028 - First Stand

227 37 9
                                    

First Stand

Mabilis na kumilos ako bago pa siya makatakas. Nilapitan ko siya at hinawakan ng mahigpit sa balikat. Ihaharap ko sana siya sa akin pero siya na ang nagkusa. Naka-facemask at sumbrerong itim ito. Halos wala akong makita sa mukha niya dahil sa dilim ng paligid. Pumorma siyang susuntukin ako pero agad na naiwas ko iyon. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya patungo sa akin. Aaminin ko. Mabilis din siyang kumilos pero nagawa ko namang maiwasan ang mga pag-atake niya. Ako naman ang gumanti sa pamamagitan ng pagsipa sa tiyan nito. Agad siyang nakabawi.

“Sino ang nagpadala sayo? Anong kailangan mo dito?” Magkasunod na madiing tanong ko sa kanya pero tanging hininga lang niya ang nakuha kong sagot.

Nagawa kong mahawakan ang kanyang kaliwang braso ng tangkain niyang suntukin muli ako. Buong pwersang hinila ko siya. Dahilan iyon para bumagsak ito. Sinakyan ko siya. Hindi ka talaga magsasalita? Pwes,  hindi tayo matatapos dito hanggang hindi ka naamin. Sa kalkuka ko,  mukhang malaki ang katawan ng isang 'to.  May ibibiga din naman kahit papaano. Naging matindi ang pagpupursigi nitong makawala. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga braso sabay baliktad sa akin.  Ako naman ang napalailim sa kanya. Itinulak ko siya palayo sa akin. Sabay kaming tumayo. Matibay siya. Pero hindi ang isang kagaya niya ang makakatakas sa akin. Hinawakan ko ang bakal na bangko na nasa gilid at walang babalang ibinato iyon sa kanya.  Natamaan ito sa may tuhod at napaupo dala na din siguro ng idinulot niyon na sakit.

Lalapit sana ako sa kanya para puruhan siya ngunit isang tunog ang umalingangaw sa buong paligid. What the hell? Anong nangyayari? Nakakabingi iyon. Sinamantala nito ang sandaling pagkawala ng aking konsentrasyon. Nakita ko na lamang na inihampas niya ang bangko na ibinato ko sa kanya sa glass wall at malaya siyang nakatakbo patungo sa veranda ng mabasag ang harang na salamin. Doon siya tumalon.

Nagtungo ako doon at sumilip. Wala na agad ito. Napakataas ng tinalunan niya. Kung ordinaryo lamang itong nilalang ay baka nasugatan o namanatay na siya mula sa pagkakabagsak. Nanigas ang aking mga kamao. Mukhang hindi nga basta-basta ang mga kalaban namin. Pero ano nga bang nangyayari sa buong Head Quarters?

Lumabas na ako ng opisina ni Head Master. Kailangan kong tignan kung anong nagaganap. Sa labas ay nadatnan ko si Eli. Naka-panjama pa ito at puting t-shirt. Nakaabang sa elevator na magbukas. Mukhang nagising ito sa ingay. Si Lily kaya? Hayyy. Ano pa bang aasahan sa babaeng 'yun?

“Ano ang tunog na iyon?” Tanong ko sa kanya.

“Mukhang napasok tayo.” Sagot nito.

Napasok? Baka may kinalaman din iyon sa lalaking nasa kwarto ni Charlie. Sabay na kaming bumaba para tignan kung ano ang nangyayari. Pagdating sa unang palapag ay nakita naming nakatayo sa may lobby si Nathan. Naka-hubad at isang maikling short lamang ang suot nito. Nakayapak pa ito. Mukhang napalabas na lang din siya sa kanyang kwarto at hindi na nagawang makapagbihis. Ang babaeng baliw kaya?

“Anong nangyayari?” Tanong ko paglapit namin sa kanya. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya sa kanyang ayos. Bigla akong nauhaw.

Umiling ito. “Hindi ko din alam. Pero nakakatiyak akong sila ang may kagagawan nito.”

Tinignan ko ang itinuturo niya sa labas. Nagulat ako sa dami ng bilang ng mga kakaibang uring nilalang na nakapalibot sa buong Presedintial Building. Mga nasa dalawandaan iyon. Nanlilisik ang kanilang mga mata habang nakatingin sa aming tatlo. Puti ang kanilang kulay mula buhok hanggang paa. Nakayapak lang din ang mga ito. Malalaki ang kanilang katawan. Ang kanilang mukha ay parang may ugat-ugat na dumadaloy hanggang sa kanilang tiyan. Kakaiba ang uri ng mga ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.

“Ano ang mga 'yan?” Tanong ni Nate habang pinagmamasdan ang mga ito sa liwanag ng buwan.

“Hindi ko din alam. Hindi maganda ang pakay nila dito. Sigurado ako 'dun. ” Sagot ko.

“Patayin! Patayin ang apat na hinirang!” Sabay-sabay na sigaw ng mga ito. Paulit-ulit iyon habang nasa aming tatlo ang tingin nila.

Nagkatinginan kami. The Four ba ang tinutukoy ng mga ito? Para sa kaligtasan ng iba ay nag-utos si Eli sa security team na ianunsiyong wala munang lalabas ng kani-kanilang tirahan. Tumawag na din ito ng back-up pero mabilis ko siyang pinigilan.

“Tayo ang kailangan nila.” Sabi ko sa mga ito. “Tayo lang din ang lalaban sa mga 'yan. Handa na ba kayo?” Hindi pwedeng may madamay. May kapangyarihan kami kaya kahit papaano ay kaya namin silang tapatan. Pero paano ang wala? Baka mapaslang pa ang mga ito ng wala sa oras.

“Handang-handa. ” Sagot ni Eli. “Matagal-tagal na din bago tayo huling nakalaban. Exciting 'to. Sa wakas, magagamit ko din ang mga pinag-aralan ko sa loob ng lagpas dalawang buwan.”

“Kung gayon ay tapusin na natin ang mga 'yan.” -Nathan.

“At ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo?!”

Napatingin kami sa babaeng sumigaw sa bumukas na elevator. Si Lily. Talagang laging may special introduction ito. Nagising na din pala siya.

“Akala ba ninyo ay kayo lang ang lalaban?” Sabi niya paglapit sa amin. “Moment ko din 'to, no? ”

“Well, let see. Goodluck na lang sayo. Pero kung gusto mo naman pwedeng ikaw na lang ang lumaban sa kanila. Mapagbigay naman kami.” -Eli.

“He's right.” Segunda ni Nate.

“Nanay mo goodluck. Palibhasa nakita kita kanina sa cr...nagbabate.”

“Sinungaling. Kadiri ka.”

“Pero infairness, ha. ” Binalinggan naman niya si Nathan. Nanlaki ang mga mata ko ng pasadahan niya ng kanyang kamay ang katawan ng lalaki. Pinisil-pisil pa nito ang tiyan niya habang ang itsura ay parang punong-puno ng pagnanasa. “Ang tigas, ah. Taray. Ganda ng katawan. Mukhang masarap ka din naman. Pwedeng patikim?”

Jusko. Napunta siguro ang karamihan ng porsyentong para sana sa IQ at EQ nito sa kalibugan at kamanyakan. To the highest level. Walang duda. Mukhang talagang pinagkaitan siya ng karapatang matuto noong bata pa siya. Ibang klase! One of a kind.

Itinulak nito palayo ang baliw. “Hindi kita type. Sorry.”

“Alam ko. Si Lavinia ang gusto mo, eh.”

Ano na namang pinagsasasabi ng babaeng 'yan?

Hindi ito nakapagsalita at napatingin lang sa akin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

“Ehem.” Pukaw sa amin ni Eli.

Ano ba 'yan,  Lavinia? Natutulala ka na naman! Erase, erase, erase! Hindi maganda 'yan.

“Patayin! Patayin ang apat na hinirang!” Sigaw na naman ng mga ito.

“Ano, atat?” Ganting-balik sa kanila ni Lily. “Hindi makapaghintay? May lakad kayo? Mga mukhang espasol na ito. Kala ninyo naman ang ga-gwapo ninyo eh mukha naman kayong mga bumbay na nagpapautang ng banig at kulambo.”

Sabay-sabay na lumabas kami ng building para harapin ang mga ito. Ayos. Ito ang unang beses na lalaban kami bilang The Four at hindi bilang makakatunggali noon sa kompetisyon.

Tinignan ko ang tatlo. “Ipakita natin sa mga 'yan kung paano at kung bakit tayo naging The Four.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now