054 - First Mission Day 1

175 20 7
                                    


First Mission Day 1

💓💓💓💓💓

Kitang-kita naming lahat kung paano pinatumba ni Eli ang limang lalaking halatang nangguggulo sa kawawang babae. Kahit hindi niya gamitin ang kanyang kapangyarihan ay panigurado akong matatalo agad nito ang mga lalaki sa loob lamang ng isang minuto. Nilapitan namin ang babae. Tinulungan siyang tumayo ni Marina.

“Okay ka lang?” Tanong ni Nate dito.

Tumango ito habang titig na titig sa aming mga mukha. Lalo na sa akin. “The Four?” Tanong nito.

Nagkatinginan kaming apat. “Kilala mo kami?” Tanong ko sa babae. Pinagmasdan ko siya. Matangkad ito at morena. Nakasuot siya ng kulay abong dress na kupas na at parang isang hatak na lamang ay mapupunit na iyon.

“Oo naman. Walang hindi nakakakilala sa inyo.” Sagot nito.

'Ganon?

“Maari ka ng umuwi.” Sabi dito ni Eli. “Hindi ka na guguluhin ng mga lalaking iyon.”

“Salamat po.” Tumungo pa ang babae para magbigay pugay na akala mo'y mga hari at reyna kami.

“Ay, hindi naman pwede 'yan.” Biglang react ni Lily. “Wala ng libre sa panahon ngayon. Baka naman may pagkain ka diyan?”

Binalingan ko siya at tinignan ng masama. Umiral na naman ang pagkapatay-gutom ng isang 'to. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Nagugutom na kami, eh.” Dagdag pa nito. “Nandito kami dahil sa isang paglalakbay. Four days na kaming walang kain at pahinga. Wala pa din kaming matutulugan. Baka naman.”

Apat na araw talaga? Isa pa lang. Nasa plano ba namin ang matulog?

“Huwag mong pansinin ang babaeng 'to.” Sabi agad ni Nate sa babae na hindi pa namin alam miski ang pangalan. “Ganito talaga 'to minsan. Nawawala sa sarili kaya kung ano-ano ang pinagsasabi-sabi.”

“Hindi pa kayo nakakakain?” Tanong nito. “Wala akong maibibigay na pagkain ngayon dahil wala akong dala na kahit ano.”

“Huwag mo na kaming pansinin. Okay lang kami. ” Sabi ko dito na kahit ang totoo ay kanina pa ako nakakaramdam ng gutom.

“Tutal niligtas ninyo naman ako sa mga lalaking iyon maari kayong sumama sa akin pag-uwi ko sa aming tirahan. Malapit na lang iyon dito. Natitiyak kong may lutong pagkain na ang aking ina. Ituring ninyo na iyon na kabayaran. Iyon ay kung pagkakatiwalaan ninyo ako.”

“Oo naman.” Sagot agad ni Lily at lumapit dito. Humawak pa siya sa braso ng babae na para bang mag-bestfriend na ng matagal ang mga ito. “Tara na, bessy. Ano bang luto ni Tita?”

Wala na kaming nagawa ng hilain na niya ang babae sa paglalakad. Mukhang hindi na din kaya ng mga kasama ko ang gutom kaya wala na ni isa man sa amin ang tumutol sa ideyang iyon. Si King na ang nagdala ng mga kahoy 'nung babae. Ang sabi ng ilan huwag daw agad magtitiwala. Harmless naman 'ata siya. Kung may binabalak man itong masama kaya naman siguro namin itong mapigilan agad.

Limang minuto lamang ang lumipas ay narating na namin ang bahay ng estrangherong babae. Pagdating pa lang sa pinto ay sinalubong siya ng isang ginang na sa tingin ko ay nasa singkwenta na ang edad. Ito marahil ang kanyang ina. Malugod naman niya kaming tinanggap sa kanilang payak at simpeng tahanan. Bigla ko tuloy naalala ang buhay ko noon sa gitna ng malawak at masukal na kagubatan.

“Ang baho naman dito, Lavinia. Amoy panis na macaroni.” Bulong sa akin ni Lily na nasa likod ko habang iginigiya kami ng ginang papunta sa mahabang upuan.

