahahalata ko lang na madalas siyang dumikit sayo.”

Hmmmm. Hindi naman, ah? “Nagkakataon lang siguro. Saka hindi lang naman siya ang nalapit sa akin. Si Lily at maging ikaw man. So meaning nililigawan mo din ako?” Ang galing,  Eli.

“Pwede ba?”

“Huh?” Ano daw?

“Ang ibig kong sabihin lalaki din ako. Alam ko japag may gusto ang katulad ko sa isang babae.”

Tinawanan ko na lang siya. “Telephatic ka nga. Ang lakas mong mag-imagine. Walang ganon.”

Hindi ko alam pero parang biglang nagliwanag ang mga mga mata nito.  “Ang ibig sabihin hindi talaga siya nanliligaw sayo?”

“Ahhhmmmm. ” Sinabi niya isang beses na manliligaw siya pero parang wala naman na 'yun. Bakit,  Lavinia, gusto mo talaga siyang ligawan ka? Hindi naman sa ganoon. Hindi ba wala nga akong oras sa mga ganyan. “Hindi. ” Sagot ko na lamang.

“Great.” Sabi nito hanabang nakangiti.

Napailing na lang ako at pumasok na sa loob ng kwarto. Mamaya isang panibagong araw na naman ang haharapin namin. Haaaay. Nakakapagod. Good Mornight.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now