025 - Who's That Guy?

245 39 5
                                    

Who's That Guy?

“Totoo ba talaga 'yang sinasabi mo? ” Ulit na tanong ko kay Lily.

“Oo nga. Kung ayaw mong maniwala,  edi huwag. Pakamatay ka na. Who cares?” Abala pa ito sa pagngatngat sa isang buong hita ng baboy.

“Tumayo ka na diyan.” Utos ko sa kanya. “Akala ko ba ayaw mo ng mga nakahain? ”

“Gaga. Echos lang 'yun. Teka lang. Magbabaon muna ako. ”

Naglabas siya ng eco bag at doon inilagay ang mga isda, karne, gulay at prutas na natira. Halos hindi nga nagalaw ang mga iyon. Pati kandila ay kinuha nito. Jusko talaga.

“Nasaan na ba sila Nathan at Eliazar?” Bakit parang ang tagal naman ng mga ito? Tuluyan ng nilamon ng pagdududa ang aking dibdib. Binalingan ko ang baliw. “Dito ka muna. Hahanapin ko lang 'yung dalawa.”

Tumango lamang ito at ipinagpatuloy ang pagbabot ng mga pagkain. Para talagang patay-gutom ang isang 'yan.

Naglakad-lakad ako sa loob ng palasyo na walang alam na patutunguhan. Napakatahimik talaga dito. Nakakabingi. Kakaunti lang din ang tagapagsilbi dito. Makalipas ang mga ilang minuto ay nakakita ako ng isang pasilyo. Parang may tinig na nagmumula doon. Nagsimula akong baybayin ang daan. Sa bawat magkabilang gilid ay mga pintong nakapinid ang makikita. Napakadami niyon. Para akong nasa isang hotel na walang mga nakatira. Sinusundan ko ang tinig na nadidinig. Palakas iyon ng palakas.

“Hasne Meshna Maste Kiero.”

Ano ang mga salitang iyon?

“Mashne Siera Arme Hesna.”

Parang mga sinaunang salita.

Sunundan ko ang tinig hanggang sa nakarating ako sa pinaka-dulo ng pasilyo.

“Hasne Meshna Maste Kiero.”

Sa isang pinto iyon na bukas nagmumula. Boses iyon ni Queen Hestia, hindi ba? Dahan-dahan kong naglakad palapit ng palapit sa pinto.

“Mashne Siera Arme Hesna.”

Paulit-ulit niyang binibigkas ang mga salitang iyon. Chant ba 'yon? Parang ganoon na nga siguro. Kahit hindi sinasadya ay parang may sariling buhay ang aking mga paa na nagkusa ng unti-unting pumasok sa nakabukas na pinto. Ano ba 'tong ginagawa ko? Para akong magnanakaw na dahan-dahang kumilos. Ni hindi na nga madidinig ang aking mga yabag. Tuluyan na kasi akong na-curious sa kung anong ginagawa ng Mahal na Reyna. Dahan-dahan akong sumilip. Nakatalikod siya sa pinto. Nagulat ako ng makita doon sila Nathan at Eliazar.  Anong ginagawa ng mga ito dito?!

Hindi na ako nakapag-isip pa ng kung ano. Bumaling ang aking mga mata sa isang base na nakapatong sa mataas na lamesita sa gilid ng pintuan. Walang babalang tinabig ko iyon upang makuha ang atensiyon ng mga ito. Tunog ng nabasag na banga ang umalingawngaw sa buong paligid.

Napalingon sa akin ang Reyna. Sandali akong na-estatwa sa kinatatayuan ng masilayan ko ang kanyang mga mata. Bakit sobrang itim ng mga iyon? Parang sa isang halimaw na handang-handang sumakmal sa kanyang bibiktimahin. Ngayon ay ramdam ko ang napakalakas na enerhiyang bumabalot sa kanya. Nakakapangilabot iyon. Nararamdaman ko ang unti-unting pagtayo ng aking mga balahibo sa buong katawan. Pati na ang paglamig ng paligid. Nagkatitigan kaming dalawa. Parang nanunubok ito. Maka-ilang sandali lamang ay nawala na ang kapangyarihang nararamdaman ko at bumalik na sa nakakaakit na aura ang Reyna. Jusko. Ano ang ibig sabihin niyon?

“Lavinia.” Tawag niya sa akin.

Inayos ko ang sarili. “Paumanhin.” Dinampot ko ang mga piraso ng bangang nabasag. “Hindi ko napansin ang bagay na 'to. ” Sandali akong napapikit. Ano ba 'yan,  Lavinia? Gagawa ka na lamang ng dahilan yung hindi pa convincing. Haaaayyy. Tumayo ako ng matipon sa isang bahagi ng sahig ang  nabasag. “Pasensiya na po. Magpapaalam na po sana kami.”

