039 - His Revenge

205 26 0
                                    

His Revenge

ELI'S POV

Mabilis na nakadating ako sa kaharian ng Athens. Binaybay ko ang mahabang tulay. Nang makarating sa entrada ng palasyo ay hinarang ako ng limang kawal na nagbabantay sa labas. Tinutukan nila ako ng kanilang mga dalang ispada nang makita ako.

“Paumanhin, Ginoo. Hindi na natanggap ng bisita ang palasyo sa ganitong oras.”

Tinginan ko ng masama ang mga ito. “Hindi pagbisita ang ipinunta ko dito.”

“Kung ano man 'yan ay ipagpabukas mo na lamang. Hindi ka namin maaring papasukin sa loob depende na lang kung utos ng Reyna.”

“Hindi ninyo ba ako kilala?!” Patanong na sigaw ko sa mga ito. Huwag nila akong susubukan at baka sa kanila ko maibuhos ang lahat ng galit na naiipon sa dibdib ko.

“Kilala ka namin.” Sagot ng isa. “Ikaw si Eliazar at isa sa miyembro ng The Four. Hindi sapat na dahilan iyon para basta ka na lamang pumasok sa loob.”

“Inuubos ninyo ang pasensiya ko.” Sabi ko sa mga ito. “Huwag ninyo akong pipigilan dahil talaga makikita ninyo ang hindi ninyo pa nakikita.”

Naglakad ako patungo sa tarangkahan pero hinawakan ako sa braso ng isa sa mga taga bantay. Pasensya na pero kailangan kong gawin ito. Walang sino man ng pwedeng pumigil sa akin ngayon.

Ang sabi ng ilan hindi daw basta-basta ang limang tagapag-bantay sa labas ng pintuan. Malalakas at hindi basta-basta natatalo ang mga ito. Wala akong pakielam. Magkakasubukan kami.

“Huwag mo akong hahawakan.”Sabi ko sa isang taga bantay. Isang suntok ang ipinagkaloob ko sa kanyang matigas na mukha. Gumati siya pero agad kong naiwasan. Isa pang atake ang ginawa nito pero mabilis na naiwasan ko iyon. Malalaki ang katawan ng mga ito pero hindi ako natatakot sa kanila. Ngayon pa ba? Wala na sa bokubolaryo ko ang salitang takot. Ang naiisip ko lang ay paghihiganti at mabigyan ng katarungan ang masalimuot na pagkamatay ng mga magulang ko.

Nagawa kong maiwasan at masalag lahat ng ginagawa ng mga itong pag-atake. Nagsabay-sabay na sila. Pagtulungan man ako ng mga ito ay hinding-hindi nila ako mapapabagsak. Pinalibutan nila akong lima habang inaasinta ang bawat hawak nilang ispada. Sinipa ko ng sobrang lakas sa tiyan ang pangalawa. Napaluhod ito. Tinuhod ko ang kanyang pangit na mukha. Maka-ilang beses ko pang ginawa iyon hanggang dumugo na ang kanyang ilong. Malakas na pagdagok naman ang iginawad ko sa pangatlo mula sa kanyang likod. Sinipa ko palayo ang pang-apat. Talsik ito sa hindi kalayuan. Siya namang pag-atake ng panglima. Sinipa ko siya pero nagawa niyang maiwasan. Pinaulanan ko ito ng sipa at suntok. Kung mabibilis ang mga ito ay mas mabilis ako. Kung malalakas ang mga ito ay mas malakas ako. Handa akong pumatay ano mang oras.

Sinipa ko ang paa 'nung unang lalaking sumugod sa akin. Nawala ito ng balanse. Napahiga ito sa sahig. Tindyakan ko ang kanyang pagmumukha ng ilang beses. Tignan ko lang kung makabangon ka pa. Gusto ninyo talaga akong subukan, ha?  Sige. Damhin ninyo ang galit ko. Ramdam ko ang mabilis na pagsugod ng dalawa pang lalaki patungo sa akin. Mabilis ang naging mga kilos ko. Nahawakan ko sa mukha ang isa. Hindi ako nagdalawang isip na ingudngod ito sa sahig. Limang beses ko pang inumpong ang mukha nito hanggang sa nawalan siya ng malay. Tatlo na lang. Hinarap ko ang pangatlo. Akmang susuntukin niya ako pero nagawa kong maiwasan iyon. Nagpalitan kami ng atake sa isa't-isa. Nang makakuha ng tiyempo ay tindyakan ko ito sa tiyan. Gumulong ito pababa sa hagdan. Ganoon din ang pang-apat. Tumalon ako para bigyan ang panghuli na malalang atake. Sinipa ko ang kanyang pagmumukha. Bumagsak ito at nawalan ng malay.

Hinihingal na pumasok ako sa loob ng kaharian ng kusang magbukas ang pintuan niyon.

“Hanggang diyan ka na lang!” Sigaw ng isang kawal na may kasama pang siyam. Bale sampu ang mga ito.

Tinignan ko sila ng masama. Wala na akong oras para sa mga ito. “Sleep.” Pinasok ko na ang isipan nila na nagawa ko naman ng ganoong kadali lamang. Basta na lamang nakatulog ang mga ito sa sahig. Mainam.

Agad na tinungo ko ang trono ni Hestia. Tama nga. Doon ko siya nakita. Wala siyang karapayang umupo diyan dahil sa mga pinaggagagawa niya. Mukhang nagulat siya ng makita ako.

“Eliazar.” Sabi niya. Tumayo ito.

Nginitian ko siya ng nakakaloko. “Buti naman at natatandaan mo pa ako.”

“Ano ang ginagawa mo dito?” Simpleng tanong nito na para bang walang ginawang masama. Napakagaling magpanggap.

Nilapitan ko siya at walang babalang sinakal sa kanyang leeg. Sobra na ang galit na nabubuo sa aking dibdib. “Anong ginagawa ko dito?” Sabi ko sa kanya habang sakal-sakal siya. Mas hinigpitan ko pa iyon para maramdaman nitong tunay ang sakit na nararamdaman ko. “Nandito lang naman ako para maningil. Anong karapatan mo para kuhanin ang buhay ng mga magulang ko, ha?! Panginoon ka ba?!” Sigaw ko sa kanya.

Halata na ang paghihirap nitong huminga sa napakaamo niyang mukha. Maling-mali ang pagkakakilala dito ng lahat. Nakatago sa maamo nitong anyo ang isang demonyo.

“H-h-hin-di k-ko al-am ang sinasa-bi mo.” Paputol-putol ma sabi nito.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya hanggang sa mapaluhod na ito. Hindi ko pa din siya binibitawan. “Sinungaling! Paano kaya kung ngayon pa lang ay putulin ko na 'yang hininga mo? Magbabayad ka!”

Bago ko pa ito mapatay sa pagkakasakal ay biglang may isang malakas na pwersa ng hangin ang tumama sa akin. Tumalsik ako sa matigas na pader. Hindi ko namalayan na may ilang butil ng luha na palang bumagsak sa aking mga mata. Sana ay panaginip lamang ang lahat ng ito. Bago tuluyang mawalan ng ulirat ay naramdaman ko pa ang paglapit ng isang bulto ng lalaki sa Reyna. Hintayin nila ako dahil hindi pa ako tapos. Hindi pa ako tapos.

First Stand *CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt