047 - Lily's POV

198 24 8
                                    

Lily's POV

Kumusta kayo diyan,  mga vakla? Long time, no kuda, ha? Well,  well, well, I'm back now and no one can stop me to be the most powerful women in the world... the universe rather. Nandito lang ako sa isang malaking bato. Naka-upo habang nagbo-browse sa internet. Hahayaan ko na lang silang maghanap sa tamang daan. Bakit ba ako magpapakahirap kung sila naman ang pwedeng gumawa niyon? Ang brainy ko talaga.

Oh,  wait. May gwapong nag-add sa akin sa facebook. Syempre, a-accept ko 'yan. Add to cart. After 'non may pangit na sumunod na nag-add sa akin. Ang kapal ng mukha nito, ah? Nag-delete request ako. Add to trash amg para sa'yo. Haaay. Ano kayang pwede kong gawin dito? Nabo-boring ako. Nilabas ko na lang ang aking magic suklay at inayos ang aking mahaba at kumikintab-kintab na buhok. Pinahidan ko kasi 'to kanina ng mantika na pinagprituhan ng chicken. Wala kasi akong makitang baby oil eh nagmamadali na ang lahat kaya no choice ako. Pero keri naman. Madulas siya sa buhok. You want great hair pero tututchang-tutchang? Pakamatay ka na.

Guys, alam ninyo ba I decided a long ago never to walk in anyone shadow. If I fail, if I succeed atleast I'll live as I believe. No matter what they take from me. They can't take away my dignity. Oh, pak. Havey.

Tumayo ako at nagmasid-masid sa paligid. Ang hirap din pala ng walang kasama. Wala akong ma-bwiset. Ang dami namang rebulto dito. Pinagmasdan ko ang isa sa kanila. Base on paranormal abnormal critical illegal authentic synthetic genetic magnetic electric research institution with combination of transaction transformation mix in solar skill I realized that this sculpture is a stone. Tama ba? Bato ang mga rebultong ito! Boba, alangan naman papel?

Haaaay. Nagugutom na ako. Inilabas ko ang baong itlog na pula. Tinalupan ko iyon gamit ang kutsilyong dala at kinain. Keri na 'to. Lamang tiyan din. Maya-maya ay nakarining ako ng mga kaluskos. Isang babaeng kamukha ni Leni Robredo ang lumapit sa akin. Paano naman napadpad ang isang ito sa lugar na ito? Baka naman nakikipag-date lang? Pero,  no. Walang papatol sa isang chaka na tulad nito. Mukhang lola na. Naka-saya pa kasi.

“Ate, tulungan ninyo po ako.” Pagmamakaawa niya sa akin.

“Ang baho mo girl.” Sabi ko sa kanya na totoo naman. “Amoy-putok ka. Amoy anghit. Yuck.”

“Parang awa ninyo na po.” Sabi pa niya.

Saan ko naman ito tutulungan? Hello? May sarili din kaya kaming problema. Kumuha pa ako ng isang itlog na pula at ipinukpok sa ulo nito. Infairness, effective. Tinalupan ko ulit iyon gamit pa din ang kutsilyo.

“Okay,  tutulungan kita.” Sabi ko sa kanya.

Nakita ko kung paano nagliwanag ang kanyang mga mata. May lumabas doon na mga stars na may kasamang muta. “Talaga po?”

“Yes.” Hinawakan ko ang kanyang kabilang pisngi. “Sa isang kondisyon.”

“Ano pong kondisyon?”

Binigay ko sa kanya ang isang buong itlog. “Ipasok mo iton sa bunganga mo ng buo.”

Ginawa nga nito ang pinag-uutos ko. Shala, patay gutom si Ate. Naubos agad. “Kwentuhan muna kita,  ha. Keri lang?”

Tumango ito. “Basta tutulungan mo akong mailigtas ang aking kapatid.”

Tinanguan ko na lang din siya. Magkatabi kaming dalawa na naupo sa bato. “Sisimulan ko na ang aking kwento. Tubig, Lupa,  Apoy,  Hangin. Noong unang panahon payapang namumuhay ang apat na nasyon pero nagbago ang lahat ng lumusob ang fire nation. Tanging ang Avatar lamang na kayang kontrolin ang apat na elemento ang makakapigil sa kanila. Ngunit bigla na lamang siyang nawala noong halos kailangan na kailangan siya nang mundo. Isangdaang taon ang lumipas ako at ang aking kapatid ay natuklasan ang bagong Avatar na isang airbender at nagngangalang Aang. Kahit na mahusay siya sa airbending hindi pa siya handang makapagligtas ng kahit na sino man pero naniniwala ako na kayang iligtas ni Aang ang mundo. Doon nagsimula ang alamat ng ice cream.”

“Sino po ba si Aang?”

“Siya ang Panday.”

“Talaga po?”

“Charot. Siya ang tunay mong ama.”

“Tulungan ninyo na po ako.”

“Ano bang maipaglilingkod ko sayo? Bakit ka ba sa akin nahingi ng tulong? Kay Tulfo ka magpunta. Magsama-sama kayo doon ng kamukha mong si Marlou tutal mukha ka din namang retokadang palaka.”

“Nandito po ang kapatid ko. Hawak siya ng isang babae. Bigla na lang siyang naging rebulto ng tignan niya sa mga mata yung nakita naming babae.”

Napataas ang kilay ko. “Eh,  bakit ikaw hindi naging rebulto?”

“Hindi po ako tumingin sa mga mata niya.”

“Talaga lang, ha?” Ini-echos kaya ako ng vaklang 'to? Tinignan ko ang mga rebulto na nasa paligid. Ano? Mga totoong nilalang talaga ito? “Sino ba ang babaeng ito na tinutukoy mo?”

“Siya po marahil ang taga-bantay dito.”

“Si Medussa?”

“Hindi ko po alam.”

“O si Lila Sari?”

“Hindi po ako sigurado.”

“Punyeta. Wala kang kwenta. Saan mo ba sila iniwan?” Si Wonder Lily lang ang katapat niya.

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa kung saan.

“Dito. Dito sa pwesto na 'to.” Ipinakita niya ang kapatid niyang naging rebulto na daw. “Ito na siya.”

Nagsasabi kaya ng totoo ang babaeng ito? Baka naman naka-shabu lang siya? Sabog,  ganon? O baka naman naka-inom ng isang bote ng patis? “Pero in all fairness, ha. Magkamukha kayong dalawa.”

“Tulungan mo ako.” Sabi niya. “Paano ko mawawasak ang sumpang iyan mula sa aking kapatid?”

“Ah,  ganoon ba? Kapag sa mga pagwasak na effect-effect ako ang eksperto diyan.” Tinignan ko siya. “Maghanda ka.”

Tumango ito.

Naghawak kamay kami. “Ihanda mo na ang iyong sarili.” Walang pasabi sumigaw ako ng ubod ng lakas. Mga sampung segundo iyon tumagal hanggang sa nahati na sa maraming piraso ang lahat ng nanditong rebulto.

“Anong ginawa mo?!” Sigaw niya sa akin. “Bakit mo winasak ang mga rebulto?! ”

Sinampal ko siya ng malakas. “Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganyan. Gaga. Sabi mo wasakin. Edi winasak ko.”

Nakita kong pinagpupulot niya ang mga piraso ng rebulto ng kanyang kapatid na nahati na sa daang-daan. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang sabi ko wasakin ang sumpa. Tanggalin ang sumpa at maibalik siya sa normal na anyo.”

“Ah,  ganoon ba? Take two tayo. I'm so sorrrrryy.”

“Mukhang marami akong bisita ngayon.”

Owww. Sino yung nagsalita sa likod namin? Lilingunin ko sana siya pero bigla kong naramdaman ang paghawak sa akin ng babaeng amoy putok.

“Huwag. Ipikit mo lamang ang iyong mga mata. Siya ang babaeng nagbigay ng sumpa sa kapatid ko! Matutulad ka din sa kanila kapag tinitigan mo siya!” Sabi niya bago pumikit.

Ginaya ko na lang din siya. Baka mamaya totoo pala ang mga pinagsasasabi niya,  no? Ayokong maging rebulto na hindi pa natitikman ang mga gwapo at masasarap kong kasama. Never.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now