“Ganoon ba?” Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang aking mga kamay. Napakalamig nang sa kanya. “Nais ko pa sana kayong mas makilala.”

“What are we doing here?” Singit na tanong ni Eli.

“Restroom ba 'to?” Tanong naman ni Nathan. “Oh, Lavinia? ” Sabi niya ng mapatingin sa akin. Pati na sa Reyna “Queen Hestia? What is happening here?”

Nagdikit ang aking mga bagang. Alam na alam ko ang nangyayari. I'm not The Four for nothing.

Kumawala ako sa pagkakahawak ng Reyna. “Pasensiya na po. Marami pa po kasi kaming dapat ayusin sa Head Quarters.” Lakas-loob na hinawakan ko ang balikat ng Reyna. “Babawi na lang po kami sa susunod.” Pumagitna ako sa dalawang lalaking parang walang alam sa mga nangyayari. Hinawakan ko sa kamay ang mga ito. “Aalis na po kami.” Tinignan ko ang mga ito na nagpapahiwatig na sang-ayunan na lamang ang sinabi ko.

“Yeah.” Sabi ni Nathan.

“Ahhhh. Opo.” - Si Eliazar.

Ngumiti ang Reyna. “Kung gayon ay hayaan ninyong ihatid ko na lamang kayo.”

Gumanti ako sa kanya ng ngiti. “Kung iyon po ang iyong nais, Kamahalan.”

Sabay-sabay kaming apat na nagtungo palabas ng kaharian habang ang dalawang lalaki ay tahimik lamang. Nadatnan namin si Lily sa entrada na nakikipaglandian sa mga kawal.

“Maraming salamat po sa inyong imbitasyon.” Sabi ko sa kanya ng tuluyan na kaming makalabas. “Ikinararangal po naming makilala kayo.”

Tumango na lamang ito. Bago tuluyang makalayo ay nagpahabol pa siya ng mga salita.

“Mag-iingat kayong lahat.”

Hindi na ako lumingon, maging ang tatlong kasama ko, sa sinabi niyang iyon. Nang makapasok na sa sasakyan namin ay doon ko na pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigil.

“Hayyyyyyyy....”

“Ano 'yun?” -Eli

“What's the matter?” -Nathan

“Bakit tayo umalis agad?”

“Kaya nga.”

Tinignan ko ang dalawang lalaki. Nginitian ko sila ng nakakaloko. “Kung gusto ninyong bumalik doon, go. Pero huwag ninyo kaming sisisihin kapag may nangyaring masama sa inyo. ”

“What do you mean?” Tanong ni Nathan. Tlagang clueless ito sa mga nagaganap.

Huminga ako ng malalim. “Kanina. Noong umalis kayong dalawa para umihi may dumating na lalaki. Guess who?”

“Si Kuya Wil. ” Singi ni Lily.

Binatukan ko ito.

“What the?????!!!!  My gaaaaaad,  Lavinia! Sadista ka na,  ha!” React nito.

“Para 'yan sa kanina.” Akala ba nito ay makakalimot ako? Muli akong bumaling sa dalawa. “Dumating 'yung lalaking nakabunggo ni Lily diyan mismo sa palayso. May hinahanap siya. If I'm not mistaken Palestine 'ata ang pangalan ng lalaking kailangan niya. Siya 'yung lalaking nakalaglag ng envelope na naglalaman ng litrato ng mga bibiktimahin at biktima na nila.”

“Totoo ba 'to?” Tanong ni Eli.

Tumango ako. “Alam ninyong hindi ako magsisinungaling. Pwera na lang sa kanya. ” Tumingin ako sa babaeng baliw. “Namukhaan niya daw 'yung lalaki kaya niya nasabing iyon 'yon.”

Tinginan siya ni Nathan. Itong dalawa kasi ang magkatabi sa unahan. Kaming dalawa ni Eli ang nasa backseat.

“Nagsasabi ako ng totoo. Paulit-ulit, Lavinia? Unli? Para kang sirang plaka.”

“Naninigurado lang kami. ” Eli. “Baka mamaya isa na naman ito sa mga trip mo.”

“May hinahanap ang lalaking 'yon sa palasyo?” Pagkukumpirma ni Nathan.

Tumango ako. “Iyon ang nadinig namin. Mabilis ko kayong hinanap dahil hindi na talaga ang maganda ang pakiramdam ko. Only to find out na nasa ilalim na kayo ng engkantasyon ng Reyna.”

“That's the reason kung bakit nandon kami sa kwarto na 'yon instead na nasa restroom? ” Sabi ni Eli na mukhang nakuha na ang mga nangyayari.

Muli akong tumango. “Kung hindi marahil ako dumating. Baka kung ano na ang nangyari sa ating apat. Buti na lang nakalis na tayo. Now, alam na nating kung saan tayo magsisimula.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now