051 - Lavinia Vs. Nathan Round 2

199 22 2
                                    


Lavinia Vs. Nathan Round 2

💓💓💓💓💓

“Warriors!” Napatigil kaming lahat sa pagtakbo ng madining ang boses na iyon ni Head Master sa suot namin wireless earpod. “Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo?”

“Naglilibang lang.” Sagot sa kanya ni Nate habang binabatukan si Lily. Ito kasi ang nahuli.

“You're all wasting your time for nothing!”

Natahimik kaming lahat sa pagtaas ng boses nito sa kabilang linya. Hinihingal na sandaling tumigil ako sa isang tabi.

“Nandiyan kayo para sa isang misyon hindi para maglaro. Suit yourself!” Iyon lang at nawala na ito sa linya.

“Bwiset.” Sabi ni Lily mayamaya. “Akala mo naman mga empleyado niya lang tayo kung mautusan niya. Hello? Mas mataas tayo sa kanya, no? Pakainin ko siya ng pardible, eh.”

“Right.” Sang-ayon ni Nate

“Gawin na lang natin ang dapat gawin.” Sabi ko sa mga ito. Muli ay ipinagpatuloy namin ang paglalakbay.

Isang oras ang matuling lumipas. Napakunot ang noo ko ng makita sa daan ang isang malaking bato. “Wait. Nadaanan na natin 'to, hindi ba?”

“Yes.” Sabi ni King. “Kanina ko pa napapansin na parang paikot-ikot lang tayo.”

Kasunod ng mga salitang iyon ni King ay ang sunod-sunod na halakhak na parang galing sa isang mangkukulam ang pumuno sa buong kweba.

“Saan nanggagaling ang mga tinig na iyon?” Tanong ni Eli.

“May iba pang nilalang ang nandito bukod sa atin.” Sabi naman ni Marina.

Nakatigil lang kami sa isang pwesto. Hinihintay kung may mangyayari kung ano. Ilang sandali pa ay nagulat ako ng napaluhod na lamang sa  lupa ang tatlong lalaking kasama namin at sumigaw ang mga ito ng hindi maintintindihan na salita habang nangingisay na din ang katawan ng bawat isa.

“Lavinia, anong nangyayari sa kanila?” Nagpapanic na tanong ni Marina.

“Sinasapian sila ng masamang espiritu! Tawagin natin si Ed Caluag.” Sabi ni Lily.

Sino naman ang Ed Caluag na 'yun? Ang dami  talaga nitong alam. Karamihan 'don mali.

Hinila ko ang dalawa papalayo ng kaunti mula sa tatlo. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nagaganap. Ilang segundo lang ang nakalipas ay natigil na ang mga ito. Mula sa pagkakatungo ay sabay-sabay silang tumunghay at tumingin sa amin.

“Oh My Gulay” React ni Lily na alam mong gulat na gulat.

Ako man din. Bakit? Ang mata ng tatlong lalaki ay napuno ng puting liwanag. Naging mabangis ang anyo ng mga ito.

“Patayin. Patayin silang lahat!” Bigkas ng tatlo habang papalapit ng papalapit sa amin.

Isa lang ang alam ko, wala sila sa katinuan. Ginagamit sila ng kung sino mang nilalang ang naririto para laruin at lansiin kaming lahat. Gusto niyang maglaro. Hindi ako bobo para hindi agad maunawaan ang mga ito. Tinignan ko si Lily. “Intact pa ba 'yang boses mo?”

“Oo naman. Ako pa ba.”

“Good.” Binalingan ko ulit ang tatlong lalaki na ilang pulgada na lamang ang layo sa amin. Nandito na kami sa pader. Nakasuksok sa isang gilid. “Sa bilang ko ng tatlo sisigawan mo yang mga 'yan. Naiintindihan mo ba?”

“Ma'am,  Yes, Ma'am!”

“In one

.
.
.
.
.

two

.
.
.
.
.
.

.
Nang halos mahawakan na nila kami ay saka ko itinuloy ang pagbibilang. “Three!” Tinignan ko si Lily at nagtakip ng tainga. “Ngayon na!”

Kahit nakatakip ay dinig na dinig ko pa din ang nakakabinging tinig ng baliw. Humagis ang tatlo sa isang banda. Bagsak ang mga ito pero agad ding nakatayo. Tumingin sila sa amin.

“Shit.” Naiusal ko na lamang. Hindi pa ding bumalik ang mga ito sa normal. Tinakbo ng mga ito ang direksiyon namin at halatang nais kaming patayin. Biglang naging nakakatakot ang kanilang anyo. Nagkaroon ng itim na marka na bumalot sa kanilang katawan hanggang mukha. Halos hindi na namin sila makilala. Bwiset. Mahanap ko lamang ang gumawa nito ay agad ko siyang kikitilan ng buhay.

“Maghanda kayo dahil mapapalaban na naman tayo.” Sabi ko sa dalawa. “Pero tandaan ninyo huwag ninyo silang papatayin. Alalahanin ninyo kasamahan pa din natin sila.”

