Chapter 74

1.1K 27 0
                                    

EAMB Chapter 74

Zariyah

“Nasaan daw kayo sabi ni Master?” Tanong ni Kuya John sa kabilang linya. Alam ko kung sino ang kausap niya sa telepono, si Klein. Kaya kahit bawal, ginawa ko parin ang makinig sa usapan ng iba.

Kung ayaw niyang sabihin sa akin kung nasaan sina Kyle, edi ako nalang ang gagawa ng paraan para malaman kung nasaan sila.

Naka-loud speaker ito kaya narinig ko agad kung nasaan sila ngayon. Napangiti pa ako at napasuntok sa hangin.

Nang masiguradong hindi lilingon si Kuya John sa direksyon ko, mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng bahay. Sinabi saakin noon ni Kyle ang password nitong pintuan noon kaya nabuksan ko ito kaagad.

Dahan-dahan ko itong sinarado at siniguradong mal-lock iyon para hindi makalabas si Kuya John sa loob. Ni-lock ko na din kasi iyong front door.

May kung ano akong pinindot doon sa remote ng kotse ni Kyle at mabilis na pinaharurot iyon papunta sa labas.

NAPAHAWAK ako sa aking taenga nang makarinig ng malakas na sunod-sunod na putok ng baril. Ito ba ang tinutukoy ni Kyle na mundo? Magulo at mapanganib?

May mga lalaking parating kaya napatago ako kaagad sa likod ng drum.

“Nandito ka lang pala ah!” Sigaw ng isa sa mga lalaking dumating doon sa lalaking may tattoo na bungo sa braso. Sinubukang magpaputok ng lalaking may tattoo ngunit wala nang bala ang kaniyang hawak na baril.

Tumawa ang mga bagong dating na lalaki at mabilis na pinaputukan iyong lalaking may tattoo. Nanginig nalang ako sa takot habang naka-awang ang bibig na nakatingin sa lalaking ngayon ay nakahandusay sa sahig habang dilat ang mga matang nakatingin saakin.

Wala na iyong mga lalaking pumatay sa kaniya kaya natingnan ko nang mabuti iyong tattoo niya sa braso. Sobrang pamilyar kasi nito at mukhang nakita ko na ito noon.

Ang tattoo ni Yehon sa kamay!

Napatango-tango ako habang inaalala ang mga nangyari noon. Ibig sabihin, kakampi nito si Yehon at magkalaban sina Kyle at Yehon.

Huminga ako nang malalim bago kumuha ng baril na nakita ko lang sa tabi-tabi. Huminga ulit ako nang malalim at kinausap ang sarili sa isipan.

Kaya mo ito, Zariyah. Wala na dapat mamatay na mahalaga sa iyong buhay. May namatay na noon, 'wag mong hayaang may dumagdag pa ngayon.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at pinaputukan ang lahat ng lalaking may tattoo sa kamay at may pulang bandana sa ulo.

“Got you.” Nanindig ang balahibo ko nang may pumulupot na kamay sa bewang ko. Tinutukan niya ako nang baril at bahagyang inamoy. “Hmm. So brave, sexy, and beautiful.”

Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman kung ano ang susunod niyang gagawin. “What's your name, sexy brave woman?” Malalim ang boses niya ngunit mas malalim parin ang boses ni Kyle.

Inapakan ko nang malakas ang kaniyang paa at pumihit paharap sa kaniya bago siya sikmurahan at sinapin ang alaga niya. Namilipit siya sa sakit dahilan para mapangisi ako nang malapad.

“Vius!” Sigaw ng babae sa likuran namin at ako naman ay kaagad na tumakbo palayo. Ilang beses nagpaputok iyong babae, ngunit hindi niya ako tinamaan.

Dumiretso ako sa itaas ng gusali at napunta ako sa kwartong walang pintuan at narinig ang boses ni Kyle mula doon. Nag-aaway sila at ilang putok ng baril ang narinig ko bago ako pumasok.

Akmang may susugod kay Kyle nang mabilis ko itong paputukan ng baril mula sa likuran niya. Natumba ang lalaki at si Yehon naman ang sinunod ko. Natamaan siya sa dibdib. Tumingin ako kay Kyle at sa katunggali niyang napaka-pamilyar saakin.

Mukhang nakita ko na ito dati ang katunggali niya. Pilit namang tumatalikod iyong lalaki patalikod para hindi ko makita ang mukha niya. Hmm, suspicious.

Third Person's POV

“'Yon ang nangyari kaya napunta ako sa abandonadong gusaling iyon.” Napatango-tango naman ang kausap niyang binata matapos niyang ikwento ang lahat ng nangyari kung paano siya napunta sa lugar na iyon. “And by the way, 'wag mong pagalitan si Kuya John kasi wala naman siyang ginawang masama.”

Napabuntong hininga nalang ang binata at isinandal ang ulo ng dalaga sa matipuno niyang braso at sinuklay-suklay ang buhok niya. “Don't do that again, okay? Napaka-panganib ng ginawa mo.” Malambing ang boses nito.

Tumango-tango nalang si Zariyah ngunit hindi gagawin niya iyon kung kinakailangan at kung para sa mga taong malapit sa kaniya, lalo na sa lalaking kasama niya ngayon.

“Iyon ba ang mundo mo? Magulo at mapanganib?” Tumigil siya sa pagtanong bago pumihit paharap sa binata at salubungin ang tingin nito. “May dapat pa ba akong malaman bukod doon?”

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon