010 - First Mission

497 59 5
                                    

First Mission

“Ano bang chicka mo ngayon,  Head Master? ” Tanong ni Lily. “May chismis ka na naman ba tungkol sa kapit-bahay mong saka nagpa-usok kung kailan may bagong laba kang isinampay? O sa kaibigan mong ang lakas mag post sa instagram pero hiniram lang naman sayo 'yung suot niyang damit? Today, I'll be cooking munggo.”

Nagulat kaming lahat dito ng bigla na lang siyang sumigaw habang nakatingin sa kanyang cellphone. Kaunting pagyanig ang naidulot niyon. Hindi ba nag-iisip ang babaeng 'to?

“Ano na naman ba 'yan?!” Puna dito ni Eliazar. Natapon kasi ang iniinom nitong kape.

“Naka free data lang kasi ako, eh. Bigla kong napindot 'yung use data. The sruggle is real. Ang tagal mag loading! At huwag ka ngang epal, Eliazar. Mukha kang hokage.”

Haaaayyyyyy.

“Pinatawag ko kayo para dito.” Ibinagsak ni Charlie ang tatlong brown folder sa center table na napapalibutan ng naming lima.

“Ano,  Charlie? Galit lang? Gusto mo isampal ko sayo 'yan?”

“Ano 'to?” Tanong ni Eliazar. Binuksan niya ang isa sa mga folder.

“Kalabasa,  Eliazar. Kalabasa 'yan. Ang galing 'no? Buong puso kasi 'yan para sa Pilipino.”

“Ipapadala ko na sana 'yan sa office mo.” Sagot ni Head Master. “Pero gusto ko tignan ninyo muna dahil parang may something. Parang konektado ang lahat.”

“Anong something? ” Sabi ni Lily habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng mahabang buhok nito. “Oishi crispy patata? Basta may something?”

Kinuha ko ang isa sa mga folder. Ganoon din si Nathan.

“Mga kaso ba 'to ng mga nawawala?” -Eliazar.

Oo nga. Iyon din 'yung nakasulat na ulat sa nakuha ko. Inilatag namin ang tatlong folder sa lamesa para makita at ma-obserbahan namin ang mga iyon.

“Paanong hindi 'to nakarating sa akin? ” Dagdag pa nito.

Tama. Dapat ahensiya muna nito ang makakaalam ng tungkol doon.

“Isa lang kasi sa mga resources ko ang nagpadala niyan. ” Sabi ni Charlie. “Sabi ko nga balak ko na sanang ipadala 'yan sa office mo ngayon pero naisip ko na kayo dapat muna ang makaalam niyan. Hindi kasi pangkaraniwan ang mga pangyayari.”

“Mga vakla.” Sabi ni Lily. Lumapit siya sa amin. “Bigla akong napa-isip.”

“Ng ano? ” -Nathan.

“May isip ka pala.” -Eliazar.

“Katawa 'yun? ” Nag poker face ito.  “Alam ninyo minsan hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Minsan nahihiya ako pero madalas wala akong hiya.”

“Aba'y salamat naman at aminado ka.” Sabi ko sa kanya. “May napapansin akong medyo kakaiba sa mga 'to. ” Tukoy ko sa mga kaso ng pagkawala.

“Ako din. ” -Eliazar. “Lahat sila babae.”

“Ay, huwag kayong pakasigurado. Baka may transgender diyan. ” Sabi ni Lily. “At saka nawawala agad? Baka naman nakipagtanan lang ang mga 'yan sa mga jowa nila. Masyado kayong advance mag-isip,  ha? Bawal judgemental.”

“May point ka naman sa kabilang banda.” Sang-ayon dito ni Nathan. “Pero tignan ninyo,  guys. Pare-pareho sila ng edad. 18 years-old”

“Baka magkakabarkada.” -Lily.

“Hindi sila magkakabarkada.” Kontra dito ni Charile.

“Paano mo nasabi?”

“Try mong tignan 'yang mga files, Lily. Galing sila sa iba't-ibang nation.”

“Oo.” Sang-ayon ko dito. “Iyon din ang unang napansin ko. Mula sila sa Abnegation, Amity at Candor.”

“Ay nako. Hindi convincing ang mga dahilan na 'yan para sabihining konektado ang pagkakawala ng mga babaeng 'yan. If I know, baka rumampa lang ang mga 'yan. Ay nako talaga. Huwag nating sayangin ang mga oras natin para sa mga vaklang 'yan. My gaaaaadddd. Sana nag mall na lang ako. Alam ninyo bang nasa kamay ko ang sarap ng buhay?  Nasa kamay ko ang magic. Pinag-aralan. Napatunayan.”

“Pare-parehong bandang alas-nuebe hanggang alas-diyes sila nawala lahat.” Dugtong ko.

“At talaga? Baka naman may mga kultong sinasamba lang ang mga 'yan?”

“Lily,  pwede bang tumahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin? ” Mukhang naiinis na si Eliazar sa mga hirit nito. “Hindi kami makapag-usap ng ayos dahil sa pinagsasasabi mong walang kwenta.”

“Sunod-sunod din ang araw ng naging pagkawala nila.” Sabi ni Nathan. “May kahina-hinala nga sa pangyayaring ito. Tignan ninyo. Lunes nawala si Girl 1, Martes si Girl 2, Miyurkules si Girl 3. Huwebes ngayon.”

“May posibilidad na may isa pang mawala pag nagkataon mamayang gabi.” Sabi ni Eliazar. Advance din mag-isip ang isang 'to pero maari ngang mangyari iyon. “Doon natin makukumpirma na iisa lang talaga ang nasa likod ng pagkawala ng mga 'yan.”

“Pero----”

“Oh,  wait, Lavinia.” Pinutol ako ni Lily mula sa pagsasalita. “Bago ka magsalita. Turuan muna kita mag-bra. First, dapat may dede ka. Pero, in all fairness naman sayo, ha. May ipagmamalaki ka talaga. Nagpadagdag ka ba? Magkano? Masubukan nga. Pero baka naman turok-turok lang 'yan sa mga bading, ha? Ano, collagen? O petrolium? O gasolina? Nako, baka ma-KMJS pa ako niyan. Paalala na din sa lahat ng mga eme emeng nakakapagpagaling daw ng mga sugat at sakit. Kung gusto ninyo pang manatili 'yang mga negosyo ninyo huwag na kayong pumayag na ma-i-KMJS. Huhulihin lang nila kung paano mo ginagawa 'yung pandaraya mo. Mabilis ang camera ni Mareng Jessica. Bwiset naman kasi,  sa pisngi may lalabas daw na uod? Tapos tanggal na ang sakit? Aba, ang galing. May bumagsak daw na bulalakaw. Bwiset,  nag siga lang pala. Pinakamalala, UFO daw? Lobo lang naman pala! My gaaaaaaaaaaaddddddddddd. ”

Nagsisimula na namang mang bwiset ang isang 'to. Hindi ko na lang siya papansinin ng manahimik na. “Lahat sila babae.” Sa halip ay sabi ko. “Labing-walong taong gulang, mula sa iba-t-ibang nasyon,  magkakasunod na araw nawala sa hindi maipaliwanang na dahilan at sa pagitan ng pare-parehong oras.”

“Mismo. ” -Nathan.

“Parang alam ko na kung anong dahilan ng mga pangyayaring 'yan.” Singit na naman ni Lily. Akala ko'y mananahimik na ito.

“Did you know? Nemo means nobody in Latin.  Finding Nemo means finding nobody. So the whole movie was a delusional father who is traumatized about losing his family that tries to search for his missing son, who isn't alive. Did you know? Nemo is from Bisaya word 'Nimo' which means 'You'?. So, basically,  it's 'Finding You'. Did you know that I'm riding this horse backwards?”

Bakit ba kasama pa ang isang 'to sa mga nanalo? Jusko.

“Lavinia.”

“Ano na naman?”

“Lalaban ako sa singing contest bukas.”

“Then? What do you want me to do?”

“Gaga. Hindi 'yun ang kasunod 'nun. Ano,  iniba mo na? Lalaban ako sa singing contest bukas. Make-over time! Ay,  mahal. Hindi lahat ng maganda dapat mamahalin. Kaya tignan mo ako. Maganda pero bagsak persyo. Parang ako, bawal mahalin, pero pwedeng babuyin.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now