053 - Town Of Arigundon

179 20 14
                                    

Town Of Arigundon

💓💓💓💓💓

“Umayos ka nga.” Sabi ko kay Nate at lumayo dito. “Huwag mo akong daanin sa mga ganyan mo.”

Nauna na ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Hindi ko ito pinansin hanggang sa makakita kami mg isang malaking bilog na parang tarangkahan na may hose na gawa sa bakal sa bawat gilid niyon.

“Ito na marahil ang lagusan.” Sabi niya.

Nagkatinginan kami. Sa wakas natagpuan din namin ang palabas sa kwebang ito.

“Paano natin ito mabubuksan?” Tanong ko.

“Susubukan ko.” Sabi ni Nate. Inutusan niya akong lumayo sa kanya. Gumawa ito ng malaking earth ball at ipinatama iyon sa pinto pero walang nangyari. Nagkapira-piraso lang ang malaking batong ginawa nito at tumalsik kung saan-saan.

“Ako naman.” Nagpalabas ako ng maraming fire ball at sunod-sunod na ibinato iyon sa bagay na nasa harap namin pero ayaw pa din magbukas niyon.

“Matibay. Ayaw magbukas.” Sabi ni Nate.

“Walang matibay sa hindi marunong sumuko.” Sabi ko sa kanya. Pinagmasdan kong mabuti ang tarangkahan. Sa gitna niyon ay naka-ukit ang simbulo ng bawat elemento katabi ng mga larawan na hindi ko mawari kung ano. May mga salita din doon na hindi ko maintindihan. Ang nakapukaw talaga ng pansin ko ay ang hose na bakal na nakapalibot sa malaking bilog na tarankahan na ito hanggang sa gitnang bahagi. Isang idea ang biglang kumislap sa isipan ko. “Alam ko na.” Sabi ko sa kasama. Hinanap ko ang pinakadulo ng hose na nasa ibaba naman. Naglabas ako ng hangin sa aking dalawang kamay at ipinasok iyon ng sabay sa magkabilang gilid.

“Kaya mo na ding kontroling ang hangin.” Sabi ni Nate. Hindi iyon isang tanong kundi isang kumpirmasyon.

“Hindi pa ganoon kagaling tulad ng sa fire element.” Sagot ko sa kanya.

“Ngayon mo lang 'yan natuklasan, hindi ba?”

Tumango ako.

“Baka naman Total Keeper ka?”

“Hindi siguro. Double Keeper, maari pa.”

Matagal nang naputol ang henerasyon ng mga Total Keeper, iyon ang tawag sa mga nilalang na kayang kontrolin ang lahat ng elemento. Ang mga ito na itinuturing na pinakamakapangyarihan sa lahat. Mas makapangyarihan pa sa Reyna o Hari. Ngunit matagal na ang panahon simula noong magkaroon ng Total Keeper dito sa Athens. Sa pagkakatanda ko sa isang librong nabasa ko ay nagngangalang Helena Nelson ang huling Total Keeper. Mula noon hindi na siya nasundan. Mula ng isilang ako hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka-encounter ng isang Total Keeper. Marahil ay wala na ang isang tulad nito. Kung mayroon man 'di sana'y nakasali na siya sa The Four at sigurado akong isa siya sa mga mananalo.

Ilang sandali pa ay may nadinig kaming malakas na tunog ng bakal na nagpipingkian na animo'y isang makina. Mukhang tama ang nagawa namin. Iyon nga ang susi! Maya-maya pa ay nahati na sa gitna ang tarangkahan at unti-unti na iyon nagbukas.

Wala kaming sinayang na oras ni Nate at lumabas na sa kweba. Baka mamaya ay magsara na naman iyon. Eksaktong pag-apak namin sa lupa ay siyang pagsasara niyon.

“Salamat naman at nakalabas na tayo.” Sabi ko ng mapagmasdaan ang isang malawak na daan na napapaligiran ng mga puno. Sa wakay nakalanghap din ng maayos na hangin. Agad ding nawala ang kasiyahan ko ng maalala ang mga kasama. “Sana naman ay mahanap din nila ang daan palabas sa---” Hindi pa man ako tapos sa aking sinasabi nang biglang mawasak ang isang parte ng kweba na malapit sa amin at mula doon ay lumabas sila Eli, Marina at King sakay ng isang napakalaking elepante na siyang nagwasak sa kweba pero muli din iyong nabuo at nagsara.

Tuwang nilapitan ko sila. Bumaba ang mga ito sa malaking hayop. “Buti naman at nakalabas din kayo.”

“Yeah. Dahil sa tulong niya.” Sabi ni King sabay turo sa Elepante.

Tiningnan ko lang ang hayop. Paano nagkaroon ng malaking elepante sa loob ng kweba? Baka matagal na din ito doon at hindi na nakalabas pa hanggang sa dumating kami. Natigilan ako ng mapansin na parang kulang ang mga ito. “Nasaan si Lily?”

“Nandito ako, vakla.”

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang magsalita ang elepante. Peste. May kakayahang nga palang maging kahit anong hayop ang babaeng baliw na ito. Bumalik na siya sa kanyang dating anyo.

“Miss me?” Tanong niya sa aming lahat.

Napangiti na lang ako dahil ligtas kaming lahat. Bukod sa ilang mga galos na natamo namin ay wala naman ng iba pa. Salamat at buo pandin kaming anim. Nilisan na namin ang malaki at mapanganib na kweba at nagsimula na ulit ng bagong lakarin. Hindi na masyadong mainit dahil hapon na. Sa tingin ko mahigit isang oras na lang at lulubog na ang araw.

Nagsimula kaming baybayin ang diretsong daan na napapalubutan ng mga puno at palayan. Para kaming nasa Amity, isa sa mga nasyon sa Athens pero alam kong hindi dahil ilan lang ang nakikita kong bahay na nakatayo dito o mas tamang sabihin na mga kubo. Marami pa nga tagong lugar na hindi nakalagay sa mapa. Tunay din na napakahiwaga ng aming mundo.

“Nasaan ba tayo?” Tanong ni King.

“Nandito tayo ngayon sa China at dadalhin ko kayong lahat sa bayan ng Wuhan para sabay-sabay na kayong mategi.” Sagot ng babaeng talipandas.

“China? Wuhan? ” Tanong ni Marina na halatang ngayon lamang nadinig ang mga pangalan na iyon ng lugar. Kung lugar nga ba talaga iyon.

“Huwag kayong magpapaniwala sa isang 'yan.” Sabi ni Eli. “Sa sampung sinabi niya labing-isa ang mali.”

“Sobrang gwapo mo, Eliazar.” -Lily.

“Maniwala na pala kayo sa mga sinasabi niya dahil lagi 'yang nagsasabi ng tapat. Para sa kanya honestly is the best policy.”

“Ay, hindi. Sinungangaling talaga ako. Kaya nga ang gwapo-gwapo mo.”

Nagsimula na namang mag-ingay ang mga ito na parang walang nangyari. Kinuha ko ang mapa sa bag. Mula sa taas ng Qatara Dessert ay may gumuhit na isang lugar na may nakasulat na.... “Bayan Ng Arigundon.” Sabi ko sa mga ito. “Iyan ang pangalan ng lugar na ito.”

“Arigundo? Ang bantot naman. Sing bantot ni King.” Pang-aasar na naman ni Lily.

“Kailangan na nating mahanap pa ang mga susunod na daan bago pa tayo abutan ng gabi.” Sabi ko sa mga ito. Nagpatuloy kaming anim sa pagtahak sa mahabang at lubak-lubak na lupa na ito.

Hanggang sa nakakita kami ng isang babaeng may dalang mga kahoy sa kanyang balikat na halatang pinagdidiskitahan ng lima pang lalaking nakapalibot sa kanya. Napatigil kaming lahat sa paglalakad.

“Kailangan namin ang pera mo.” Sabi ng isang lalaki dito.

Dinig namin ang boses ng mga ito dahil hindi naman kami nalalayo sa pwesto nila.

“Wala akong maibibigay sa inyo dahil unang-una ay wala naman ako ng hinihingi ninyo.” Sagot nito na parang lalong nagpa-init sa ulo ng limang lalaki. Sa tingin ko mga nasa bente na mahigit ang edad ng mga ito. Hindi nalalayo sa amin.

“Eh, wala palang silbi ito, eh.” Sabi ng lalaki at walang pakundangang itinulak ang babae. Sabay-sabay na tumawa ang mga ito ng matumaba ito sa putikan at kumalat ang mga dala niyang kahoy na sa tingin ko ay mga panggatong. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ng mga ito sa kawawang babae na ngayon ay halos mangiyak-ngiyak na. Kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nito kahit medyo malapit ng kainin ng dilim ang liwanag.

“Mga walang magawa sa buhay. Tsk. Ako na ang bahala sa mga 'yan.” Sabi ni Eli.

Wala na akong nagawa ng lapitan niya ang mga ito. Lagot kayo ngayon. Mukhang may mapagbabalingan na ito ng sama ng loob. Goodluck sa mga lalaki na 'yan.

*******

Natatandaan ninyo ba si Helena Nelson? Siya ang ina ni Nathan, isang total keeper. Balikan ang mga kabanata na

Chapter 008 -He Is Nathan Pinnock
Chapter 016 - Nathan's Plan

Para mas maintindihan ninyo.

Isang bagong character ang susunod na lalabas sa next chapter at muli ay may magbabalik. Abangan.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now