058 - Lily & Lavinia

205 27 13
                                    

💓💓💓💓💓

LILY'S POV

Isa, dalawa,  tatlo.
Sinong mananalo.  🎼🎵🎧
Apat, lima, anim,
i bicks na nga natin. 🎤🎶🎼
Pito, walo, siyam,
magdudukit ako.🎵🎧🎤

Hi. This is me...again. Ako si Lily Cruz

.

.

.

.

.

.

.

..

.
Nakasisiguradong gamot ay laging bago.

Nakapasok na ang mga vaklang kasama ko sa loob ng kani-kanilang pinto habang hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa labas. Punyetang bagay na ito. Pang mahirap. Ayaw magbukas! Asnamon voyenazar! Open sesame! Abra Kadabra! Kara Mia! Kara David! Peste. Ayaw talaga. Sinusubukan talaga ako nito, ha? Pwes, magkakasubukan talaga tayo. Ako pa ba ang hahamunin mo? May lakas ako ng sampung kabayo. Watch me.

Muka sa aking bulsa ay inilabas ko ang lata na naglalaman ng hinuli kong baka. Itinapon ko iyon at sumigaw. “Bakekang, ikaw ang lumaban!” Oo. 'Yon ang pangalan niya.

Lumabas nga ito pero agad ding nagtatakbo ng makawala siya. Aba, huwag ako, ha. Hinabol ko ang hayop ay sinipa sa kanyang pagmumukha. Bwiset. Papahabulin pa ako. Tumba ito at napahiga sa sahig. Buti nga sa'yo. Pero wait ka lang diyan. Dahil wala ka ng silbi gagawin na kitang corned beef ngunit mamaya na. May misyon pa akong dapat tapusin.

Binalikan ko ang kulay green na pinto. Hindi ka talaga magbubukas? Tignan natin ang galing mo. Naglabas ako ng maso sa aking bulsa. Paulit-ulit ko iyong pinukpok hanggang sa bandang huli'y hindi pa din natinag. Lawit na ang dila ko pero hindi man lang ito gumalaw. Aba, matindi talaga. Mag-isip ka, Lily. Ano ba ang dapat kong gawin? Oh,  wait. May isip ba ako? Nakalimutan ko wala nga pala. Unfortunately, puro kagandahan lang ang nakuha ko. Keri na 'yun. Atleast, hindi ako kamukha ni Grace Poe. Love Poe, pwede pa. Tapos si Lavinia, kamukha naman ni Fernando Poe. Maniwala kayo, I swear. Kahawig niya talaga.

Ano bang gagawin ko? Ayaw talagang magbukas ng pesteng pintuan na ito. Kapag ako naiinis babalik na lang ako sa Head Quarters o kaya naman maghahanap na lang ako ng lalaking masarap. Nakakabwiset. Pinapahirapan ako. Isa pang pukpok pero ni hindi man lang iyon gumalaw.  Ayaw mo? Oh,  edi huwag.

Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa nadako ang aking paningin sa nakabukas na pinto na pinasukan ni Lavinia. Alam ko na ang gagawin. Isang idea ang bigla na lamang kumislap sa aking isipan. Get ready to rumble.






*****





LAVINIA'S POV

Pagpasok pa lamang ay sinalubong na ako ng kadiliman dito sa loob ng napakalaking mansion. May kaunting liwanag naman na tumatagos sa makakapal na kurtina sa bawat bintana kaya sa tingin ko'y hindi ko na kakailanganing maglabas ng apoy para makita ang paligid. Sapat na ito. Puro sapot o bahay ng gagamba ang buong kabahayan. Hindi ko na alintana ang ilang dumidikit sa aking buhok. Ang sangsang ng amoy dito. Nakaka-suffocate. Parang samyo ng nabubulok na hayop at basura. Ang hirap sikmurain pero wala namang mapagpipilian dahil dito kami dinala ng mapa. Hindi naman kami mapupunta dito ng walang rason. Nakakalat ang iba't-ibang gamit sa sahig na wala sa kanya-kanyang ayos na binalot na din ng mga alikabok na pwede ng pagtaniman dahil sa sobrang kapal na ng mga iyon. Parang may limang kalabaw nagwala sa lugar na ito puro mukhang matagal ng walang nakakarating dito dahil halata namang natambak na ang bahay na ito at hindi na naisako. Sino kaya ang nagtangkang tumira sa liblib na lugar na ito? Who knows, hindi ba? Parang ako lang din dati. Ang sarap kaya manirahan sa isang tahimik at payapang lugar na malayo sa sibilisasyon na puro gulo at karumal-dumal na krimen.

Sino kaya ang may-ari nito? Sino kaya ang huling nanirahan dito sa Haunted Mansion? Haunted? Hindi ako naniniwala diyan. Hindi ako naniniwala sa multo. Sabi nga nila matakot ka na sa buhay huwag lang sa patay. They can't harm you. Para sa akin isa lamang iyong bahagi ng imahinasyon. Isang ilusyon, 'ganon. Saka umagang-umaga, oh. Ang taas ng sikat ng araw sa labas. May multo ba sa ganitong oras? Hindi ba kadalasan lagi silang gabi magpakita ayon na rin sa mga kwento-kwento. Sa palagay ko hindi multo ang matinding kalaban namin na maaring naririto. Ano siya? Alam ko malalaman ko din 'yan ano mang sandali.

