008 - He Is Nathan Pinnock

492 64 12
                                    

He Is Nathan Pinnock

Hi. For the first time. In the flesh. It's me Nathan. Actually, expected ko na isa ako sa mga mapapasama. Bakit? Syempre. Pinaghandaan ko to, eh. Training araw-araw. Saka may tiwala ako sa sarili ko.  Sukat ko ang aking lakas at kakayahan. Gusto ko ding batiin 'yung tatlo ko pang kasama. Lahat sila magagaling especially si Lavinia. Walang halong pambobola. Mahusay talaga siya at walang duda 'yun. Isa kaya ako sa mga tutok na tutok sa kanya tuwing siya ang lalaban. Walang kakurap-kurap ang mata. Grabe. Hahanga ka talaga. Parang buong-buhay niya 'ata ay yun na ang pinagkakaabalahan niya. Bravo. Magaling. Magaling.

I'am Nathan Pinnock. Ako 'yung tipo ng lalaki na seryoso pagdating sa mga masinsinang usapan, masayahin sa lahat ng nakakatawang bagay, galit sa mga hindi kaaya-aya. What I'm trying to say is kung ano ang ibinigay mo sa akin iyon din ang makukuha mo. Anghel ako sa nilalang na mabait sa akin. Pero kaya kong maging demonyo sa mga susubukang gaguhin at lokohin ako. Baka mas masahol pa. Kaya, don't try messing with me,  ha? Baka hindi mo kayanin. Mabait lang ako tignan pero iba din ako magalit. Huwag ninyo ng subukan dahil baka hindi ninyo magustuhan ang makikita ninyo. Hindi ako nananakot, nagpapaalala lang ako.

Isa akong Earth Keeper. Ang elemento ng lupa ang bumubuhay sa lahat ng naririto. Mula sa hayop hanggang sa amin mismo na may mataas na pag-iisip. Ito din ang nagbibigay pagkain sa buong kalupaan. Noong una, inakala kong sumpa ang kakayahan ko na ito. Alam ninyo ba kung bakit? Ito ang dahilan ng kamatayan ng aking mga magulang. Sa pagkaka-alala ko gusto akong kuhanin noon ng mga naka-puting gown na parang scientist para marahil mapag-aralan ng mga ito ang kakayahan ko. Sa pagpigil sa kanila namatay ang aking mga magulang. Ilang taon kong dinibdib ang malagim na pangyayari na iyon sa aking buhay. Matagal kong sinisi ang aking sarili. Na kung sana ay hindi na lang sa akin napunta ang kakayahan na ito, na sana ay hindi na ito lumabas, na sana sa iba na lang. Pero wala ng magagawa ang mga sana ko na 'yun. Wala na sila. Nagawa ko lang patawadin ang sarili ng isang gabing mapanaginipan ko sila. Doon. Doon ko sinimulang tanggapin ng buo ang aking kapangyarihan. Mula pagkabata ay sinanay ko na ang sarili para maging malakas at matatag. Isa lang ang hangarin ko sa lahat ng ito. Ang maipaghiganti ko ang aking mga magulang sa pumaslang sa mga ito. 'Yun ang dahilan kung bakit ako nandito. Sa tingin ba niya ay hindi ko siya babalikan? Tandang-tanda ko ang kanyang mukha lalo na ang pagbaril niya sa aking mga magulang. Hinding-hindi ko malilimutan ang kanyang pagmumukha kahit isang munting bata pa ako noon. Malinaw na malinaw sa aking memorya ang lahat magpagsa-hanggang ngayon. Buti na nga lang at nakatakas ako sa mga ito. Matagal kong inihanda ang aking sarili para dito. Ngayong unti-unti na akong nakakapasok sa kanilang mundo ay hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito. Maipaghihiganti ko na din ang aking mga magulang. Get ready. I'm coming for you. Ililibing kita ng buhay sa lupa at sisiguraduhin kong tamang presyo ang sisingilin ko sayo. Sinisigurado ko ding walang makakaharang sa mga plano ko. Pasensiyahan na lang sa madadamay. Nabuhay ako dito. Handa na din akong mamatay para lang sa ipinaglalaban ko.

Minana ko lahat ng ari-arian ng mga magulang ko. 'Yun ang ginamit ko para mabuhay hanggang sa mga oras na ito. Hindi na nila ako hinanap. Marahil akala nila wala na ako o baka nga iniisip nila patay na ako. Pero hindi ako tumigil. Sa tulong ng kapangyarihan, pera at koneksiyon nalaman ko kung ano talagang pakay nila. Hindi kapangyarihan ko ang nais nilang kuhanin kundi ang aking dugo. Dugo ng anak ng isang Total Keeper.  Total Keeper ang tawag sa isang nilalang na kayang kontrolin ang pitong elemental power-fire, air, water, earth, ice, light, and dark. Isang total keeper ang aking ina. Nawala ang kanyang mga kapangyarihang iyon ng isilang niya ako kaya hindi na din niya nagawa marahil na ipagtanggol ang sarili. Isinilang naman na normal lang ang aking ama. Wala ding nagawa ang mga ito kundi tanggapin ang kanilang mapait na kamatayan. Pero ako. Hinding-hindi ko matatanggap yun. Magbabayad silang lahat. Maniningil na ako. Ito na ang simula. Maghanda na siya dahil lintik lang ang walang ganti.

Gagamitin ko ang aking pagkapanalo para maisakatuparan ang aking mga binabalak.

“Ouch! ” React ng babaeng nahiwaan ko ng ispada sa bandang balikat.

Medyo nawala ako sa concentration dahil sa lalim na ng nilipad ng aking pag-iisip. Tinignan ko ang limang lalaki at limang babae na tinuturuan ko ngayon ng tamang paghawak at paggamit ng ispada. “Tapos na tayo para sa araw na ito.”

Pagkasabi niyon ay agad na naglabasan ang mga ito mula dito sa malaking gymnasium kung saan kami nagpa-practice.

I am now the President of the Department Of Weaponry. Ako na din ang nagtuturo sa mga students sa The Four Academy tungkol sa lahat ng uri ng sandata at kung paano ito gamitin ng tama.

Here's Some Facts About Myself

1. Age : 23
2. Place : Dauntless (Home for the soldiers,  heroes, and warriors and the second Nation of Athens)
3. Birthday : November 20
4. Favorite Color : Brown
5. Favorite Food : Fried Chicken
6. One Word To Describe Myself : Brave
7. Relationship Status : No comment
8. What I hate : I hate him. No. Let me replace, I want to kill him.
9. Makes me laugh : The Indestructible Girl
10. Crush : Saka na 'yan.

Palabas pa lang ako ng gymanasium ng magtext si Charlie.  Kailangan daw kami sa office niya. As in, now.

*********

Oh, ayan. Medyo kilala ninyo na 'yung tatlo.

Eliazar, easy-go-lucky boy
Lily, the indestructible girl
Nathan, a guy with a plan

Ngayon, sino kaya 'yung tinutukoy ni Nathan? Kanino siya maghihiganti at sa paanong paraan?

Nilalabas ko lang 'yung mga twist at ilang sanga ng istorya.

#1 - Third-Person POV
#2 - Bella, the mortal girl
#3 - Nathan's Plan

Don't worry. Magko-connect lahat 'yan kapag nakumpleto na ang lahat ng sangang bubuo sa isang malaking puno. 😊😊😊

Ikaw? Ano sa tingin mo?

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now