Chapter 1 - Snatch

8.8K 233 14
                                    

EAMB Chapter 1 - Snatch

Zariyah's Pov

Bakasyon namin ngayon kaya naghahanap ako ng matatrabahuan. Tinanggal kasi ako sa dati kong trabaho dahil papansin daw ako sa mga lalaki.

Like, what the f? Hindi ako papansin, lumalapit lang talaga ako sakanila dahil waitress ako.

Ang totoo niyan, pinagtitinginan talaga ako pati ng mga babae at pinupuri dahil napakaganda, maputi, matangkad, makinis, matangkad at ideal girl daw ako. Minsan naniniwala ako, kadalasan hindi. Aba, baka naman binobola lang ako nila.

"Esusme! Napakainit!" Reklamo ko habang naglalakad.

Nagtitipid kasi ako ngayon dahil kailangan. Araw-araw na din akong naglalakad sa initan pero hindi talaga ako umiitim, as in never.

Biglang nagring ang phone sa bag ko, kaagad ko itong kinuha at sinagot.

Romina Calling...

"Oh?"

["Asan ka, babae?"]

"Nasa damit ko."

["Yung totoo kasi."] Inis na sabi nito.

"Asa damit nga kasi." Pamimilit ko habang nagdadabog-dabog pang lumalakad.

["Panget mo kausap!"]

*tot* *tot*

Romina Loisa Panganiban is her full name. She's my bestfriend. Magkasama kami sa isang apartment. Actually, parang magkapatid na din ang turingan namin.

Ibinalik ko na ang phone ko sa bag. Mahirap na, madaming snatcher sa tabi-tabi.

Nagningning ang mga mata ko ng matapat ako sa isang restaurant.

"Wanted: Waitress." Basa ko sa nakasulat.

Inayos ko ang buhok ko at tinanggal ang maliit kong sling bag para kunin ang maliit kong salamin.

Bubuksan ko na sana ang bag ko ng biglang agawin ito ng isang tambay na lalaki at mabilis na itinakbo.

Kaagad ko naman siyang hinabol, pero kalahi niya siguro si flash. Ang bilis tumakbo. Napakabilis.

"Shit talaga.” Mahina kong bulong sa sarili. Takbo pa rin ako ng takbo habang sinisigawan siya. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao dahil sa kasisigaw ko. Wala na akong pakialam sainyo, basta makuha ko lang ang bag ko.

Huminto ako para maghabol ng hangin pero sinusundan parin siya ng tingin ko.

Tatakbo na sana ako ng biglang may lumapit saakin na isang...anghel?!

Nakasuot ito ng medyo mahabang hoodie at nakashort. White shoes pa na dumagdag sa kapogian.

Shvta! Ang gwapo.

I never felt this feeling. Hindi ako madaling mainlove but this man, shit! I think, I fall inlove to the man who's standing infront of me.

"Miss, stay here. Ako nalang ang hahabol." Sabi nito at sa isang iglap, nakita ko nalang siya na malapit na sa snatcher.

Naiwan akong nakatunganga sa pwesto niya kanina. Ba't naman kasi ang gwapo? Ang ganda pa ng buhok niya. Isang malaking SHIT talaga.

Like he said, nag-antay ako sakanya. Hindi dito mainit kaya nakatayo lang ako habang hinihintay siya.

Pero ang tagal na'kong nakatayo dito. Mga kalahating oras na siguro.

Medyo matagal na akong nakatayo, pero wala parin siya. Tumingin ako sa relong nasa wrist ko at napataas ang kilay. Halos mag-isang oras na, wala pa rin siya?

Baka naman kakampi siya nung snatcher at binihag niya lang ako sa kapogian niya para makatakas yung snat—

"Ito na yung bag mo, miss." Anang lalaking may baritonong boses sa likod ko.

Nagpipigil ako ng kilig habang dahan-dahang humarap sakanya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sakanya habang dahan-dahang kinukuha ang bag ko na hawak ng kaniyang mahabang daliri.

"Sorry if you waited so long. I even took the snatcher to jail." Sabi nito at tipid na ngumiti. God! His thin red lips.

Ngumiti ako sakanya bago nagsalita. "T-thank you."

Tumango lamang siya. "Where are you going? I'll accompany you.." Tinuro niya yung nakapark na kulay itim na kotse sa tabi.

Shvta! Latest model 'to, shit talaga.

Umiling ako habang hindi inaalis ang ngiti sa labi. "No, thanks." Tanging naisagot ko.

"Sige. Uhm, bye." Lumapit na siya dun sa kotse niya at pinaandar.

Nakangiti akong tumingin sa paligid. At mukhang swerte ang anghel na yun dahil may coffee shop sa mismong harap ko.

"Wanted: 1 female coffee server." Basa ko.

Kaagad akong pumasok at sakto naman dahil nandoon daw ang manager sabi nung lalaki na nakausap ko dun sa may pinto. Base sa suot niya, mukha siyang waiter dito.

Pinapasok ako nila dun sa may loob dahil naghihintay daw nandoon at naghihintay daw ang manager. Kaagad ko namang inayos ang sarili ko.

Umupo ako dun sa harap ng baklang manager.

"Good Afternoon po." I greeted him.

"Good Afternoon." Halatang masungit siya dahil sobrang fierce ng pagkasabi niya nun.

Tiningnan ako nito na para bang sinusuri. Taka ko naman siyang tiningnan. "B-bakit po?"

"Walang lang, iha. Sure ka ba sa trabaho mo? I mean, mukha ka kasing mayaman. Pero dagdag attraction ka na rin dahil napakaganda mo." Nakangiting sabi nito.

Nagpilit ako ng ngiti habang nagkakamot ng batok. "Ahm, marami na rin po akong pinasukang trabaho so no worries po."

Ngumiti ito saakin. Ngumiti na lang din ako para hindi masyadong magkailangan.

"This is my resume po." I handed him my resume.

"Tanggap kana, iha. Pero hindi ikaw ang magiging server dahil napakaganda mo naman para sa trabahong iyon. Ikaw na ngayon ang nasa counter at taga-abot ng coffee sa mga waiter. So, ikaw at ang mga kasama mo dito sa trabaho ang gagawa ng kape."

Matamis na ngiti ang ibinigay ko sakanya. "Sure, sir. Thank you very much po." Nakipagkamay ako sakanya at tinanggap niya rin iyon.

"Don't call me 'sir'. From now on, you'll call me 'mudra'. Ganyan din ang tawag saakin ng mga kasama mo sa trabaho."

"Okay po, mudra. Thanks again." panimula ko at tinanggal ang kamay. "So, when I can start to work?"

"You can start your work tomorrow morning. 8 am dapat andito kana. 8:00 am to 8:00 pm ang work mo iha. 10,000 a month ang sahod mo dito dahil malaki ang sales. Pero kung mag-oovertime ka, 15,000 a month ang ibabayad ko sayo."

10,000?! OHMYY!! Napakalaki na nun.

"Thank you. Ahm, mauna na po ako." Tumango lamang ito at nakangiti akong umalis.

_Agratha || Carla

————

A/N: Mudra, handa po akong mag-overtime araw-araw basta ba ganyan din kalaki sahod ko HAHAHAHAHA.


Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon