Always

10.5K 259 24
                                    

Japan, Dec. 25

"Meng! Menggay, gising na diyan!"

"Ate... Inaantok pa ako, grabe lakad natin kahapon. Unless it's a matter of life and death - mamaya na yan, please?" Pareklamong sagot ni M habang nakapikit pa.

"Okay fine, bibigay ko lang naman sana yung sulat na ibinilin sa akin ni Tisoy, pero sige mamaya na lang."

"Thanks (sleepily mumbling). Sulat lang pala..." Biglang napabalikwas si Maine "Sulat from Rj??? Talaga??? Akin na! Why didn't you say so in the first place???"

"O, akala ko ba babangon ka lang only if it's a matter of life and death? Mamaya mo na lang basahin - tulog ka pa diyan!"

Umakmang lalabas na ang Ate Niki niya sa kwarto.

"Ateeeeee!"

Tuluyan na talagang napatayo si Maine sa kama sabay habol kay Niki.

"O eto na! Eto na!" Natatawang sabi ng ate niya sabay abot sa sulat "Achuchuchu! Kayong dalawa talaga, para namang hindi kayo nakapag-usap ng isang linggo. Sige na babalik na ako sa room ng mga Bebe Love ko. Ingat sa mga langgam na kakagat sayo!" Kindat at sabay labas ni Niki sa kwarto ni Meng.

Hinintay muna niyang umalis si Niki bago inasikaso ang sulat.

"Eto talaga si Tisoy, ninja moves pa more! Akala ko pa naman nabigay na niya lahat ng gifts niya noong hinatid niya ako after the parade. Pero Menggay, aminin sa sarili, kinikilig ka!"

*For your eyes only, Babe*

"Babe,
  Merry Christmas! Na-surprisa ka ba? Akala mo naibigay ko na lahat ng gifts ko sa iyo noh? Siyempre hindi mawawala ang love note ko for you this Christmas.

  Kamusta ang first day sa Japan? Nakapunta ka na ba kay Hachiko? Or inuna mo ang shopping? Hulaan ko - shopping no? Enjoy mo yan, you've worked hard for it and you deserve all the good things you've received in return (and ako na ang pinakamalaking blessing mo di ba? *kilay moves*)

  Kain ka ng ramen at gyoza dyan. Grabe, sobrang sarap ng Ramen diyan. Alam ko mahilig ka sa Laksa pero the authentic Japanese Ramen will blow you away (hopefully back into my arms na).

  Bisita rin kayo sa amusement parks diyan. Si Matti di pa niya maiintindihan yan pero the colors will fascinate him. Kiss mo ako kay cutie Matti ha? Di ko nga alam if ikaw ba ang mas miss ko o si Matti... O, wag ma-BeastMode, joke lang yun - syempre ikaw ang pinakamiss ko sa lahat! At wala silang pake!

  Ok, on that note, seryoso na ako...

  First of all, i want to thank you ulit. Thank you for coming in and allowing me into your life. You are the best gift that I (Rj) have ever received. Yung booming na career, kay Alden Richards na iyon, pero ikaw, para kay Rj ka."

"Did you hear that??? Meeee! Hahaha, baliw ka talaga Menggay," sambit niya sa sarili.

  "I never expected that all my prayers will be answered this year. Nung na-interview ako about my wishes for this year, last ko na naisip ang lovelife. Career pa rin talaga dapat ang priority ko.

  But you came along and you showed me the way... Ay teka, kanta yata iyon ;-)"

"Ang corny mo talaga, Rj" nakangiting sambit ni Meng pero halatang kinikilig naman.

  "Sige serious na ulit. This Christmas, my greatest wish is to be with you. Pero I understand na sobrang miss na rin tayo ng families natin. Yun nga lang, i miss you, sobra-sobra. Ginagawa ko pa lang itong letter, ramdam ko na talaga how much I'm going to miss you.

   I miss spending time with you, kahit wala tayong ginagawa basta alam ko na nasa tabi kita. I miss looking into your eyes. I even miss our petty fights, lalo na pag trip mong mang-away nang walang dahilan.

  I miss your arms, yung mga yakap mo lalo na yung mga yakap na just because. I miss your lips - how soft they are when I kiss you and how it tells me you love me, every single day.

  I miss you. Period.

  You are the greatest Christmas, New Year, Valentine's, Birthday gift ever. And I thank the Lord every day for making sure that we met again and have this chance to find that we are each other's perfect match.

    Merry Christmas again and always remember that I love you... and I will tell you that I love you every single day kahit magkalayo tayo.

Always,
Rj

P.S. Call me as soon as you're done reading"

   Maine was in tears after reading Rj's letter for her. Super happy siya pero mas lalo niyang na-miss si Rj dahil sa nabasa niya.

   Scrambling for her phone, she started a video call with Rj.

   "Hello babe???"

    "Merry Christmas, babe! I read it already. Grabe siya, pinaiyak mo na nman ako."

    "Totoo lahat yun. Kulang pa yung nakasulat diyan to tell you how important you are in my life."

    "Menggay! Gisingin mo na si Coleen! Alis tayo in an hour!" Tawag ni Ate Niki from the door.

   "Ok! Give me a few more minutes!" Binalik nya ang atensyon kay Rj "Babe, i have to cut this short pero we have to get ready na."

   "Ok lang, i'll talk to you later na lang ulit."

    "I love you babe! Mwah!" Maine almost ended the call when...

   "Wait Babe! May nakalimutan ako!"

    "O, ano yun???"

     "Nakalimutan ko sabihin na - I love you, always. Never doubt that.
        You will forever be my Always."

Sariling MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon