We've Only Just Begun

15.9K 268 35
                                    

How will Maine keep herself occupied on her flight to Japan? Lalo na at miss na agad niya si Tisoy niya.
This fanfic imagines this scenario. Hope you enjoy it!
Picture © Maine Mendoza's snapchat
________________________________

---- Check-In Counter

Hay, hindi pa kami nakakaalis, miss ko na siya. Kung di lang ako nakapangako kina Tatay--

"Miss Mendoza? Miss Mendoza, we would like to inform you that you and a companion of your choice have been upgraded to Business Class seats, courtesy of the airline."

"Oh, thanks! I wasn't expecting that." Gulat na nasabi ni Meng. Ayan kasi, isip nang isip ke Rj, kinakausap na pala ako!

"Nay, pwede ikaw na lang sumama sa akin?" Tanong niya sa nanay niya.

"Oo naman, sino bang tatanggi sa upgrade di ba? Biro lang - siyempre gusto ko naman na makapagbonding tayong dalawa kahit sa eroplano man lang." Pabirong tugon ni Nanay.

"Sabi ko na nga ba ako ang 'peyborit' mo."

"Hmm, ako lang naman ang niyaya mo kasi wala si Rj dito!"

"Nanay! Shhh! Baka may makarinig! Maraming funny sa mundo!" Banggit ni Maine habang lumilingon sa paligid.

"E hindi ba totoo???" Pabulong na sagot ni Nanay habang nakangiti. "Tara na at baka bigla ka pang mag-backout dahil sa mami-miss mo nang husto ang Tisoy mo."

"Nay!!!" Namumulang sagot ni Meng habang sumusunod sa Nanay niya sa pre-departure area.

---- After Take-Off

"Menggay, sabi ko magbo-bonding tayo dapat di ba? Pwedeng sa pagbalik na lang? Tinamaan talaga ako ng antok."

"Ok lang po, Nay. Sleep ka na para pagdating natin sa Japan, fresh na fresh ka na ulit!"

"O sige, I'm sure madami ka namang 'iisipin' kaya di ka mabo-bore ng walang kausap." Sabay ngiti ni Nanay habang inaayos ang eye mask niya.

"Grabe siya. Si Rj na lang ba ang pwede ko isipin? Dami pa diyan, kagaya ng... Kagaya ng... Basta!"

"Uh-hmmm," siyang tugon lang ng nanay niya sa kanya.

Si Nanay talaga, binibiro na lang ako pirmi. Hay, nakakamiss naman kasi talaga siya.

Grabe naman kasi. Parang kailan lang, di ko alam kung anong gagawin sa buhay ko. Ngayon, halos lahat ng pangarap ko, nakuha ko na AND more.

Kung suwerte siya sa blessings niya sa trabaho, mas suwerte siya dahil nakilala niya si Rj. Her Tisoy, a "very gentleman" guy ika nga niya sa mga interview sa kanya.

Naku, naalala bigla ni Meng na malapit na nga pala birthday ni Rj! Ano kaya magandang iregalo to "the man who has everything"?

"Hmm, alam ko na! Makagawa nga ng mini diary of my thoughts about us! I'll give it to him sa January 2, on his 24th birthday. Galing mo talaga, Meng!" Biglang puri ni Maine sa sarili nya.

"But where to start??? From July 16? Layo naman nun. Ay basta, isulat ko na lang whatever comes to mind. Here goes nothing."

At nagsimula nang magsulat si Meng.

Rj, my bebe love, the greatest surprise that has ever been given to me - Happy 24th birthday! Tanda mo na! 4 years older ka na sa akin - hindi na tayo bagay.

Joke lang! Alam mo naman na weird ako and I'm glad to have found my kind of weird with you. You're the biggest blessing in my life and I thank the Lord everyday dahil, sapagkat, because on that rainy day in July, ikaw ang tinadhana na makita ko sa split screen at hindi ibang tao.

Pero alam mo, I really believe that even if it wasn't you on screen that day, we would have still met and gotten to this point - napabilis lang ng tadhana yung mga pangyayari. Nagkita na nga tayo sa Candy Fair kahit na hindi ikaw ang ipinunta ko di ba? Di ka pa cute non, pinagtiyagaan ko na lang yung picture mo kasi wala na akong iba makuha. Joke lang! Hawhaw!

Kinilig talaga ako noong nakita kita. As in, Alden Richards! Patay! Nawala na sa character si Yaya Dub!

So ayun nga, kinilig si Yaya, me chemistry daw tayo (gusto ko sana Biology tayo - para kay Donald Duck hihihi!). And thus began my kilig journey with you.

Pero napansin mo ba yung mga panahon na parang hindi na ako masyado kinikilig pag nagka-KalyeSerye tayo? Siguro nagtataka ka din what happened then.

To be honest, I was really scared of getting hurt. Masyado na kasi akong kinikilig sayo by then pero sa mga sagot mo sa interviews, na-hurt ako ng konti (konti lang naman) everytime you implied na wala ka pang nafe-feel for me. I really made it a point to "act" by then at huwag magpadala sa Split Screen Magic natin.

Then Tamang Panahon came. You held me tight, you reassured me, you acted like you didn't want to let me go. I still had my reservations by then kasi sa phone lang tayo nakakapag-usap and I was awkward as heck kasi hindi ko alam if totoo na ba talaga ito.

But you were persistent. You made sure to visit me on your free time. Kahit nga noong shoot ko sa My Bebe Love and you didn't have any more scenes to shoot, hinintay mo ako. Richard Faulkerson, Jr. in pursuit mode is not for the faint of heart. You made me believe in the possibilities of mixing our hectic work schedules with a relationship.

And so, during that one fateful day in November, I agreed to give things a try. MU ba (mag-un), hawhaw! Sayang nga lang, nahuli tayo agad kaya ayun, napagalitan tayo pareho and thus PRIORITIES were placed between between us.

Pero I'm really impressed with your determination. Kahit pagod ka, gagawa ka nang paraan para makabisita. Sa Condo or sa Bulacan, it doesn't matter. Basta may free time ka, you make sure to visit me, with the help of our guardian angels of course 😉!

Madalas akong moody pero sinasakyan mo lang ang mood swings ko. Feeling ko tuloy, ano ba ang ginawa kong magaling kaya binigay ka sa akin - mas bagay nga na sa iyo ko kantahin ang God gave me you kasi you are the perfect package. Guwapo, macho, mabait, gentleman pero medyo naughty, ay, erase yung huli *wink*.

I may be far away from you now, pero don't you worry. Nandito ka lagi sa isip at puso ko. I'm sure lahat ng bagay na makikita ko sa Japan, it will remind me of you ALWAYS.

We've --

"Uy, ano bang ginagawa mo diyan?" Nagising na pala si Nanay sa tabi niya.

"Um, wala po, gumagawa lang ng mini diary para po kay Rj. Ibibigay ko po sa birthday niya."

"Sabi ko ka nga ba, di ka makakatiis. Sige na ayusin mo na ang gamit mo, malapit na tayo mag-land. Tawagan or i-Skype mo pagka-landing natin, maiintindihan naman nila Tatay yun."

"Sige po, give me a few minutes, matatapos ko na po ito," sagot ni Maine.

We've only just begun... And I can't wait to discover more about you, with you, on our way to FOREVER. I love you and I can't wait to see you again.

Always your Bebe Love,
Meng

Sariling MundoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora