015 - The Crazy Girl

327 49 19
                                    

The Crazy Girl

Lily's POV

Sa wakas,  nakarating na din ako dito sa Amity.  Mamaya sa Candor naman ang next destination ko. Infairness,  ha. Hindi mainit dito. Puro puno kasi. Parang pribonsiya.

Mga vakla,  alam ninyo bang may nagbago na sa akin? Dati maganda ako ngayon magandang-maganda na. Nagma-myra kasi ako. Try ninyo. At sa mga nanay diyan na laging may sakit ang mga anak,  eto ang power tip ni Lily Cruz. Kapag may sakit ang anak,  painumin ng kumukulong mantika. Patay ang sakit, patay din ang bata. Oh,  edi wala ka ng problema. Nag retouch muna ako ng aking peslak bago lumabas sa sport car. Ganda, hindi ba? Wala kayo niyan. Nag-off din ako ng wireless earphone para hindi ako marining ng mga kasama ko. Bahala na ang mga ito

Mula sa aking bulsa ay inilabas ko ang isa sa member ng Power Rainbow. Si Blacky, ang unang aso.

“Oh,  my gaaaaaaaaaddddd,  Madam!  Finally,  nakalabas din ako!” Nagtatalon pa siya na parang askal.

Binigyan ko siya ng umbrella. “Payungan mo ako, vakla. At huwag na huwag ka ding didikit sa akin,  ha? Baka may virus ka pa.” Syempre,  kailangan sosyal ang dating. The Four na,  eh.

“Saan ang punta natin,  Madam? ”

“Pwede bang huwag kang magsalita? Ang baho ng hininga mo. Amoy anes ng lalaki. My gaaaaddddddd.”

Saan kaya makagora? Owwww. Alam ko na

“Let's go.” Nagsimula kaming maglakad papunta sa isang kainan na natanaw ko. Yes. Nagugutom na ako,  eh.

Pinagtitinginan kami ng mga nandito. Syempre naman. Ang ganda ko kaya. Naka 7 inches heels ako ngayon. Bato-bato at lupa-lupa ang daan pero keri lang. 'Yun nga ang purpose ko, eh. Para ako lang ang naiiba. Pero wait. Tinignan ko si Blacky. “Bakit naka heels ka din?”

“Syempre naka-heels ka din. Para twinnie tayo.”

Ang kapal ng asong 'to na tumulad sa akin. Hindi naman kami magka-level. Naglabas ako ng Havainas sa bulsa at ipinasuot dito. Walang karapatan ang mga alalay na magsuot ng heels. Hanggang tsinelas lang sila.

Pagdating sa kainan ay na dissapoint ako. Akala ko restaurant 'to. Isa palang malaking karinderya lang. Pero keri na 'to. Lamang tiyan din. Hindi ako choosy,  no? Pusa nga kumakain ako,  eto pa kaya?

Karamihan sa mga lumalafang dito ay mga magsasaka at construction workers. Mga lalaki silang lahat. Mga malalaki ang katawan. May gwapo kaya dito?

“Magandang araw po. Kakain po kayo?” Sinalubong kami ng isang matabang kusinera yata 'to dito.

“Oh,  bakit nandito ang nanay ni Dagul? ” Singit ni Blacky.

Nginitian ko siya ng 360°. “Hindi. Maghuhugas kami ng pinggan. Baka pagod ka na,  eh. Malamang, kakain! Hindi mo ba ako kilala? Isa ako sa The Four! Ako si Lily Cruz! Ang magsadsad sayo sa dapat mong kasadlakan!”

“Sorry po, Ma'am. ” Hinging paumanhin nito na parang natakot. Dapat lang. Baka ibalik ko pa siya sa sinapupunan ng nanay niya.

Naramdaman ko ang pag-abot sa akin ni Blacky ng isang maso. “Ay,  nako, Mars. Kung ako sayo itutumba ko na 'yan. My gaaaaaaddd. Hindi ka nakilala? What a shame!”

“Pagbibigyan kita sa ngayon. ” Sabi ko sa ina ni Dagul. “Pero sa susunod na gawin mo pa ito ikaw ang gagawin kong sinigang.”

“Kakain kami! Bigyan mo kami ng magandang table!” Utos ni Black sa kusinera. Vaklang 'to,  ah. Ako lang ang may karapatang mag-utos.

Pumwesto kami sa lamesang nasa pinakagitna. Napapaligiran kami ng mga hipon na constructuon worker. Pati mga kargador. Puro hipon lang pala ang mga ito. Akala ko naman may gwapo. Wala man lang kahit isang naligaw.

“Pakibigyan kami ng dalawang kalderong kanin at isang kawali ng alamang!” Sigaw ko sa mga staff nila. “Inihaw na manok na din!” Mabilis namang dumating ang mga order namin. Inabutan ko si Blacky ng plastic bag.

“Ano 'to?” Tanong niya pa.

“Papel. Malamang plastic. Gaga. Mag Sharon Cuneta ka na,  bilis!”

“Balutin mo ako,  ganon?”

“Yes.”

Nang makapag-balot na ito ay inilagay ko iyon sa aking bulsa. Kailangan ko ng stock,  no? Just incase. Baka mamaya dumating na ang araw ng tag-gutom.

“Kuya, paki-abot naman ng toyo at mantika. ” Sabi ko sa katabi namin. Nasa kanila kasi 'yung sawsawan.

Imbes na ilagay iyon sa kanin ay ipinasok ko din iyon sa aking bulsa. Oh,  see? Kaya hindi ako nauubusan. Ganyan ang ginagawa ko. Gamitan ng utak paminsan-minsan.

“Blacky,  may tanong ako sayo.”

“Yes, Madam? ” Sagot nito habang kinakain 'yung buto ng manok. Kadiri. My gaaaaaaaadddd.

“Kilala mo ba ang asawa ni Dignidad?”

“Sino po?”

“Edi si Dignimon. Gaga. ” Hindi siya natawa. Waley ba 'yun?

Pwes,  sa susunod na gagawin ko ay talaga namang hahanga kayo.

“Ubusin mo 'yan. ” Sabi ko sa aso. “Dito ka muna may pupuntahan lang ako.”

Nagtungo ako sa pinaka sentro ng Amity at doon ay pinatawag ko ang lahat ng mga opisyal simula mababa hanggang mataas. Simula sa pangit hanggang sa pinaka pangit.

“Mga vakla,  makinig kayong lahat sa sasabihin ko. Ako si Lily Cruz, ang leader ng The Four. Inuutusan ko kayong lahat na magmatyag at magmasid sa paligid. Lahat ng mapapansin ninyong kakaiba at hindi kanais-nais ay nararapat na sabihin ninyo sa akin. Maari ninyo akong tawagan sa numerong 8-7000 Jollibee Delivery. Maliwanag ba?!”

“Yes, Ma'am! ” Sabay-sabay na sagot pa ng mga ito.

“Good! Ang susunod sa aking kautusan ay makaktanggap ng isang sakong bigas, luto na!  Ang hindi naman ay itatapon sa dagat-dagatang apoy! Naiintindihan ninyo ba?!”

“Yes, Ma'am!” Chorus ng lahat.

“Ano pang hinhintay ninyo? Gorabels na!”

Nagsi-alisan na nga ang mga ito. Ang galing ko, hindi ba? Edi may katulong ako sa pagmamatyag. Ako lang ang nakakaalam ng mga ganyang pamamaraan. Paniguradong hindi 'yan naisip 'nung tatlo dahil mga bobita naman ang mga 'yon. Kaya ngayon, pwede na akong mag gala-gala. Bongga,  hindi ba?

Babalik na sana ako sa karinderya ng isang lalaki ang walang pakundangang bumangga sa akin.

“Oh,  my gaaaaaddddddd!” Sigaw ko sa kanya.

Imbes na himingi ng paumanhin ay dire-diretso lang itong nagpatuloy sa paglalakad.

Aba,  gagong 'yan, ah. “Hoy, lalaking impakta!” Pahabol na sigaw ko sa kanya. Alam kong maririnig niya iyon kahit malayo na siya. May power voice kaya ako. “How dare you na takbuhan na lang ako,  ha?! Hindi mo ba ako nakikilala?! Ako lang naman ang leader ng The Four! Humanda ka dahil kapag nakita ay ipapasok kita sa lata. Vakla! ”

Bwiset na 'yun. Makita ko lang talaga siya. Muntik pa akong matapilok ng dahil sa kanya. Masira na ang mukha ko huwag lang ang sandals ko na galing pa ng Paris,  no? But wait. Ano 'tong nasa tabi ng mga paa ko?  Kinuha ko iyon mula sa lupa. Isang medyo maliit na brwon envelope? Mukhang nalaglag 'ata ito 'nung chaka. Ano kayang laman nito? Kung pera talaga ay hindi ko na ito ibabalik sa kanya. Manigas siya,  noh?Binuksan ko iyon at hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now