027 - The Picture

244 34 3
                                    

The Picture

NATE'S POV

Alas-dos na ng madaling araw. Wala na akong nadidinig na mga ingay. Malamang na tulog na ang mga kasama ko. Simula kanina ay hindi ako nagtangkang umidlip man lang. Hinintay ko talaga ang pagkakataon na ito. Mahirap na. Baka mamaya paghinalaan pa nila ako. Hindi pwede. Marami pa akong dapat gawin. Sandali pa akong nakiramdam sa paligid. Nang makasigurado ay tumayo ako mula sa pagkakahiga. Nagsuot ako ng itim na damit, itim na pantalon at itim na sapatos. Nag jacket din ako ng itim. Isinuot ko ang hood niyon. Nagsuot din ako ng itim na cap at itim na gloves para sa mga kamay at facemask. Oo. Lahat talaga itim. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko upang hindi iyon lumangitngit.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa main door. Matagumpay na nabuksan ko iyon na hindi nakakagawa ng ingay. Saglit akong sumilip. Tumingin-tingin ako sa paligid. Malamlam lamang ang ilaw sa buong pasilyo. Wala na talagang nasa labas sa ganitong oras. Mainam na mainam. Naglabas ako ng mga lupa sa aking kamay at inutusan ang mga iyon na panandaliang takpan ang lahat ng CCTV na nandito. Mahirap na. Kalkulado ko ang lahat ng gagawin ko dahil planado na ang lahat. Hindi ako makakapayag na masira ang plano ko sa isang maliit na pagkakamali.

Matagumpay na nakalabas ako. Mabilis na naglakad ako patungo sa office ni Charlie. Nasa dulo lang naman 'yun. Naka-alis na siya kanina pa kaya paniguradong hindi ako mahihirapang pumuslit. Nakadating na ako sa tapat ng kanyang pinto. Hinawakan ko ang doorknob. Sarado. Tulad na lang ng inaasahan ko. Nilabas ko ang hairpin na dala. Kinuha ko 'to kanina kay Lily. Kinalikot ko iyon hanggang sa nabuksan ko. Napangiti ako. Good job, bro.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob bago muling ipininid ang pinto. Kailangan kong magmabilis. Tinungo ko agad ang private room ni Charlie. Buti na lamang at hindi nakasara 'yun. Kailangan kong malaman kung nasaan ang mga magulang ako. Malakas na ang kutob ko ngayon lalo na sa mga nadinig. Maaring itinatago niya sa isang lugar. Iyon ang kailangan kong alamin.

Lumapit ako sa table niya. Binuklat ko ang mga folders na nakapatong doon. Wala. Wala. Wala. Mga sari-saring documents lamang ito. Hindi pwede. Nakakatiyak ako na may bagay dito na makakapagturo kung nasaan ang Nanay at Tatay ko. Kung buhay pa nga ba talaga ito mga ito o kung ano ang ginawa niya. Bwiset. Wala talaga.

Binuksan ko din ang drawer ng table niya. Puro folder pa din. Sa left side naman ang pinakielaman ko. Puro papel at kung ano-ano pa. Napaupo ako. Mukhang hindi pala 'to ganoon kadali tulad ng inaakala ko. Pero hindi ako susuko hanggang hindi ko nalalaman ang katotohanan. Mananagot ang may kasalanan.

Sa pagtayo kong muli ay hindi inaasahang napasandal ako sa book shelves nito. Nalaglag doon ang tatlong libro na gumawa ng ingay. Shit. Ipapahamak pa ako nito. Dadamputin ko sana iyon pero natigilan ako. Bumukas kasi 'yung isa sa mga nalaglag na libro at mula doon ay may nakita akong litratong naka-ipit. Kinuha ko iyon at pinagmasdang mabuti. Isang babae. She's probably in her early forties. Maganda ito. Napakunot ang noo ko dahil habang tinitignan ng matagal ang litrato ay parang may nagiging kamukha ito. Isang nilang na kilala ko.

.
.
.
.
.

..

.
.

.

..

.
Si Lavinia.

