065 - NATE

145 19 0
                                    

NATE'S POV

“Hahanap lang ako ng makakain natin.” Sabi ko sa mga kasama. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hindi na hinintay ang sagot ng mga ito.

Tinahak ko ang madilim na bahagi ng kagubatang ito na natigilan namin. Ang totoo doon ay gusto ko lang mapag-isa at mag-isip-isip saglit. Bakit ngayon pa nangyari ang switching na ito? Hindi ako masyadong mapalagay. Baka mapasok ni Lavinia ang isipan ko. Hindi niya maaring malaman ang mga plano ko. Hindi pa ngayon. Kung normal lamang ay kayang-kaya kong itago kay Eli ang nasa isipan kaya't panatag ako sa bawat oras pero kay Lavinia? Hindi ako sigurado. Masyado siyang malakas. Mabuti na yung nag-iingat. 

Nakakuha na ako ng ilang mga prutas ng bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang pangyayari noong gabing nangyari ang pagsugod ng mga halimaw sa Head Quarters....

Sa pagtayo kong muli ay hindi inaasahang napasandal ako sa book shelves nito. Nalaglag doon ang tatlong libro na gumawa ng ingay. Shit. Ipapahamak pa ako nito. Dadamputin ko sana iyon pero natigilan ako. Bumukas kasi yung isa sa mga nalaglag na libro at mula doon ay may nakita akong litratong naka-ipit. Kinuha ko iyon at pinagmasdang mabuti. Isang babae. She's probably in her early forties. Maganda ito. Napakunot ang noo ko dahil habang tinitignan ng matagal ang litrato ay parang may nagiging kamukha ito. Isang nilang na kilala ko.

.
.
.
.
.

..

.
.

.

..

.
Si Lavinia.

This can't be. Nanay niya ba 'to? O kamag-anak? Magkahiwig na magkawig talaga ang mga ito. Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko. Kinuha ko iyon at inilagay sa likod ng bulsa ng pantalon ko. Mukhang napakaraming sikreto ang itinatago ni Charlie. Humanda ito dahil lahat ng 'yon ay aalamin ko.

Ibinalik ko ang mga libro. Hindi pa ako nakakagawa ng panibagong hakbang ng makarinig ng kaluskos sa labas. Naalerto agad ako. Someone is coming!

Dinig na dinig ko ang mga yabag ng mga paa na papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ko ngayon. Shit. Hindi ako pwedeng mahuli. Hindi ko pa natutupad ang mga plano ko. Nadinig ko ang mahinang tunog ng nabuksan na pinto. Halatang ingat na ingat ang kung sino man na ito na makagawa ng ingay para marahil ay hindi ko mapansin ang pagdating niya. Inihanda ko ang sarili. Pinilit kong itago ang aking enerhiya. Sumiksik ako sa loob ng table ni Charlie ng maaninag ko na ang bulto ng kung sino mang nilalang na iyan. Mahaba ang buhok. Isang babae? Nanunuot sa aking ilong ang amoy ng simpleng pabango niya at iisa lang ang kilalang kong mayroong ganoon. Siya nga kaya? Mas lalo ng nalintikan. Mabilis na gumapang ako palapit sa opisina ni Head Master. Bukas naman iyon. Doon ko sana pipiliing magtago pero bigla akong napaisip. Wala akong kawala doon kapag nagkataon. Wala akong lalabasan. Baka mahuli pa ako. Hindi pwede. Isip, Nate. C'mon, man.

Imbes ay sa conference room malapit sa veranda ako nagpunta. Dito. Maraming pwedeng exit para makalabas ng silid na ito. Tumayo ako at binuksan ko ang glass door. Doble iyon. May isa pang nakasara. Hindi ko mabuksan. Tanaw ko dito ang malawak na sport complex. Maya-maya ay naramdam ko ang pagpasok niya. Eto na. Inayos ko ang itim facemask at cap. Hindi kayo pwedeng matanggal. Sa inyo nakasalalay ang pagpapatuloy ng misyon ko.

“Who the fvck are you?” Tanong niya.

Ang boses na iyon. Tama. Si Lavinia nga. Huminga ako ng malalim. Bahala na. Saan ba kasi galing ang isang 'to at gabing-gabi na ay gising pa? Akala ko kanina'y nasa loob na siya ng silid niya. Hindi ko inaasahang may makakahuli sa akin. Pero may plano naman na ako. Hindi ako basta-basta sumusugod ng walang dalang armas.

Ramdam ko ang mabilis na pagkilos niya palapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko. Marahil ay ihaharap niya ako sa kanya pero ako na mismo ang nagkusa. Hindi naman niya siguro ako mamumukhaan lalo na at madilim dito. Patawad, Lavinia pero kailangan kong gawin ito. Ngayon lang, pangako. Ako na ang nauna. Susuntukin ko sana siya ng hindi ganoong kalakas pero nakaiwas siya. Mabilis talaga siya. Ilang beses pa akong nagpakawala ng atake pero lahat ng iyon ay naiiwasan niya. Lalo niya akong pinapahanga. Saan kaya talaga galing ang babaeng ito?

Siya naman ang gumanti. Nagawa niya akong masipa sa bandang tiyan pero mabilis naman akong nakabawi. May pagka-Amazona talaga ang isang 'to.

“Sino ang nagpadala sayo? Anong kailangan mo dito?” Magkasunod na tanong pa niya pero syempre hindi ko sinagot iyon. Alam kong makikilala niya ang boses ko at hindi ako magbibigay ng isang dahilan para mangyari iyon. Malalim na hininga lamang ang isinagot ko sa kanya.

Tinangka ko siya muling suntukin pero sa pagkakataong iyon ay nahawakan niya ang aking braso. Napakahigpit niyon. Halatang hindi ako nais pakawalan. Buong pwersang hinila niya ako. Dahilan iyon para bumagsak ako patihaya at nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Sinakyan niya ako!  Holy shit. Kung sana'y sa ibang pagkakataon ito nangyari edi natuwa pa ako. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Parang mas lalo siyang nagalit. Sa kabila niyon ay hindi pa rin matatabunan ng nararamdan niya ang kanyang maganda at maamong mukha. Alam kong pursigido siyang makilala at paaminin ako. Ngunit mas pursigido akong makatakas. Kumawala ako mula sa pagkakadagan niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga braso sabay baliktad dito. Ako naman ang nakapaibabaw sa kanya at siya naman ang nasa ilalim. My turn. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Itinulak niya ako palayo. Sabay kaming tumayo. Matibay siya. Alam ko 'yun. Matagal na. Medyo nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Kinuha niya ang bakal na bangko na nasa gilid at walang babalang ibinato iyon sa akin. Dahilan para matamaan ako sa may bandang tuhod. Bullshit. Ang sakit 'non, ah? Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Kapag nagtagal pa ako dito ay baka malumpo na ako ng isang 'to. Kailangan ko ng umalis.

Lalapit pa sana siya akin pero natigilan ito, maging ako man ng isang nakakabinging tunog ang umalingangaw sa buong paligid. Ano 'yun? What the fvck? Sobrang sakit niyon sa tainga. Sinamantala ko ang sandaling pagkawala niya sa concentration. Kinuha ko ang bangkong ibinato niya sa akin at buong lakas na inihampas sa glass wall. Malaya akong nakatakbo ng mabilis sa veranda ng mabasag ang harang na salamin. Tumingin ako sa ibaba. Medyo mataas din pala itong silid na ito. Pero bahala na. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tumalon na lamang doon. Gamit ang kapangyarihan ay maayos akong nakababa sa lupa. Buti na lamang at wala pa ding naririto.

Patuloy pa rin sa pag-iingay ang tunog na iyon. Tumakbo ako kung saan. Mukhang may nakapasok sa loob ng Head Quarters. Nakakatiyak akong hahanapin ako ng mga kasama. Hindi sila maaring magkaroon ng hinala sa akin kaya kailangan ko agad makapunta sa kanila. Hinubad ko ang lahat ng suot maliban sa boxer shorts na nasa ilalim ng pantalon ko. Panigradong makikila ni Lavinia ang suot ko kung hindi ko tatanggalin. Tinabunan ko ng dahon ang mga iyon. Bukas na kita babalikan. Likod naman ito ng building kaya wala marahil ang magtutungo dito.

Mabilis na pumunta ako sa lobby. Ekasaktong pagbaba nila Lavinia at Eli. Thank you, Lord. Mukhang nagulat ang mga ito sa ayos ko. Pinangatawanan ko na lang. Kunwari'y kababangon ko lang sa higaan. Doon ako nakahinga ng maluwag...

Kinabukasan, inakala ng mga itong kalaban talaga at padala ng Reyna ang nahuli ni Lavinia na pumasok sa loob ng silid ni Head Master. Walang kaalam-alam ang mga ito na ako 'yun. Mabuti na ang ganoon. 'Yun naman talaga ang nais kong isipin nila.

Binalikan ko din ang mga suot ko na naiwan pero ang mga mangogolekta na lamang ng basura ang naabutan ko doon. Marahil ay nakuha na nila ang gamit ko. Doon ay tuluyan ng nawala ang alalahanin ko. Kaya Nathan, mag-ingat ka. Walang pweseng makaalam ng sikreto mo. Walang pwedeng makaalam... Lalo na si Charlie.

******

Up Next : Eli's POV

*** Ito yung version ni Nathan sa mga kaganapan sa
Chapter 27 - The Picture
Chapter 28 - First Stand

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now