004 - Third-Person POV

756 88 3
                                    

THIRD-PERSON POV

5 years ago

“My majesty, ipinatawag ninyo daw po ako?”

Binitawan ko ang basong naglalaman ng alak at tinignan ang bagong dating na nilalang. Basang basa siya. Malamang dahil sa pagsugod niya sa malakas na ulan. Parang isang unos ang nagaganap mula sa labas. Nagngangalit ang langit. Malalakas na pag-ulan at nakakagimbal ang kidlat.

“Oo.” Inabot ko sa kanyang ang aking palad. “Gusto kong malaman kung paano ako mananatiling buhay magpakailanman.”

Pumikit siya. Pumikit din ako habang binabasa niya ang aking palad. Sa aking balintataw ay agad na pumasok ang isang eksena mula sa hinaharap. Isang mag-asawa. Dalawang supling. Ang kanilang pagdadalaga. Walang kamatayan.

Nang makuha ay nais ay pinaalis ko na siya at pinatawag ang aking mapagkakatiwalaang kanang kamay.

“May ipapagawa ako sayo. Siguraduhin mong malinis at walang kalat. Alam mo namang ayoko ng dumi.”

Umalis na din siya matapos mainitindihan ang nais kong ipagawa. Ito na ang simula ng buhay na walang hanggan. Ito na ang aking simula.

*********

This is it. Magsisimula na ang pagpasok ng bagong kabanta. Ano kaya ang nangyari limang taon na ang nakakalipas? Sino ang nilalang na ito? Sino ang nakita niya sa kanyang pangitain?

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now