Chapter 15 - Lock In

3.1K 120 1
                                    

Zariyah's Pov

Pagkatapos kong kainin yung pinakain saakin ay ininom ko na yung Saridon at nagtootbrush. Ibinigay kasi kanina saakin ni Yaya Soling yung magiging toothbrush ko.

Kailangan ko nang ibaba itong pinagkainan ko. Binuksan ko yung door pero hindi mabuksan.

Mukhang naka-lock!

"Ay shit!"

Pilit ko yung binubuksan pero hindi ko talaga kaya. Ba't nila ako ni-lock? Kidnapper ba sila?

Imposible naman!

Lumapit ako dun sa parang speaker na sinabi Yaya.

"Yaya Soling..." mangiyak-ngiyak kong tawag.

["Oh? Bakit?"] Sabi niya sa kabilang linya.

"Ba't nakalock 'to? Ibababa ko sana yung tray."

["Hintayin mo nalang ako diyan."]

Kaagad naman siyang nawala sa linya. Hinanap ko yung cp ko para sana macontact si Romina.

Hinanap ko yun sa parte ng kwartong 'to na pinuntahan ko pero waley...Hindi ko na hinanap yun sa ibang sulok dahil napakalaki ng kwartong 'to.

Mukhang kinuha yun ni Mr. Stranger.

Kidnapper talaga siguro sila!

Bumukas ang pinto at iniluwa si Yaya Soling. Kaagad akong lumapit sakanya.

"Yaya Soling, bakit niyo po ako ni-lock?" Parang batang tanong ko.

Kinuha niya yung tray at pinagkainan ko. "Si Sir ang umutos niyan. Para daw hindi ka umalis."

Hindi nalang ako sumagot at ngumuso nalang. Okay naman na talaga ako. MEDYO lang nga masakit ulo ko.

Umalis na si Yaya Soling at naiwan naman akong nakatunganga sa kawalan.

Amboring!

Humiga nalang ako sa kama at nag-imagine ng mga imposibleng mangyari.

~Imagination~

"I love you, fans!" Sigaw ko sa mga taong nanonood saakin.

Isa na ako ngayong k-pop idol. Kakatapos ko lang sumayaw at kumanta kaya naman kinakausap ko na ngayon ang mga fans ko.

Bubuka palang sana ang bibig ko nang biglang may tumamang bala sa dibdib ko.

Nagkagulo ang lahat ng tao at kahit isa ay walang tumulong saakin.

~End of my imagination~

*Iling* *iling*

Ba't ba ang panget ng mga imaginations ko this day?

Kinuha ko yung unan at niyakap. Amoy na amoy ko ang pabango ni Mr. Stranger.

Shvta! Ang bango!

Pinikit ko nalang ang mata ko at pinilit na makatulog. Sana mapanaginipan ko si Mr. Stranger.

~Dreamland~

Kasalukuyan kaming nasa gubat ni Mr. Stranger. Naglalakad kami habang magkahawak ang kamay.

Ayiee~ kilig si ako...

"I love you, Zariyah. Kahit may masamang mangyari sayo---"

"Ililigtas mo ako." nakangiti kong sabi.

Natigil ang usapan namin ng may narinig kaming Lion na paparating.

Nakanganga ako habang nakatingin sa mga lion na nakapaligid saamin.

Sobrang dami nila at mukang gutom na gutom. Naglalaway pa nga yung iba.

"Iligtas mo na ang sarili mo. Pabayaan mo na ako dito." Sabi ko kay Mr. Stranger habang hinihigpitan ang paghawak sa kamay niya.

"Isa lang ang kakainin namin sainyong dalawa kaya mamili kayo kung sino ang kakainin namin." Sabi nung lion.

Wow! Nagsasalita ang lion?!

Tiningnan ko si Mr. Stranger na para bang nagmamakaawa. Ayoko naman talaga kasing makain ng lions. Sinabi ko lang talaga yun kanina kasi alam kong hindi papayag si Mr. Stranger. Gaya nung napapanood ko sa TV at nababasa sa Wattpad.

"I'm sorry, Zariyah." Tiningnan ko siya ng masama. Aba'y gusto niya akong mamatay.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "I love you my Zariyah."

Bumitiw siya at hinarap ang mga leon. "Ako ang kainin niyo, 'wag si Zariyah."

Taka ko siyang tiningnan at naramdaman ko nalang na tumutulo na yung luha ko sa pisnge ko.

Hinalikan niya ulit ako bago lumapit sa mga leon.

"MR. STRANGER!" sigaw ko habang umiiyak.

~Reality~

Iminulat ko ang mata ko at naramdaman kong may totoong luha ang tumutulo sa pisnge ko.

Ba't ang lungkot ng panaginip ko?

Tiningnan ko ang orasan sa wall clock ni Mr. Stranger.

10:30 pm...

Gabi na pala?

Itinaklob ko na ang kumot sa buong katawan ko syempre kasama ang ulo at paa.

Aba'y baka mamaya ay may makita akong multo at may humila sa paa ko. Malay ko ba kung may multo sa kwartong 'to.

__________

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also.😽

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