This can't be. Nanay niya ba 'to? O kamag-anak? Magkahiwig na magkawig talaga ang mga ito. Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko. Kinuha ko iyon at inilagay sa likod ng bulsa ng pantalon ko. Mukhang napakaraming sikreto ang itinatago ni Charlie. Humanda ito dahil lahat ng 'yon ay aalamin ko.

Ibinalik ko ang mga libro. Hindi pa ako nakakagawa ng panibagong hakbang ng makarinig ng kaluskos sa labas. Naalerto agad ako. Someone is coming!

*******




LAVINIA'S POV

2:10am. Inabot na ako ng madaling araw. May inayos lang kasi ako si Ministry of Magic na na hindi pwedeng ipagpabukas kaya kahit gabi ay ginawa ko na. Ayokong may naantalang trabaho. Patulog na sana ako kanina mga bandang alas-nuebe ng tawagan ako. Nang maiparada ang kotse ay umakyat na ako sa Presedential Building. Siguradong tulog na ang mga kasama ko dahil 'nung umalins ako ay nasa loob na ng kani-kanilang kwarto ang mga ito. Mga guards na lamang ang gising. Mas pinili kong gumamit ng hagdan kaysa sa elevator. Habang naglalakad ay napapahikab na ako. Nakakaantok. It's been a long day.

May kinalaman nga kaya ang Reyna sa nangyaring pagkuha sa mga babae? Bakit nito iyon ginagawa? Anong plano niya? Ilang lang 'yan sa mga tanong na umiikot sa aking utak. Kung siya nga talaga ang may kagagawan nito kailangan talaga naming maghanda at mag-ingat dahil hindi siya basta-basta. Siya ang itinuturing na pinakamakapangyarihang nilalang dito sa aming mundo. Ano kaya ang kakayahan niya? Well,  malalaman din naman namin 'yun once na makumpirma namin na isa itong kalaban.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa floor kung nasaan ang tirahanan namin. Ang bilis kong maglakad, hindi ba? Napatigil ako sa bukana ng hagdan nang sandaling mapasulyap ako sa opisina ni Head Master. May nilalang sa harap ng kanyang pinto! Naka all-black ito. Naka sumbrero at face mask din. Naantala ang sunod na paghakbang ko. Nagtago ako at muling sumilip. Kinakalikot niya ang doorknob ng pinto hanggang sa nagawa na niya ngang mabuksan iyon at tuluyang makapasok. Oh, no. Ano 'to?

Pipindutin ko ba ang emergency alarm? Gigising ang mga kasama? Sisigaw?

.

.

.


.

..

.

..

.
.
Hindi na siguro. Maalarma siya kapag gumawa ako ng ingay. Baka makatakas pa ito. Ibinaba ko ang dalang bag sa gilid. Ako na ang bahala sa kung sino mang pakielamerang 'yan. Baka padala siya ng kalaban para magmanman sa amin. Inihanda ko ang sarili. Matagal-tagal na din bago ako huling napalaban. Malas niya at siya ang mabibinyagan ng aking mga kamao.

Naglakad ako patungo sa opisina ni Charlie. Humanda ka kung sino ka man. Pumasok ako sa loob ng maingat na maingat upang hindi nito mapansin ang aking pagdating. Dahan-dahan akong naglakad papasok habang nagmamasid sa paligid. May night vision ako kaya hindi ko na kailangan ng ilaw. Bukas ang pinto ng opisina ni Charlie. Pumasok ako doon. Mabilis na inilibot ko ang aking mga mata. Wala siya dito. Mukhang magaling magtago ang isang 'yon. Pero hindi sa akin. Pinuntahan ko ang conference room malapit sa veranda. Binuksan ko ang glass door. Akala ba niya ay hindi ko siya mararamdaman? Nandoon siya at nakatalikod mula sa akin. Base sa bulto nito isa siyang lalaki.

“Who the fvck are you?” Tanong ko sa kanya.
Hindi ito sumagot.

Ngayon ay magsisisi siya na pumasok siya dito. Inihanda ko ang sarili. Hinding-hindi ko siya papakawalan hanggang hindi niya sinasabi kung ano ang dahilan ng pagpunta niya dito at kung sino ang nag-utos sa kanya. Baka siya na ang susi para mahuli namin ang totoong salarin. Tignan natin ang lakas ng isang 'to.

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now