“Paano kung tayo ang patayin nila?” Halatang takot na tanong ni Marina.

Wala pa din talaga itong pinagbago. Iyon marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit natanggal agad siya sa kompetisyon. “Hindi mangyayari iyon. Gawin lang natin ang lahat para maibalik sa normal ang mga lalaking iyan. Lily,  ikaw ang kay Eli.  Marina, ikaw na ang kay King. Ako na ang bahala kay Nate.”

“Ay, iba. Para-paraan.” Nanunuksong sabi pa ng babaeng baliw.

Tinignan ko siya ng masama. “Sige. Ikaw na ang kay Nate. Tignan ko lang kung kayanin mo siya.”

Hinampas niya ako sa balikat habang peke ang ginagawang pagtawa. “Ikaw naman, Mars. Walang 'ganon. Kung gusto mo sayo na lahat.”

Hindi ko na siya pinansin dahil ito na ang tatlo. Naglalayo-layo kami. Agad na naglaban ang dalawang pares. Papalapit ng papalapit naman sa akin si Nate.

“Handa ka na bang mamatay?” Tanong nito.

Ibang-iba na din ang boses niya. Parang galing sa cr ang tunog. Ang pangit. Pasensiya na Nate pero wala akong mapagpipiliin kundi gawin ito. Sisipain ko sana siya sa kanyang pagmumukha pero mabilis na nahawakan niya ang aking kaliwang paa. Pagkatapos niyon ay walang pakundangang inihagis ako sa isang pader. Sa sobrang lakas niyon ay naglaglagan ang ilang bato. Maayos na tumayo ako. Napakalakas niya. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klase ng enerhiya mula sa kanya. Pero hindi naman ako makakapayag na basta na lamang gamitin ang mga ito ng kung sino mang pesteng poncio pilato na nandito sa loob. Humanda siya dahil pagkatapos ko kay Nate ay siya naman ang isusunod ko. Binalingan ko si Marina at Lily. Mukhang kaya naman na nilang i-handle sila King at Eli.

Inayos ko ang sarili. Naglabas ako ng air ball at ibinato kay Nate. Tumalsik din ito sa pader. Balewala lang iyon sa kanya. Mabilis siyang bumangon. Basang-basa ko sa kanyang mga mata ang galit at pagnanais na makaganti. Bahala na. Nakalaban ko na din naman siya minsan. Gagawin ko na lamang ang kung anong tama.

Siya naman ang mabilis na lumusob patungo sa akin. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay gumawa siyang ng malaking bato na hindi ko inaasahan at inihagis sa akin. Nadaganan ako niyon. Ramdam ko ang pagdaloy ng sakit sa aking buong katawan. Pinatungan pa niya iyon ng ilang malalaking bato. Bago pa man ako makatayo ay lumapit na siya sa akin at mula sa pagkakadagan ng mga bato ay hinila niya ang mga paa ko at basta na lamang inihagis sa isang tabi. Pasadsad na gumulong ako sa lupa. Ibang klase din talaga ang isang ito.

“Patayin!” Sigaw niya.

Mabilis na tumayo ako ng makitang patungo na ulit siya sa aking direksiyon. Gumawa akong ng fire ball at ibinato iyon sa kanya. Siya naman ang tumalsik. Agad din naman siyang nakabangon. Nilapitan ko siya at pinaliguan ng sunod-sunod na suntok. Hindi ka pa din talaga babalik sa katinuan,  ha? Ilalabas ko sana ang aking ispada pero biglang nagbago ang isip ko. Baka kung ano pa ang magawa ko. Ayokong masugatan o mapuruhan siya.

Nagpalabas naman siya ng earth ball at sa pagkakataong iyon ay mabilis ko ng naiwasan. Halos magkadikit na kami. Sinipa ko siya sa kanyang tiyan ng makitang magpapalabas na naman siya ng isang malaking emerhiya. Baka gumuho na ang kwebang ito. Kapag nagkataon ay sabay-sabay kaming matatabunan niyon. Isang sipa pa sa kanyang mukha ang iginawad ko sa lalaki. Napahiga siya sa lupa. Aatake pa sana ako pero alerto nitong nahawakan ang dalawang kamay ko pagkatapos ay buong lakas na tinadyakan ako sa mukha. Peste, Nathan. Nakakadami ka na. Pasalamat ka at nasa ilalim ka lang ng isang engkantasyon kaya kontrolado lang ang bawat atakeng ipinagkakaloob ko sayo dahil kung hindi ay malilintikan ka talaga. Patihayang tumalsik na naman ako. Sobrang sakit niyon. Peste talaga. Pakiramdam ko ay tumabingi ang aking buong mukha. Tumayo ako at inayos ang sarili. Sige. Pagbibigyan ko ang lalaking ito sa laban na gusto niya.

First Stand *CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz