The Truth About Number 3

240 17 0
                                    

Saglit akong tumigil sa pag-alala sa mga naganap. Ang kaibigan ko. Nasaan na siya? Ang mga sumuod na pangyayari ay hindi ko na nagustuhan...

Kusang nagmulat ang aking mga mata. Ano 'to? Buhay pa ako! Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Dahil marahil iyon sa nangyari kanina na kagagawan ni Athena. Nagmasid ako sa paligid. Para akong nasa loob ng isang malaking ambulansiya habang nakahiga sa isang emergency bed.

.

.

.

.

.
Speaking of the devil. Nandito siya sa aking tabi. Hinipo ko ang leeg ni Athena. Wala na siyang buhay. Pinulsuhan ko din ang sarili. Bakit maging ako ay wala? Buhay naman ako, ah. Anong nangyayari? Marahil ay sa epekto ng lason sa aking katawan na kasama sa bala ng baril ni Athena. Pero sigurado akong patay na ito. Hindi talaga siya nais buhayan ni Lily sa dami ng pinasalang natamo nito. May you rest in peace sa kung saan ka man mapupunta.

Sumilip ako sa labas ng sasakyan. Bahagya namang nakabukas ang pintuan niyon. Mga nilalang na nakabalot mula ulo hanggang paa ng isang puting suit. Parang mga astronaut ang mga ito. Papalapit na sila sa sasakyan.  Hindi ko alam ang gagawin kaya pinili ko na lamang magkunwaring tulog pa din.....  O patay.

Naramdaman ko ang pag-upo ng ilang bulto sa tabi ko at sa kabila. Buti na lang at magaling akong mag “play dead”. Nilalaro namin ito ni Lavinia noong mga bata pa kami.

“Sigurado ka bang patay na ang dalawang ito?”

Sabi ng kung sino pero kilala ko ang boses niya. Si Head Master. Anong nangyayari? Patay na talaga si Athena. Buhay pa ako.

“Yes, Sir.” Sagot ng kung sino man.

Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Head Master. Para saan iyon? Tumatawa ba ito dahil sa pagkamatay “namin”?

“Iturok mo na sa kanilang dalawa ang serum.” Utos nito.

Dahil nagpe-play dead nga ako hindi ko na nagawang manlaban. Naramdaman ko ang pagtusok sa akin ng isang matilos at mahabang karayom. Nag-init agad ang pakiramdam ko dahil doon. Iyon ang naghatid ng antok sa akin. Bago ako tuluyang makatulog ay nadinig ko pa ang sinabi ni Head Master.

“Tres and Athena, welcome to my world. Kayong dalawa ay may malaking tungkuling gagampanan sa aking mga plano.”

Plano? Anong plano?

Iyon na lamang ang naalala ko bago ako nagising ngayon. Iyon pa din ang tanong na umiikot at nagpapabalik-balik sa aking isipan. Anong plano? Ano ang tinutukoy nito? Ano ang balak ni Head Master?

Inisa-isa kong tanggalin ang nakakabit na tubo sa akin. Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan pero mukhang kaya ko namang makalakad. Kinuha ko ang isang hospital suit na nakasabit malapit sa isang malaking oxygen tank. Sa akin ba ito ginamit? Isinuot ko iyon sa aking hubad na katawan.

Lumapit ako sa pinto. Pinindot ko ang isang pulang button na hindi naman nalalayo. Tama ako. Para doon nga iyon. Nagawa kong mabukasan. Isang mahabang puting hallway ang bumungad sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Parang may sariling isip ang aking mga paa na naglakad. Wala akong nakikita ni isa man sa paligid. Nasaan ako? Ano ang lugar na ito? Napakatahimik. Parang ako lamang ang naririto. Pagamutan pa ba ito? Ospital? Kulungan?

Sa harap ay may nakita akong biglang kumislap na kung ano. Ano iyon? Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na ito. Dinampot ko ang nakitang box sa gilid. Wala iyong laman. Inihagis ko iyon sa unahan. Napamura ako ng mahati iyon sa ilang piraso. Sh!t. May laser. Hindi ako agad makakaalas dito. Kailangan kong makahanap ng ibang daan. Tinignan ko ang aking mga kamay at sibukan kong maglabas ng enerhiya pero bigo ako. Ano na ang nangyari sa aking kapangyarihan? Baka saglit na nawala iyon dahil sa tagal ng aking pagkakahimbing.

“And where do you think you're going?”

Napatingin ako sa likod. Sampung nilalang  ang nakatayo doon. Hindi ko alam kung sino ang nagsalita sa kanila. Boses babae. Hindi ko matukoy kung sino dahil lahat sila ay naka puting suit tulad noong nakita ko bago natapos ang competition. Nagsilapitan sila sa akin. Hindi naman ako makaatras dahil sa laser na nandito.

“Huwag kayong lalapit.” Sabi ko sa mga ito pero parang wala silang nadinig. Namalayan ko na lamang na isang karayom ang tumusok sa akin.

Ilang sandali pa'y naramdam kong nasa isang higaan na ako. Nakapikit ako at hindi makagalaw pero nadidinig ko ang kilos at sinasabi ng lahat ng nasa paligid ko. Anong nangyayari? Anong ginagawa nila sa akin? May mga nakakabit na naman tubo sa akin. Napakarami niyon.

“What the hell is happening?! Bakit napaaga ang paggising ni Project Y?! Hindi pa tapos ang transferring of data!”

Boses ni Head Master.

“Mukhang may nag malfunction po sa system.”

Kilala ko ang boses na iyon. Siya yung babaeng nagsalita kanina.

“Gawan ninyo ng paraan! Hindi pwedeng masira ang mga plano ko dahil sa pagiging tanga at pabaya ninyong lahat!”

Hindi maganda ang kutob ko sa planong ilang beses ko nadinig mula kay Head Master. Ako ba ang tinutukoy na Project Y?

“How about Project X?”

“She's stable.”

Project X? Sino naman 'yun. Isang babae. Maaring si Athena. Malakas ang kutob ko. Unti-unting nabuo ang hinala sa aking isipan. Gagawin ba kaming kasangkapan ni Head Master sa kanyang mga plano? Pakiramdam ko'y salungat iyon sa pinaglalaban ko at ng The Four. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na sandali.

************

Dito na nagtatapos ang FIRST STAND.

The Dark Side is coming. Ipo-post ko din dito yung description niya. Ngayong araw din. Gagawa pa ako ng cover.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now