007 - She Is Lily Cruz

545 64 34
                                    

She Is Lily Cruz

Oo. Ako po ang tunay na anak ni Camia Cruz. Kinailangan kong magpanggap bilang Ivy Aguas upang palihim na manmanan ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. 654 na pong Barangay Captain ang naipakulong ko dahil kinukurakot po nila ang ayuda na sana'y para sa ating mahihirap na pamilya. Ako po'y lumalapit sa inyo hindi bilang mayamang magandang babae kundi bilang ka-isa ninyo din. Ako po'y tatakbo sa susunod na election bilang Muse kaya naman kailangan ko ang buong suporta ninyo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Charot. Mga vakla kayo ng taon.

Ano kayo ngayon? Nganga? Sa lahat ng bashers ko diyan na nagsabing hindi ako mananalo, ano say ninyo? Mga bobo. Inaasahan ko naman na isa talaga ako sa mga mananalo. Ang galing ko kaya. Mas magaling pa ako sa tatlong kasama ko. Ang umangal, iro-wrong turn ko. Naibenta ko na nga pala 'yung mga nakuha ko kay Liza. Nakamagkano din ako 'dun. Malaki-laki. Mas malaki pa sa boobs ni Lavinia.

Ako si Lily Cruz, ang pinaka magandang aswang sa buong mundo. Walang halong biro. Walang halong echos.

I'm a professional singer. 'Yun ang tawag sa mga nilalang na may power voice. Tignan mo sila Moriseng at ate Rejoice. Sigaw ng sigaw habang kumakanta. Kasi singer sila. Basta sa Pilipinas kapag marunong kang sumigaw,  singer ka na. Ang hindi lang nila alam ang sakit sa tainga ng mga pesteng boses nila. Birit ng birit akala mo naman ikina-ganda nila 'yon. My gaaaaad. Sa kanila na nasira 'yung speaker ko. Wala na akong naintindihan sa mga lyrics dahil puro sigaw na lang ang narining ko. Pwede na silang gawing tunog sa ambulansiya. Tapos lagi na lang kapag sikat ka automatic may album ka?!!!!!!!!!!!!  Ano 'to,  lokohan? Porke sikat gagawan ng kanta?????!!!!!!!  Aba,  magaling! 'Yung parang tumutula habang kumakanata?!!!!!! My gaaaaaddddd! What is happening!!!!!! Ano nang nagyayari sa music industry??????!!!!!!!! Gusto ninyo mag mention ako? Ayyy huwag na. Baka i-bash ninyo na naman ako. Basta. Alam ninyo na kung sino ang mga 'yon.

Natuklasan ko ang kakayan kong ito noong sumali ako sa Binibining Galisin. Hindi naman talaga ako lapitin ng mga sugat. Hindi ako katulad ng iba diyan na puro galis ang binti tapos ang kapal-kapal pa ng mukhang mag pekpek short. Ganda ka 'te? Chika ko lang din sa inyo na may classmate ako feeling beauty queen pero ang dumidumi namam ng pusod, may buni pa sa leeg. My gaaaadddd. Gipit lang talaga ako noong mga panahong iyon kaya naki-join na din ang ate ninyo. Pagdating sa talent portion,  kumanta ako. Noong ibinirit ko na bigla na lang silang nagtalsikan palayo sa akin. Doon na nag-simulang umasenso ang buhay namin.

Ginamit ko ang aking kakayahan upang mangloob sa mga bangko. Ganoon din sa mga malalaking bahay at takutin ang mga mayayamang kapitbahay namin. Pero syempre, charot lang 'yun. Mayaman kami, no? Sadyang independent lang akong babae kaya hindi ako umaasa sa aking mga magulang. Ako pa ba. Kahit ano kaya kong ilabas sa aking magic bulsa. Just name it.

Gusto ko lang din sabihin sa inyo na may apat pa akong kaibigan. Si Pinky, Blacky, Browny at Violeta. Mga katulad ko din silang magaganda at maalindog. Nandito lang sila sa bulsa ko, nakatago. Saka ko na sila ilalabas. Sa oras ng pangangailangan. Baka agawan pa ako ng spotlight. Mahirap na.

Ang gusto ko naman sa isang lalaki ay gwapo syempre. Malaki ang anes at magaling sa kama. Huwag kayong ano. Hindi ako malibog. Konti lang. Saka virgin pa ako. Virgin ang kuko sa paa. Pwede din namang MMMM. Matandang Mayamang Mabilis Mamatay. Handa akong magtiis basta kaperahan ang pinag-uusapan. Criminology ang kurso ko. Kaya nga utak kriminal ako, eh.

Ngayon isa na ako sa mga tinitingalang bituin sa kalangitan. Isa na ako sa pinakamakapangyarihang aswang sa buong daigdig. Pero sabi nga nila, great power comes great responsibility. Oh,  pak! English 'yan! Ako lang naman ang namamahala sa Department of Finance. Sabi ko sa inyo,  eh. Pag kaperahan lagi akong present diyan. Ako ang nagmo-monitor ng lahat ng malls,  bars, etc. Basta may kinalaman sa ekonomiya. Ano, believe na kayo? But wait,  there's more. Ako lang naman ang bagong Guidance Counselor sa The Four Academy.

Here's Some Facts About Myself

1. Age : 21
2. Place : Divergent (The 1st and the most powerful tribe of Athens)
3. Birthday : Dec 27
4. Favorite Color : Green
5. Favorite Foods : Hotdog and egg
6. Two Words To Describe Myself : Mukhang Pera
7. Relationship Status : Rebisco. Laging sobra-sobra dahil haliparot ako.
8. What I hate : Bobo
9. Makes me laugh : Ang aking katalinuhan
10. Crush :  Basta gwapo. Okay lang kahit bobo basta masarap.

Nandito ako ngayon sa aking napaka-bonggang opisina dito sa PAL. Naudlot ang pagdo-drawing ko ng biglang may babaeng pumasok sa loob.

Tingnan ko ng masama si Cyril. Siya ang manang na secretary ko. “Hindi ka ba marunong kumatok? ”

“I'm so sorry,  Miss Lily.”

“It's Madam. Sa susunod na gawin mo pa 'to ipapasok kita sa bote ng gin at itatapon sa ilog. Naiintindihan mo ba?”

“Yes po, Madam. May mga magulang at estudyante po kasing naghihintay sa labas. Papapasukin ko po ba?”

“Hindi. Palabasin mo. Gaga. Natural!”

Umalis na ito. Boba. Maya-maya ay may dalawang babaeng pumasok kasama ang kanilang mga ina. Umupo ang mga ito sa tapat ng table ko.

“Nag-away daw kayo ng dahil sa isang lalaki?” Pagkumpirma ko.

Ang babata pa mga talandi na. Kagaleng!

“Nilalandi niya po ang boyfriend ko! ” Sabi ng isang babaeng mukhang crocodile.

“Wow? Boyfriend? Ni hindi nga kayo! Ano 'yun,  imagination? ” Ganti naman ng babaeng inaakusahang naglalandi. Mukha itong manok na pula.

“Kaya kayo nagsabunutan at nagsuntukan? Ayy nako naman. Alam ninyo bang hindi maganda ang ginagawa ninyo? Nakakasama 'yan sa imahe ng unibersidad. ”

Kumuha ako sa aking bulsa ng dalawang itak at ibinigay sa mga ito.

“No more kuda-kuda na. Patayan agad. Wala ng sabunot-sabunutan. Pagkatapos ninyo sa isa't-isa isunod ninyo naman 'yang mga nanay ninyong mukhang aparador na naluma na.” Naglabas ako ng dalawang poke ball. “Kapag inulit ninyo pa 'yang ginawa ninyo, ikukulong ko kayong dalawa dito sa mga bolang ito at makakasama ninyo sila Bulbazaur at Picachu.”

Bago sila umalis, inutusan ko silang maglinis sa buong Head Quarters sa loob ng dalawang linggo at bigyan ako ng share sa mga baon nila. Iyon ang parusa ng dalawang babae.

Tumunog 'yung cellphone ko maya-maya. May text si Charlie. Pinapapunta ako sa opisina niya. Konti na lang at tatadyakan ko na ang isang 'to. Siya ang may kailangan ako ang pupunta? Ibadeng. Pasalamat siya gwapo siya at pinagnanasaan ko siya. Kung hindi.. Naku... Naku...

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now