Chapter 8 - Drunk

3.5K 173 2
                                    

Zariyah's Pov

May nagdoorbell na kaya sure akong ang animal welfare na yun.

Kaagad kong binuksan ang pinto at iniluwa ang isang lalaking lasing. Bahagya itong nakayuko dahil sa kalasingan kaya hindi ko makita ang peslak(face) niya.

Basta naka-business attire siya, yun lang yung nakikita ko.

Nanatili itong nasa pintuan kaya nagsalita na ako.

"K-kuya, n-nagkamali po kayo ng k-kwartong p-pinasukan." nanginginig kong sabi. Aba'y malay ko ba kung rapist, kidnapper, o magnanakaw 'to.

Itinaas nito ang ulo niya pero mabilis siyang lumapit saakin at isinandal ako sa pader. He cornered me between his two arms.

Dun ko nakita ang mukha niya. At siya si...Mr. Stranger.

Myghadd! Mabuti nalang at nakita ko siya ulit. Pero anong ginagawa niya dito?

"Oh, it's you." He said while smiling.

"M-mr. Stranger? A-ano po ginagawa niyo dito?" I asked.

"Nandito ako sa isa sa mga condo ko. Eh ikaw? Ba't ka andito? May balak kang masama, 'no?" Nakapikit niyang sabi.

Shvta! Ang pogi!

"Lasing ka nga. Saan ba bahay niyo?" I asked him again.

"House?" May kinuha siyang card sa bulsa niya at ibinigay saakin. Credit card? "Naglalaman yan ng 1B. Kapag inuwi mo ako, sayong-sayo na yan."

"What's your address?"

"It was written in the card."

Tiningnan ko yung card at nandoon nga yung address niya.

Kinuha ko yung wallet at phone ko bago umalis na bitbit siya.

Ang bigat!

Ewan ko ba pero ba't ang sama ng tingin ng mga nakakasalubong ko at pinagbubulungan na din ako.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang lokasyon ng bahay 'daw' ni Mr. Stranger.

Nakatulog na din sa lap ko itong si Mr. Stranger. Paunti-unti ding sumusulyap si Manong driver sa rear mirror.

Nakaramdam siguro ng pangangawit si Mr. Stranger dahil sa posisyon niya kaya umupo na siya ng maayos.

Tiningnan niya ako habang nakangiti ng matamis. "Fvck! I badly want to taste your lips."

Pagkasabi niya nun ay bigla niya nalang akong hinalikan sa labi.

Hindi ako nagrespond dahil sa gulat. Sobrang lambot ng labi niya.

Dahil din siguro sa gulat, kusa ko nalang siyang tinulak. Oo gusto ko siya pero wala siyang permisong halikan ako.

First kiss ko pa naman yun!

I heard Manong Driver chuckled. Tiningnan ko siya ng masama at tinaasan pa ng kilay.

Inayos ko ang pag-upo ni Mr. Stranger bago siya pinaulanan ng mga salita.

"Mr. Stranger, grabe ka naman! Hindi mo yun pwedeng gawin."

"Oo, madaming nagsasabing maganda ako pero sinasabi ko sayo, gustong-gusto kitang sampalin." I added.

Huminto ang taxi sa isang subdivision. May mga guard na kinausap si Manong Driver bago paandarin ulit ang kotse.

Huminto ulit kami sa tapat ng napakalawak at napakalaking bahay. Ang daming mga bantay sa labas at mukhang nagkakagulo sila.

"Hintayin mo nalang po ako, Manong." Sabi ko dun sa driver. Tumango naman ito kaya lumabas na ako bitbit si Mr. Stranger.

Naging alerto yung mga nakabantay nung lumabas ako pero nagsilapitan din sila ng makitang bitbit ko si Mr. Stranger.

"Thank you for bringing boss to his house." Sabi ng kung sino sa tabi ko.

Muntik na akong mapatalon sa gulat mabuti nalang ay nakita ko agad ang mukha niya.

Klein.

Klein is my ex-classmate.

"Ikaw lang pala, Klein." I said.

"Yes naman. The one and only poging Klein."

Napangiwi ako sa sinabi niya pero iniba ko nalang ang topic. "Kilala mo ba si Mr. Stranger?"

"Si boss?" Sabay turo kay Mr. Stranger. Tumango naman ako bilang sagot. "Oo."

Kinuha ko yung credit card na ibinigay saakin ni Mr. Stranger na inilagay ko sa wallet.

Inabot ko yun kay Klein bago nagsalita. "Pakibalik nalang sakanya. Sabihin mong hindi ko kailangan ng pera niya." Bumuntong hininga ako. "Pakisapak na din siya para saakin."

"B-bakit?"

Umiwas ako ng tingin. "Kinuha niya ang First kiss ko."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya kaya nagpaalam na ako para hindi na humaba ang usapan. "Sige, pakigawa nalang. Thank you and bye."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at sumakay na ng taxi.

____

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also.😚

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon