061 - 3rd Station, Accomplished!

126 20 4
                                    

LILY'S POV

Nagulat ang kipay ko ng makitang bigla na lamang akong binato ni Lavinia ng kutsilyo. Punyetang babaeng 'to, ah? Dahil kapatid ko naman si The Flash, sa awa ni Lord mabilis akong nakaiwas.

Agad na nilapitan ko siya at dinuro. “Ang kapal ng apog mong patayin ako!”

“Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na ikaw pala 'yan. I'm sorry.”

Inirapan ko siya. “Pasalamat ka at wala ako sa mood makipagtalo kung hindi ili-lechon kita ng buhay.”

“Talaga lang, ha? Bakit pala nandito ka? Sinusundan mo ba 'ko?”

Saglit akong natahimik. Kung sinusundan ko daw ba siya? Aba, oo. Kanina pa. Ayaw kasing magbukas ng pesteng pintuan na nasa harapan ko kanina, eh. Ayaw ko namang sundan si Nathan. Baka gahasain pa ako ng isang 'yun. Hindi pa ito ang oras para matikman niya ang malinamnam kong talaba. Hindi din naman pwede kay Eliazar. Kamamatay lang ng Nanay at Tatay niya. Baka ako pa ang mapagbalingan ng galit niya kapag nambwiset ako. Hindi kaya ng beauty ko. Ayoko namang sumunod kay King dahil ang chaka niya. Lalo naman si Marina. So, no choice ako kundi sa isang 'to.

“Excuse me? Bakit naman kita susunduan? Ganda ka?” Pagkakaila ko kahit tama naman ang sinabi niya. Alam ninyo bang pinanood ko lang siyang makipaglaban sa mga halimaw? Oh, di ba ang galing ng ate ninyo? Hindi na ako nagtangkang tulungan siya dahil alam ko namang kaya niya ang mga 'yan. May tiwala ako sa kanyang kakayahan. Charot. Sadyang tinatamad lang ako. “Hindi ba pwedeng dito lang talaga ako dinala ng magaganda kong sampung mga daliri....... kamay at paa?”

“Okay. Sabi mo, eh.” Naglakad na ito.

Sumabay na ako sa kanya. Ayokong mag-isa,  no? Tahimik lamang siya habang naglalakad at nagmamasid sa malawak at dirty na mansion na ito. My gaaaad. Hindi ako sanay sa ganito. Mapapanis ang laway ko. Hmmmm. Nasaan na kaya ang ibang mga kasama namin?

May ipagtatapat ako sa inyo. Alam ba ninyong may dalaw ako ngayon? Nagsuot ako ng whisper with wings tapos lumipad pepe ko sa maling tao. Napakasakit, Kuya Eddie.

“Lavinia?”

“Ano?”

“Pwedeng magtanong?”

“Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na 'yan. Don't start with me, huh?”

“Bakit naka-diaper si kupido?”

Thumbs down sign lang ang isinagot niya sa akin. Bakit nga ba? Baka walang comport room sa kanila. Very poor.

Ilang minuto pa ang ginawa naming paglalakad ng makita namin si Eliazar. Isang chaka na naman.

***




LAVINIA'S POV

Sa wakas, mayroon na ding makakausap ng maayos. Pinili ko talagang manahimik habang naglalalad kami ng Lily dahil wala naman siyang saaabihing matino. Sanay na ako.

“Kumusta?” Tanong ko sa kanya ng magkalapit kami. Pansin ko ang isang mahabang galos sa kanyang kaliwang braso.   Medyo madumi na din ang puting damit na suot niya. “Mukhang napalaban ka?”

Ngumiti ito bago tumango. “Oo, eh. Ganoon ka din siguro.” Inginuso niya ang bibig ko. Nasuntok kasi iyon kanina. “Oww. Magkasama pala kayo.” Dagdag nito ng mapansin si Lily.

“Yes. I'm Lily Cruz, in the flesh, fresh na fresh.”

“Pero mukhang fish.”

“Ah, gustong mong magsimula?”

“Bring it on.”

“Tama na 'yan.” Saway ko sa mga ito.  “Alam kong na-miss ninyo ang isa't-isa pero huwag ngayon.”

“May nakita nga pala ako.” Sabi mayamaya ni Eliazar bago may ipinakita. Isang bahagi ng puzzle.

“Ako din.” Inilabas ko iyon. “Nakuha ko ito ng matalo ang nakalaban ko.”

“Kami din.”

Napalingon kaming tatlo sa nagsalita mula sa aming likudan. Si King at Marina. Parehong may hawak ang mga ito ng tulad din ng sa amin ni Eliazar.

“Ako din.”

Boses ni Nathan na nasa bandang harapan namin. Sabay-sabay na lumapit ang mga ito sa amin.

“Wow, ano 'to? Reunion?” React ni Lily. “Reunion ng mga baluga.”

“Nagsalita.” Sabi ni King. “Mukhang ikaw lang ang walang contribution, ah? Tignan mo. Lahat kami ay may hawak na puzzle. Anong nangyari sayo?”

Iyon nga ang isa sa mga napansin ko pero hindi na ako nagtataka. Baka kung ano-ano lang ang pinaggagagawa nito sa loob.

“Pake mo ba?” Ganti nito kay King. “May mga heels akong mas mataas pa sa accomplishments mo kay huwag mo akong hahamunin. Hindi mo ako kilala. Bakit, ha? Ano bang problema mo? Pinapakielaman ba kita? Pinakielaman ko ba 'yang mahabang baba mo? May suggestion ako para makatulong ka naman sa pag-unlad ng ekonomiya. Sa may amin may bagong bukas na Dunkin' Donuts 'don. Hiring sila ngayon. 699 a day. Hindi ka na lugi. Ang requirement lang is mahaba ang baba at pasok na pasok ka. Over qualified pa. Ang job description is taga-butas ng donut. Oh, ano? Deal? Huwag mo akong sisimulan at makikita mo talaga kung sino si Lily Cruz.”

Hindi na nakapagsalita si King sa sobrang dami ng sinabi nito. Machine gun talaga ang bunganga. Ratatat.

“May tanong ako.” Sabi ni Eliazar.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

“Siguraduhin mo lang na matatawa ako, ha.” Sabi ni Lily.

“Kapag ba pinagsama yung Tide at Ariel, bubula o hindi?”

“Bubula.” -King

“Bubula.” -Marina

“Hindi.” -Lily.

“Bakit naman hindi, aber?” Eli.

“Mga bobo. Walang tubig, eh. Paano bubula? ”

“Tigilan ninyo na nga 'yan.” Singit ni Nate sa mga ito. “Gawin na natin ang dapat gawin.”

Pinagdikit-dikit namin sa sahig ang mga nakuhang puzzle. Isang ispada ang nakaguhit doon ng mabuo namin. Nag-ilaw iyon. Nagkatinginan kaming anim.

“Saan na naman kaya tayo dadalhin nito?” Tanong ni Eliazar.

“Sa fourth station malamang.” Pambabara ni Lily.

“Ano kayang naghihintay sa atin doon?” -Nate.

“Mga tumatakbong kanin.” -Lily.

“Hindi ka ba talaga titigil?” Puna ni Marina sa baliw. “Nakaka-irita ka na.”

“Mas nakakairita 'yang pagmumukha mo. Ang taba mo na nga palagi ka pang may toyo. Ano ka, adobong baboy?”

“Mas mukha kang adobo, Lily.” -King.

“Ipinagtatanggol mo pa 'yang jowa mo pang pinaglumaan na ng panahon. Magsama kayo. Para ka lang friend ko sa facebook. Kilala lang ako kapag magpapa-like ng picture ng bata. Pusuan pa daw. Demanding amputa.” Pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya habang nakapalibot kaming anim dito. “Oh, ikaw? Anong entry mo?”

Tinignan ko lang siya ng masama bago kami sabay-sabay na nilamon ng malakas na pwersa. Jusko, Lily. Maaga kaming tutubuan ng uban sayo.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now