Kinurot ko siya sa kanyang braso. “Huwag kang maingay diyan. Magpasalamat ka na lang dahil malalamnan na din yang sikmura mong napakadaming alaga. In the first place, ikaw ang may gusto nito.” Mahinang sabi ko sa kanya.

Intrimitida talaga ang babae na 'to. Hindi pa magpasalamat. Sa totoo lang hindi naman mabaho. Baka bibig niya lang ang naamoy niya. Simple lang ang tirahan nila. Isang hindi kalakihang kubo na sama-sama na ang tulugan, pahingahan, at lutuan pati na ang hugasan. Ano pa bang aasahan ko? Halos ganito din naman ang tirahan ko noon. Mabibilang lamang ang gamit sa loob nito. May dalawang mahabang kahoy na upuan kung saan kami nakahanay, may papag na gawa sa kawayan at lamesang pinagkakainan. Dalawang gaserang malaki ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nang marating namin ang tahanan na ito ay tuluyan ng dumilim.

“Maraming salamat sa ginawa ninyong pagtatanggol kay Selene.” Sabi ng ginang ng lapitan kami at alukin ng kape na hindi naman namin tinanggihan. Mainitan man lang ang mga sikmura namin. Ang tinutukoy nitong Selene ay ang babaeng nakita namin. Iyon ang pangalan niya.

“Wala hong anuman.” Sabi ni King dito. “Bayad na ho kayo dahil sa sandaling pagpapatuloy at pagtanggap po ninyo sa amin dito sa inyong tirahan.”

“Wala ba kayong pandesal dito?” Tanong ng baliw habang nahigop. “My gaaaad. Anong klaseng kape 'to? Bakit ang pait? Wala ba itong asukal? Wala ba kayong creamer diyan? Brewed coffee ang gusto ko.”

Tinapakan ko ang kanyang paa sa ilalim ng mesa. Kami kasi ang magkatabi. Wala na talagang kahihiyang natitira sa katawan ang isang 'to. Buti na lamang at mukhang hindi siya nainitindihan masyado ng matanda dahil sa bilis nitong magsalita. Kung makapareklamo wagas pero siya naman ang kauna-unahang kumuha ng kape at humigop mula doon.

“Karangalan naming pagsilbihan kayo.” Dagdag pa ng matanda.

Bigla tuloy akong nahiya. Tinignan ko siya. Hanggang dito pala ay kilala kami. “Ituring ninyo lang po kaming hindi naiiba sa inyo.” Sabi ko sa kanila.

“Tama po.” Sang-ayon ni Eli.

“My gaaaad. Ang init. Nagpapawis na ang kipay ko. Wala ba kayong aircon dito? O kahit electric fan na lang?”

Tinapakan ko na naman ang paa ng babaeng bwiset. Wala ba talaga itong balak itahimik ang kanyang bibig kahit na sandali lamang? Paano magkaka-aircon dito? O electric fan? Wala ngang supply ng kuryente sa lugar na 'to. Sa estado din ng pamumuhay ng mga ito mas uunahin pa ba nila ang pagbili ng mga bagay na iyon? Saka hindi naman mainit, ah? Ramdam ko nga ang hangin na lumulusot sa bawat tabing sa kubo na gawa sa pinagpuputol na kawayan. Mapuno sa paligid. Malakas din ang hangin sa labas. Ano ba ang pinagsasasabi nito? Hindi ba talaga marunong mag-isip ang babaeng ito? Jusko po naman.

“Hindi ka pa din talaga nagbabago, Lily.”

Napatingin kaming lahat sa babaeng biglang nagsalita at pumasok sa loob ng munting bahay na ito.

Ohhh

.

.

.

.
mmmyyyy

.

.

.

.

.
.
goodneesssssss.

.

.
.

Nanlaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ito.








*********

Clue kung sino ang dumating :
Piliin Mo Ang Pilipinas

About The Story #1
*** 17 Days ko lang sinulat ang The Four (Battle For Stardom)


Dedicated ang chapter na ito para kay Apathetic_Writer Sayo galing ang character ni Selene. 😊😊😊

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now