Para akong magnanakaw sa aking mga kilos. Iniiwasan kong makagawa ng ingay dahil napakatahimik ng paligid. Nakakatakot basagin ang katahimikan. Mistulang nasa ibang mundo na ang aking mga kasama dahil wala ni isa sa kanila ang aking nadidinig o nararamdaman man lang. Ano na kaya ang nangyayari sa mga ito? Hindi na siguro ako dapat mag-alala sa kanila. Kaya naman ng mga ito ang kanilang mga sarili.

Lumipas ang ilang minuto. Binaybay ko ang mahabang pasilyong nakita ko pati na ang hagdan na mataas at matirik hanggang sa nakarating ako sa ikalawang palapag. Kanina ko pa nararamdaman na parang may  nanonod sa aking mga kilos. Hindi ko siya pinansin. Wala pa namang nangyayaring kahit ano. Ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa gilid. Kakaiba na din ang amoy dito. Amoy parang naluom.

Muntik na akong mapasigaw ng isang nilalang ang bigla na lamang lumitaw sa aking harapan. Jusko. Aatakihin ako sa puso nito ng wala sa oras. Buong tapang na pinagmasdan ko siya. Isang babaeng nakasuot ng mahabang puting dress na puno ng pulang tinta. Dugo ba iyon? Siguro. Nakapakabaho sa pang-amoy. Malansa. Bukod doon wala na itong ibang suot. Ang kanyang mukha ay puno ng sugat at inuuod na. Napaatras ako sa kanya. Nakakatakot ang wangis nito.

“Sino ka?” Tanong ko sa kanya.

Mula sa pagkakatungo ay tumingin siya sa akin at unti-unting lumapit. “Ako ang tatapos sayo!” Sigaw nito sabay sugod patungo sa direksiyon ko.

Tumalon ako patungo sa likod nito. Atat, ha? Gusto na agad akong tapusin? Hindi pa ipinapanganak ang nilalang na makakapatay sa akin. Sige. Gawin na natin. Pinapadali mo lamang ang iyong buhay. Humanda kang halimaw ka. Sa ngayon, wala akong awa sa mga katulad mo. Napansin ko lang parang nadagdagan ang kapangyarihan ko. Mas bumilis ang aking mga kilos at ramdam kong lumakas ako. Mas mainam.

“Maglaro muna tayo.” Sabi niya.

Hindi ko matukoy kung babae o lalaki ba siya. Wala na akong pakielam doon. Ang mahalaga ay mawala na ito sa landas ko dahil makakaabala pa siya sa amin. Ayoko ng sagabal. Susugod na sana ako para patumbahin ito ngunit saglit akong natigilan ng lima pang katulad nito ang lumitaw. Ah, gusto niya talaga akong pahirapan, ha? Sige. Tignan natin kung sino ang matitirang matibay.

Inilabas ko ang ispada. Matagal-tagal ko na din itong hindi magagamit. Maybabayad kayo para sa pang-iistorbo sa akin. Magkakasabay na nagpunta sa aking direksiyon ang mga ito. Sinalubong ko sila. Iwinasiwas ko ang ispada sa unang nakalapit sa akin. Sapul ito sa leeg sapat na para maputulan siya ng ulo. Yumuko ako ng makita ang suntok na papadapuin sana sa akin ng pangalawa. Sa hangin lamang iyon tumama. Pagkatayo ay sinaksak ko siya sa kanyang tiyan. Pagkatapos ay ang pangatlo naman ang hinarap ko. Buti na lang at malawak dito idagdag pa na walang masyadong gamit kumpara sa unang palapag kaya maayos akong nakakagalaw. Hindi din masikip. Buong pwersang tumalon ako at sinipa ng malakas ang pang-apat na halimaw na malapit sa akin. Tumalsik ito sa pader at natusok sa bakal na nakausli doon. Ipinorma ko naman sa nalalabing halimaw ang aking sandata. Sapul siya sa kanyang tiyan ng talim niyon. Walang dugong lumalabas sa mga ito. Buhay pa ito dahil nagawa pa niyang makatayo at hindi ko inaasahan ang mabilis na kilos niya. Bago pa ako makapaghanda ay mabilis na nakuha niya ang isang bangkong puro sapot at alikabok. Walang kaabog-abog na inihampas niya iyon sa akin. Napaupo ako dahil sa sakit na lumatay sa aking katawan. Bakal kasi iyon. Shit. Gumawa ako ng fireball at ibinato dito. Sabay-sabay na naging abo ang mga ito. Huwag ako. Tinignan ko ang master ng mga halimaw. “Ikaw naman ang isusunod ko.”


********

About The Story #5
*** Saan ko nakuha ang character ni Lavinia? Sa kauna-unahang nobelang ginawa ko dito sa wattpad entitled The Legend Of Prophecy na nag Top 1 din sa Fantasy Section at umabot na din ng Million Reads pero bigla na lang nawala iyon noong hindi ko na mabuksan yung account ko. Kaya, eto. Back to zero ang peg ko pero okay lang dahil alam ko namang kaya ko. May tiwala ako sa Battle For Stardom na someday mababasa din siya ng lahat.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now